Grim Reaper's P.O.V.
Napakunot naman ang noo nya at halatang naguluhan sa sinabi ko.
Ako nga ang dapat magtaka sa mga mayroon sa kanya. Nakita ko syang nakipaglaban kanina. Hindi pala sya yun. Yung mga elemental spirits pala yun, na pinalabas nya. Sya pala ang holder nun. Tapos pa nun, walang ibang pwedeng makakita ng bundok ng Olympia kung hindi ka papayagan ng mga dyos na makita yun. Ibig-sabihin lang nun may pahintulot sya mula sa isa sa mga dyos at dyosa.
Bumuntong hininga ako bago magsalita. "Nagsasawa na daw kasi ang mga taas na manood sa mabagal na pag-akyat ng mga katulad ko sa bundok na ito. Mabagal ang pagdating ng mga kaluluwang tatrabahuhin nila. Kaya naman nagrequest ang management na makisabay sa pagbabago ng bayan. At yun nga nagpalagay sila ng elevator." pagliwanag ko at tumango-tango lang sya.
"Eh bakit karwahe parin ang gamit nyo? Pwede din namang kotse. A vintage black car for the reapers." kumikinang-kinang pa ang mga mata nya. Parang sya ang gagamit ha?
Napabuntong hininga na ulit ako. She's beautiful lady with a bipolar disorder.
"We are here." bumaba na ako at ganun din sya.
"Hay... ang tagal nyo namang dumating." nakakagulat ng marinig ko ang boses na yun. Kahit matagal na akong patay kinikilabutan parin ako kapag na ririnig ko ang boses ng mga Dyos.
"Goddess Gaia! Ano pong dahilan kung bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanya habang nakabow. Nakabow ang lahat at walang nakatayo ng ayos kung hindi ang babaeng nasa tabi ko.
"Iniintay ko lang ang anak ko." anak? Sinong anak.
"Hindi mo ako anak." nagtaka ako kausapin sya ng ganun ng babaeng ito. Wala syang galang sa isang dyosa.
"Anak kita. Ako ang lumikha sa iyo kaya anak kita."
"Hay nako. Kamukha lang kita pero hindi mo ako anak." nakacross arms pa ito habang sinasagot ng pabalang si goddess Gaia.
"Hay... fine. Pero ako ang creator mo. Kaya kamuha kita. Magkasing ganda lang tayo." tama ako sa kungklusyon ko na may kahawig sya. Napa-Tsk nalang yung babae.
"Halika ka na. Maligo kana at magbihis. Ipapakilala kita sa iba." ramdam kong lumapit na ang babae kay goddess Gaia. Kaya naman napaayos na ako ng tayo.
"Grabe master, kasama pala natin ang anak ng isang goddess." kahit ako hindi makapaniwala.
"Kakaiba talaga sya." napabuntong hininga nalang ako. Sya yung tipong hindi mo malalaman ang susunod na gagawin at hinding-hindi mo malalaman kung ano ang mayroon sa kanya.
"Master, magtrabaho na po kayo." nakatulala na pala ako at nawala sa ulirat.
"Ah... oo nga pala." sabi ko nalang at pumunta sa chamber ng mga espirito.
Laira's P.O.V.
Inaamin ko na ilang araw na akong walang ligo pero ipamukha ba naman sa akin na mabaho na ako, how saklaf this lyf?
"Kahit ilang araw na akong hindi maligo, mabango parin ako." I evoke my rights to prove that I'm still beautiful whether I didn't take a shower.
"Gusto mo bang malaman kung bakit hindi nagrereklamo ang kasama mo na mabaho ka?" oo nga, ano? Hindi naman talaga sya magrereklamo dahil mabango naman talaga ako.
"Kasi isa silang grim reaper, pinarusan sila dahil sa mabigat na kasalanang ginawa nila noong nabubuhay pa sila. Pwedeng pumatay sila, pwede rin namang naging pinuno sila ng masamang side at pumatay ng mga inosenteng mga tao, o kung ano pang mabigat na kasalanan. Mawawala lang ang parusa nila kapag nalaman nila ang ginawa nila at pinagsisihan yun. Pero syempre hindi matagal mangyari yun dahil kabilin-bilinan namin na huwag hahawak sa kahit sinong buhay dahil makakaramdam ka ng sakit." o anong kunek nun sa pagiging mabaho ko?
BINABASA MO ANG
El Mahica Academy: Enchant School
FantasyDalawang mundo. Mundo ng mga tao at mundo ng MAHIKA. Paano kung lumaki ka sa mundo ng mga tao pero ang kinabibilangan mong mundo ay mundo ng mahika pala. Ako si Laira Myth. Lumaki ako sa mortal world pero sa isang iglap napunta ako sa isang mundo na...