Frida's P.O.V.
Hay isang napakasamang araw para sa akin. Nakakainis.
Pahamak talaga sa akin yang babaeng yan. Nakakainis na??! Nananadya na sya?!
"Calm down, sis. Ramdam kong nagwawala ang kapangyarihan mo. Huwag ka ngang magpadala sa emosyon mo baka mapahamak pa kaming lahat." inirapan ko naman ang mokong na pumunta sa tabi ko.
"Yeah yeah... kala mo kung sino ang magaling magpigil ng galit." pagpaparinig ko at tumawa lang sya.
Aba himala at tumatawa na sya ngayon. Dati kasi hindi mo yan mapapangiti, mapatawa pa kaya?
"Bro, ano bang kinain mo naging ganyan ka?" tanong ko sa kanya na ikinaseryoso nya.
"Ano ba ang tinutukoy mo?" nakapoker face na tanong nya.
"Tsk. Nevermind." binilisan ko ang pagpapalipad sa dragon ko nakisabay sa iba.
Sakto ang napuntahan ko kasi katabi ko ngayon ang crush ko... Si Prince Rodnel. Kaso kahit kanino hindi ko sinasabi. Hindi naman sa ikinakahiya ko pero, natatakot kasi ako na mabasted. Alam ko kasing hindi ako yung tipo ni Kuya Rod. Ang mga tipo nya maganda, malulusog ang mga dapat malusog. Hay... ako kasi maganda pero matalino at matangkad, hindi gaanong kalusugan ang boobs at pwet ko kumpara kay Calista. Pero pangmiss universe ang datingan ko.
"Hala nandito ang prinsesa nang apoy. Gwapong-gwapo ka na naman sakin, ano?" yan ang dahilan kung bakit hindi ko sinasabi kahit kanino.
"Lol. Pwede ba huwag ako? Kung ako prinsesa ng apoy, ikaw prinsepe ng mga kahanginan." poker face kong sambit.
"Woah... huwag masyadong mainit ang ulo mo. Sige ka papanget ka lalo. HahahahahahaXD!!!" kahit ganyan ka mahal parin kita.
Ginusumutan ko sya ng mukha na naging dahilan kung bakit lalo pa syang tumawa. Malaglag ka sana...
Para masalo kita...
And speaking off. Nalaglag nga kakatawa. Tsk. Yan kasi masyadong natuwa sa akin.
Sasaluhin ko na sana sya ng mabilis na kumilos ang dragon nya para saluhin sya. Sayang... sayang talaga...
"Master wag ka nang malungkot, hindi pa naman huli ang lahat." wika ni Shello sa utak ko.
"Tama ka. Pero hindi ako susuko." sagot ko sa sinabi nya.
Ang koneksyon ng dragon rider sa kanyang dragon ay sa pamamagitan ng isip. Kahit mind reader ay hindi kayang maintindihan ang koneksyong iyon. Tanging ang dragon at rider nito ang maaaring magkaintindihan. Pwera nalang kung kaya mong makipagkomunikasyon sa ibang dragon. Pero walang pa akong makikitang may kaya nun. Tangging dragon sa dragon lang ang nagkakaintindihan.
"Malapit lang dito ang bayan namin." napatingin naman ako sa tumabi sa akin. Si Joyce pala.
"Ang bayan ng Sorzogon. Tama..." mahinang sambit ko.
Ang bayan ng mga sorcerers at sorceress. Ang tagal narin ng huling nakapunta kami dito.
"Excited na akong makita ang pamilya ko!!!" masaya nyang tili.
"Hindi tayo maaaring magtagal kaya bilisan mo lang ang pagdalaw." pagbibilin ni Ms. D, napatango naman si Joyce habang kumikislap-kislap pa ang kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
El Mahica Academy: Enchant School
FantasyDalawang mundo. Mundo ng mga tao at mundo ng MAHIKA. Paano kung lumaki ka sa mundo ng mga tao pero ang kinabibilangan mong mundo ay mundo ng mahika pala. Ako si Laira Myth. Lumaki ako sa mortal world pero sa isang iglap napunta ako sa isang mundo na...