7: Mind Over Everything

14 0 0
                                    
















Third Person's P.O.V.

Napatakip naman si Laira ng kanyang mukha sa pag-aakalang matatamaan sya ng malaking tipak ng lupa.

"A-Anong?!" hindi na nya nagawang ituloy ang sasabihin dahil nagulat narin ito sa nakita.

Ang estatwa ni King Charlie na purong ginto laman at walang kahit anong metal, makina, at iba pang makakapagpagalaw dito ay bigla nalamang gumalaw para iligtas ang isang babae na matatamaan ng lupa. Ang mga palad nito ang ipinansalag upang mapigilan ang tatama sa babae.

Ilang saglit pa ay bumalik din ito sa dating tayo. Gulat na gulat ang lahat dahil sa nangyari.

"P-p-pinagalaw m-mo ba y-yun?" tanong ng lalaking nagpababa sa kanya kanina.

Ang tanging sagot ni Laira ay iling. Kahit sya hindi makapaniwala sa nangyari.

'Paano nangyari iyon?' tanong ni Laira sa kanyang sarili.

"Aalis na po ako. Sorry po ulit." nagbow sya sa bago nagteleport.

Nagteleport sya sa burol na pinuntahan nya kasama si Lance nung kaarawan nya.

Umupo sya sa baba ng puno kung saan nagbibigay ito ng lilom. Gusto nya muna magpalipas ng oras mag-isa.




Another Someone's P.O.V.

*yawn* Haayyy... napasarap ang tulog ko dito sa taas ng puno.

Alas-tres imedya na pala hindi ko namalayan. Wala pa kasi akong misyon o kahit ano pang mga pagkakaabalahan. Kakatamad.

Baba na sana ako ng maaninag ang babaeng may aquamarine na buhok, katulad ko pero may highlights na royal red yung kanya. Bumaba ako pero ginamit ko yung ability ko na teleportation. Sa harap nya ako mismo bumaba.

Huh!? Tulog? Sayang akala ko pa naman magugulat ko.

Hinawi ko ang buhok nya at inangkla sa likod ng tenga nya. Ang puti naman nya. Kasing puti ng nyebe, ang tangos din ng ilong nya, ang mga pinkish na labi, at bumagay din sa kanya ang pagkahulma ng panga nya. Sa maikling salita literal na maganda. Para nga sya depinisyon nun.

Iminulat nya ang kanyang mga mata... ano ba itong nangyayari sakin? Bakit parang himabagal ang pagalaw ng nasa paligid ko. Ang panghangin, ang patak ng mga dahon at pagbukas ng mga mata nya. Ba-bakit ganito? Ngayon ko lang naramdaman ang ganito sa buong buhay ko.

"Do you need something?" tanong nya na nagpabalik sa ulirat ko.

"W-wala... a-akala ko k-kasi k-kakilala ko." bakit ba ako nauutak!!? Hindi pa ako nautal sa harap ng kahit sino!!

Ngumiti sya ng konti. Konti lang... pero parang ang laki ng epekto sa akin?

"A-anong pangalan mo?" ano ba yan. Nautal na naman ako.

"I'm Laira. Laira Myth." pagpapakilala nya. Pamilyar yung pangalan nya. Tumabi ako sa kanya.

"I-ikaw ba yung galing sa mortal world?" tumango lang sya.

"What's the clepe of your hair?" tanong nya at napahawak naman ako doon.

"Ah eto ba? Aquamarine. Ikaw din naman aquamarine din kulay ng buhok." napakunot naman ang noo nya.

"Huh!? Pula yung kulay ng buh—O my gosh!!?" gulat sya na parang ngayon nya lang nalaman.

Hinawakan nya yung lupa at may gumapang na yelo mula doon. Ice user? Pero walang iba pang ice user na kakulay ang buhok ko at sa mga magulang ko.

El Mahica Academy: Enchant SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon