2: Conclusions

18 0 0
                                    













Someone's P.O.V.

Excited. Yan ang nararamdaman ko. Maipapahiwatig ko narin ang nararamdaman ko sa kanya. Naramdaman ko na ito nung una ko palang syang makita... nung makita ko yung ngiti nya kahit alam mong pilit lang yun bumagal ang mundo ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Alam kong nakakabakla ang mga pinagsasabi ko pero ito yung nangyayari kapag inlove ka. Kikiligin ka kapag dadaan sya, mapapangiti ka kapag nakikita mong masaya sya, pero ang totoo hindi ko pa sya nakikitang ngumiti na ngiting masaya talaga. I just use that word for you to understand what I'm talking about.

~BBBEEEEPPPPPPP

Napapreno ako ng sasakyan ko nang may biglang tumawid at muntik ko nang masagasaan. Buti nalang nakapreno agad ako at hindi masyadong mabilis ang pagpapatakbo ko.

"F*ck!!? Magpapakamatay ka ba!!?" sigaw ko ng makalabas ako.

Aba magaling!? Tingnan mo hindi manlang ako sinagot. 'Ni hindi manlang nag-abalang tingnan ako at nagpatuloy lang sya sa paglalakad.

"F*ck! HOY! Babae hindi ka manlang ba magsosorry?" habol ko at kinabig ko sya para makaharap sa akin.

Pero ang ginawa nya lang ay hinawakan nya ang braso ko na pinanghawak sa balikat nya tapos pinatalikod nya ako sa kanya at pinilipit nya ang kamay ko sa likod ko.

"AH!" pinilipit nya na nga ang kamay ko sinubsob nya pa ako sa kotse ko.

Pero okay lang atleast hinahawakan nya ako at nadidikit ang balat nya sa balat ko. Hindi ako manyak, kinikilig lang ako.

"Don't you dare touch me, again." masyado syang malapit sa akin nakakakaba. Imbis na indahin ko ang sakit ng ginagawa nya. Natutuwa pa ako!

"AHSHI!!!" reaksyon ko ng sipain nya ang kanang paa ko. Lakas nun ah?! Lalo tuloy akong natamaan.

Humarap ako sa kanya pero naglalakad na pala sya palayo. Imbis na hawakan ko ang paa kong sinipa nya ay ang hinawakan ko ay ang puso ko na ang bilis ng tibok.

I'm badly crazy with this girl. Hindi sya katulad ng ibang babae na magkakandarapa kapag dumadaan ako sa harap nila. She's just silent but has a big impact on people. Ang mga bawat galaw nya ay talagang papanuorin mo talaga. Hindi sya namamansin ng tao pwera nalang kung may kailangan sila sa kanya o sya ang may kailangan sa kanila. Kung tutuusin maswerte ako at nahawakan nya ako at kinausap kahit na ang cold nya. She's every man's dream kaya paunahan sa kanya. Pero walang pumapasa sa kanya. Malay ko din kung bakit... pero aalamin ko yun.

Ipinark ko na ang kotse ko sa parking lot nitong university. Tapos dumiretsyo na ako sa soccer field kung saan nandoon ang mga kaibigan ko. We are soccer players. Hindi ako nag-archery kung saan nandoon ang pinapangarap ko. May pinadala ako doon para magbantay sa kanya.

"Pare ano yung scene nyo kanina dun?" natatawang bungad sa akin ni Harry.

"Tsk." playing with cold is my hobby. Hindi ko lang talaga kayang maging cold sa harap nya. Feeling ko kasi pagmalapit ang presensya nya natutunaw ang pagkayelo ko.

"Oowww... Cold kana ngayon kanina ngiti-ngiti ka nung binubogbog ka nya." gatong ni Mark.

"Yeah, yeah, yeah. Sabihin nyo na ang gusto nyong sabihin..." walang gana kong sabi.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!!!!" tawa nila tapos kinaddle ni Jake ang leeg ko at ibinaba ang ulo ko hanggang dibdib. Tapos pinaggugulo nila yung buhok ko.

Buong lakas ko namang binawi ang ulo ko. Tsk mga bwisit. Binigyan ko sila ng pamatay na tingin. Inayos ko agad ang buhok ko. Tsk. Kapag ako talaga nakita ni Laira na gulo ang buhok at walang kaayos-ayos siguradong minus pogi points ako dun.

El Mahica Academy: Enchant SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon