5: Authentic Conclusions

11 0 0
                                    










Dean Francesca's P.O.V.

Isang araw na ang nakakalipas nang makaalis sila sa school na pinapatakbo ko. At sariwang-sariwa pa rin sa akin ang nangyari nung isang araw.

Yung makita syang makipaglaban ng ganun ay talagang kamangha-mangha...

Flashback...

Nandito ako ngayon sa isang klasrum kung saan nagtipon ang limang pinadalang estudyante ng academy.

"Dean. Papalipatin nyo na ba si Laira sa academy?" tanong ni Kristine pero mas tinatawag nilang Rose. Dahil bagay sa ugali nya ang Rose, maganda pero matinik.

"Probably yes... tama nga ang hinala ko na sya ang nagtataglay ng malakas na kapangyarihan yun. Nung isang buwan lang siguro lumabas ang kapangyarihan nya kaya hindi ko agad na ramdaman iyon." sobra talagang nakakapagtaka na hindi lumabas ang kapangyarihan nya nang masmaaga ang karaniwang kapangyarihan kasi ng isang charmer lumalabas nang ikatlong taon hanggang sampung taon nyang nabuhay sa mundong ito. Pero yung sa kanya umabot ng 15 years.

Wala nang nagsalita sa amin.

"AAAAAAAHHHHHH!!!" naalarma naman kami ng may sumigaw. Kakaibang tinig. Sigaw na nagpadala ng mensahe. Galing sa malayo pero parang malapit lang ang sumigaw.

Agad kaming napadungaw sa biranda ng marinig iyon. Ilan pang sandali ay may sumabog sa parte kung nasaan ang mga training areas sa campus.

Nakita naming tumatakbo palabas ng butas sa pader si Laira. Hinabol naman ito ng taong nakacloak.

"Paano nakapasok yan dito?" tanong ni Froylan o mas tinawag nilang Timothy.

Kanya-kanya kaming baba mula sa second floor. Tumalon na kami mula doon dahil sa pagmamadali. Sa aming mga magus walang imposible.

Nang makalapit na kami ay pinatigil ko sila. "Don't. Don't bother them. This is the only way to answer our questions."

Napamura naman si Lance dahil sa pagpigil ko. Alam naming lahat na may gusto sya kay Laira. At gusto nyang iligtas sya mula sa isang Darkenian.

I watched her... how she move. And graceful ng galaw nya. Para syang reyna na nakikipaglaban. Naalala ko tuloy si Alana sa kanya. Bukod na magkamuka sila parehas pa ng pag-uugali. Hindi kaya? Maaari din naman...

"Ano suko ka na ba?" sambit ng kalaban.

"Me? No I will not." itinago ni Laira ang kaliwang kamay nya sa kanyang likod. Nagsimula nang umapoy ng ginto ang kamay nyang iyon.

Totoo nga! Totoo na sya ang may hawak ng golden fire. Pero kadalasan sa namamana ang kapangyarihan kung kadugo mo ang gumamit nun. Sa ngayon ilan palang ang mga hawak kong fact na nagsasabing posibleng totoo ang mga konklusyon ko. Hindi ako matalino katulad ng kapatid ko pero maaasahan mo lagi ang mga konklusyon ko.

Ibinato nya ang hawak nyang stick na ginto dapat tatama iyon sakto sa noo kung hindi lang umilag ang Darkenian na yun. Pero mukha namang may plano sya. Ibinato nya yung bato na nagliliyab ng gintong apoy. Nakaiwas yung kalaban pero nadaplisan sya kaya binalot din sya ng apoy at isang segundo ay naging abo na ang katawan nya.

El Mahica Academy: Enchant SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon