14: Small Town

9 0 0
                                    




















Lance's P.O.V.

*YAWN* nakakaantok naman ang buong maghapon ko. Nung imaga ko lang sya nakita. Tapos ngayon tinipon pa kami ng tatlong gurang sa harapan namin.

Napaiwas naman ako ng tingin ng biglang tumingin sa akin si Tandang Heneral. Nakakabasa nga pala sya ng isip.

Nandito ang Light Knights, Aureole Legionnaires at syempre ang SG. Super Gwapo/Ganda, Super Galing, ang Special Group. Ang totoo nyan hindi sila pabor sa grupo namin. Kami lang talaga ang nagdesisyong magsama-sama. Kung ba ga kapag wala ang dalwang ibang grupo may ibang papalit at kami yun syempre.

"Look like someone's not listening." napatingin naman ako sa unahan.

"And finally, I caught your attention Mr. Flamen. Listen, because it really important." si Ms. Francesca yan. Napairap naman ako.

"Siguro naman kilala nyo si Laira, right?" tanong nya. Aba syempre sa ganda nyang yun! Famous na kaya sya sa buong akademya.

"What about her?" tanong ni Nick. Tumingin kaming lahat sa kanya at nung tumingin sya sa akin. Binigyan ko sya ng masamang tingin at ganun rin ang ginawa nya.

"Umalis sya ng akademya para hanapin ang sarili nya." si HM Celina yan.

"Balak nya ring hanapin ang mga magulang nya sa mundo natin." dagdag ni Dean Francesca.

"Kaninang umaga, nagpaalam sya kay Celina kung pwedeng lumabas ng akademya. At yun nga, pinayagan sya." -HM Celina

"Pero huli na nang malaman namin kung sino ang mga magulang ny—"

"Sino po ang mga magulang nya?" singit ni Vera. Yeah she always have her heart for everyone.

"It's confidential, Ms. Earthen." secret-secret pang nalalaman. Tsk. Imposible naming  mabasa ang iniisip nila dahil bawal gumamit ng kapangyarihan sa loob ng HM's office dahil sa barrier. Puwera nalang kung nakabukas ang pinto.

"Ang misyon nyo ay hanapin si Laira sa kahit anong paraan. At ibalik sya dito ng kahit anong mangyari." si Tandang Heneral na yan.

"Bakit ba kailangan syang hanapin? Kahit kailan talaga napakapaespisyal ng babaeng yan. Masyadong pabeb—" hindi ko kilala yung babaeng yun. Ang alam ko lang medyo malakas sya kaya sya nakapasok sa Aureole. Medyo lang hah.

"Don't you dare bide on what you're intended to say or else I'll shut your fvcking mouth up!" katakot... Pinipigilan ni HM at Dean si Tandang Heneral.

"Mom! Where is my sister?!" napatingin naman ako sa bagong kakapasok lang na si Aldridge Dwen Zuneria. Sya yung kakambal ng nawawalang prinsesa.

"Mom? Sister?" yan ang reaksyon ng lahat pwera lang sa tatlong gurang at kaming dalwa ni Nick.

"Di ba nawawala." sila ulit yan.

Pero mukhang hindi nya sila pinansin at dumiretsyo papunta sa tatlong gurang.

"Where is my sister?!" bungad nito.

"We'll talk about that later... You may go." pagpapaalis sa amin ni Tandang Heneral.

Tsk. Confidential na naman? Huwag mong sabihin na nahanap na nila ang prinsesa? Sana maganda... teka! Hindi ko ipagpapalit si Laira, ang ibig-sabihin ko lang dun kung sasama sya sa team namin dapat maganda sya. Siguro naman maganda ang anak ng hari't reyna kasi ang gaganda ng mga lahi nila lalo na yung kapatid nya na. Maganda din naman yung mga lahi namin...

El Mahica Academy: Enchant SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon