13: Grim Reaper

7 1 0
                                    










Laira's P.O.V.

Agad akong umalis dahil sa intense na nararamdaman ko sa pagitan nila. Dala ko na ang mga dapat kong dalhin bago ako pumunta sa opisina ni HM. Lumabas na ako ng gate ng eskwelahan pero sumulyap ako sa loob bago magsara ito.

Babalik ako. Hahanapin ko lang kung sino ako. At kung sino ang mga magulang ko.

Nilakbay ko na ang diretsyong daan patungo sa hindi ko alam.


Ilang oras na rin akong naglalakad sa mahabang daan na ito ngunit wala akong mahagilap. Ayoko rin namang gumamit ng kapangyarihan dahil baka maramdaman ako ng mga kaaway na sinasabi nila.

Sa di kalayuan may naririnig akong tunog nang kalesa. Uso pa pala ang kalesa sa lugar na ito? Pero naramdaman ko rin ang hindi kanais-nais na awra nito. Itim.

Umakyat ako sa puno at ginamit ang invisibility ko. Hinayaan ko silang lumagpas sa akin. Kotyero ay purong kalansay pero may damit. Ang kabayo din ay ganun din ang itsura pero kalansay lang.

Grabe. Wala na talagang imposible sa mundong ito. Ang daming kababalaghan ang nangyayari.

Sinundan ko sila nang tingin at nakita ko sa hindi kalayuan ang isang bayan. Kung titingnab ay mukhang simple lang ito ngunit na gulantang ako ng may naganap na pagsabog.

Agad akong gumawa ng portal patungo duon.

Nakarating ako sa harap ng bayan. Nagtatakbuhan ang mga tao. Nasusunog ang mga bahay. Nag-iiyakang mga bata... at nagliliparang mga tao?

Mabilis akong gumalaw at sinalo sila. Muli kong ibinalik ang tingin ako sa loob ng bayan. May nakita akong apat na taong naglalalad sa likod ng mga usok. Nakaitim na mga nakacloak. Katulad ng akin pero itim ang kanila ang akin ay puti. May logo ng school ang coat ko sa likod. Ewan ko lang sa kanila.

Naglabas ng dark energy ball yung isa at ibinato ito sa isang direksyon. Napatingin ako dito at agad na nagteleport para iligtas ang batang dapat matatamaan ng kapangyarihan.

"Are you okay?" nakalayo na kami sa kaguluhan. Inilagay ko sya sa ligtas na lugar kung saan walang pwedeng manakit sa kanya.

"Opo. Pero yung tatay ko po hindi. Naipit po sya ng gumuhong bahay namin. Ate tulungan nyo po sya. Parang awa nyo na po." tumango ako at iniwan na sya. I need to find her father. Minsan na akong nawalan ng pamilya at hindi ko hahayaang mawalan pa ang iba.

Ginamit ko naman ang x-ray vision ko upang hanapin ang ama nya.

Napakarami palang natabunan ng mga gumuhong impastraktura. Upang mapadali ang trabaho ko ay pinalutang ko nalang ang lahat ng mga batong gumuho na may natabunan at itinapon ang mga iyon. Pinalutang ko rin ang mga katawan ng mga taong natabunan. Ang iba ay sugatan at ang iba naman ay patay na.

Inilagay ko sila sa ligtas na lugar.

"HOY! IKAW PAKELAMERA KA!!!" napaiwas naman ako dahil sa biglaang pagbato sa akin.

Tumingin ako sa nagbato. Panget.

"Kayo. Bakit kayo nanggugulo?" malamig at may pagkaawtorisado kong sambit.

"At sino ka naman para pakelaman kami, bitch?" matapang na tanong nung panget na babae. Sila yung apat na taong nakita ko. Apat na lalaki at isang babae.

"I don't give my name to a strangers." ganun parin ang pagkasabi ko.

"Hindi mo na kailangang magpakilala pa, kasi tatapusin ka na namin." yung isa yung nagsalita at naglabas sya ng matulis na bagay at ibinato nya nang diretsyo sa akin.

El Mahica Academy: Enchant SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon