3: This Is It

8 0 0
                                    













Laira's P.O.V.

Nandito ako sa cr ng mga babae. Inaayos ko ang sarili ko. Nagpalit narin akong damit na panglinis. Pinahiram nila ako dahil uniform lang ang dala kong extrang damit.

Naguguluhan parin ako sa nangyari. Paano nagliyab ang palaso ko eh metal yun at hindi flamable.

"Hindi kaya ikaw Lance ang may dahilan kung bakit nagliyab yung palaso nya? Di ba ang hilig mo syang sundan?" mahina lang yun pero rinig ko parin. Huh!? Anong ginawa ni Lance? At sino naman ang sinusundan nya?

Ipinikit ko ang aking mga mata at iminulat ulit. Hahanapin ko kung saan nang galing yun tinig na yun mula sa kinatatayuan ko. Ang layo naman... nasa dulo itong cr at nasa kabilang dulo sa itaas naman sila nandoon. Nakita ko na sila. Lima sila doon. Ang limang may iba't ibang kulay ng buhok.

"No. He isn't. Nakita ko kung anong nangyari at sya talaga ang may gawa nun." uy si chestnut girl!

"At paano mo naman nasabing sya ang may gawa nun?" si sky blue colored girl. Sky blue yung mga mata nya at buhok. Kasali sya sa Glee Club. Kung saan kasali din ako dun bilang pianist. Ayokong kumanta dahil tuwing kumakanta ako umiiyak sila. Pero depende naman yun sa type ng genre nang music.

"Mahigit mag-iisang minuto ng umalis si Dean at si Lance ng biglang nagliyab ang BUONG palaso nya. At ang pinagtataka ko hindi sya napapaso at kulay ginto ang apoy nya kasabay nun ang pagbabago ng kulay ng buhok nya. Nakaready na sya ng bigla nyang mabitawan ang palaso nya. Pinagmasdan ko ang pagkasunog ng target board at bigla itong naging abo bago pa man nya mapindot ang fire alarm." pagkukwento ni chestnut girl. A-ano? H-hindi manlang ako napapaso sa apoy kanina? At oo ginto yun. Meron bang ganun? Tama din yung sinabi nya. Pagkalingon ko sa target board na nasusunod kanina ay biglang nawala. Yun pala naging abo na.

"G-ginto? G-ginto ang apoy nya?" nagsalita ulit si sky blue girl. Kahit ako hindi makapaniwala sa nangyari. Bakit sa kanila yung apoy yung big deal?

"Di ba isa yun sa Forgotten Magics ng Lican? Ang Golden Fire. Mahigit isang libong taon na ang nakakalipas ng huling may nagmay-ari nito. At si King Charlie pa ang may ari nun." si yung buhok nya color violet at na may halong red voilet. Kung hindi ako nagkakamali ang pangalan nya ay Yosen. Anong Lican, sa pagkakaalam ko wala namang ganun lugar dito sa mundo? At anong forgotten magic? Anong golden fire? At sino si King Charlie? A-a-h basta hindi ko sila maintindihan!!?

"So ano gagawin ni Dean? Papalipatin na ba si Laira sa academy?" ako nga ang pinag-uusapan nila. Anong lilipat? Ako lilipat? No way?!

"Siguro? Siguro... Ang magagawa palang natin ay ang magbigay ng konklusyon. Hahanap pa tayo ng information tungkol sa kanya." A-ano? So parang sinasabi nila na isa akong suspect sa isang crime.

Hayyy... bahala sila sa mga buhay nila. Gawin nila ang gusto nilang gawin dahil wala akong pakielam. Kung ako nga walang mahanap na impormasyon tungkol sa mga magulang sila pa kaya.

Muli akong pumikit. Nakakahilo man ang ginawa ko. Okay lang kaya pa naman.


Bumalik ako sa training room at doon ko sisimulang maglinis. Ano kaya ang gagawin nila sa mga librong nabasa sa library at ang iba pa nabasa. Ang laki talaga ng gulong nagawa ko ngayon. Buti nalang hindi ako napatawan ng suspension. Haayyy... may maikukwento na naman ako kay Mother Rena pag-uwi ko.

El Mahica Academy: Enchant SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon