Sensya na po... but here... enjoy.
____________________________
"Yeah, you're right... so how we can close that door? Eh, wala namansa ating mayroon ng power na Holy Clausus para masara yun." maarteng sabi ng isa pang kasama namin. Hindi ko kasi sya kilala.
Hindi ko pwedeng gamitin ang spell na yun kasi nakakaubos ang lakas baka maglaho ulit at bumalik na naman ako sa katawan ko. Pero may isa pa akong alam na spell na pwedeng makapagsara.
"Spit it out." sabi ni Kuya. Kaya naman na patingin kami sa kanya at nakatingin naman sya sa akin kaya napabalik sa akin ang tingin nila.
"May isa pa akong alam na spell kaso napakadelikado, isa yun sa Ban Magic kaso pwede ka nitong mapatay kung hindi mo kakayanin. Sa sampung tao dalawa lang ang nakakaligtas. Dahil kapag hindi kinaya ng katawan at kapangyarihan mo pwede kang mamatay o makatulog ng matagal hanggang sa mabawi ang kapangyarihan mo. Gusto nyo pa bang subukan?" pananakot ko pero yun talaga ang totoo.
Biglang tumahimik ang buong lugar dahil sa mga narinig nila mula sa akin.
Oo nga pala bago ko makalimutan. Bago ko rin ibigay ang isa pang option.
"Ah... mahal na Hari at mahal na Reyna maaari ko po a kayong makausap ng pribado?" tanong ko sa kanila. Nagkatinginan muna sila bago tumango. Tumayo na kami at lumabas ng Royal Diner.
"Pwede po ba kayong tumingin sa mga mata ko?" ginawa naman nila ang sinabi ko.
Nagsimula na akong maghalukay ng memorya at nag-umpisa na akong burahin ang mukha ko part na nakipaglaban ako sa Kaijo habang nakasuot suot ko kanina. At lahat ng may kinalaman dun ay binura ko na din. Pinaltan ko na rin ng ibang memorya para tumugma ang mga binura ko. Nang matapos iyon ay pumitik ako sa hangin at doon na sila nagkamalay.
"Ano bang kailangan mo, iha?" tanong ng Hari.
"Ahehehe... sorry po nakalimutan ko po kasi... hehe... sorry po ulit. Sa sobra ko po atang kaba nakalimutan ko na po." kumamot ako sa batok para epektib ang pag-arte ko.
Ngumti lang sila sa akin. "Okay lang. Let's go back. Baka maalala mo na pagbalik natin." nagchuckle na lang ako at ganun din sila.
Bumalik na kami sa mga upuan namin at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Anong pinag-usapan nyo dun?" tanong ni Kuya sa isip ko.
"Wala naman. May ginawa lang ako, para safe." ayokong sabihin sa kanya kung ano ang ginawa ko, baka ipagkalat nya pa. Hihihi...
"Nga pala." ako yan. Kinukuha ko lang ang mga atensyon nila.
"Nabasa ko rin na ang mga apprentice ng mga Dyos pati narin ang elemental guardians ay may kakayahang magamit ang Holy Clausus. Kung makakahanap tayo ng isa ay pwede nating pakiusapan na tulungan tayo sa misyon na ito. Dahil kung hindi natin ito maisasara ay lalong lalala ang lahat. Magpapatuloy ang paglabas ng Kaijo, at ang mas malala pa, pwedeng lumabas ang mga espiritong nandoon at magsahsik ng lagim." pananakot ko. Epektib naman. Hehe...
"So, may kilala ba kayo?" nanahimik na naman sila. Anong mangyayari sa misyon na ito. Mga wala na naman palang kilala. Hay...
"Me." napatingin kami sa babaeng mahinhin kasi ang hina ng boses nya pero rinig naman kasi tahimik nung nagsalita sya.
BINABASA MO ANG
El Mahica Academy: Enchant School
FantasyDalawang mundo. Mundo ng mga tao at mundo ng MAHIKA. Paano kung lumaki ka sa mundo ng mga tao pero ang kinabibilangan mong mundo ay mundo ng mahika pala. Ako si Laira Myth. Lumaki ako sa mortal world pero sa isang iglap napunta ako sa isang mundo na...