Ika-walo

135 7 0
                                    

Sa una ay naguluhan ako ng flow of program, pero nung ipinaliwanag ni Richu sakin ay naintindihan ko na. So ang akala ko ay manghihikayat kami ng mga kabataan na mag aral sa Wilston University, ibang-iba pala siya sa inaakala ko. Out of curiousity, I found myself keep on asking Richu.

"Why did they need to do this every year?"

"Hindi naman dahil sa "they need to help" but rather they want to do it whole heartedly. Gusto nina Mr. Rodriguez na makapagtulong sa community na to through education, financial assistance at ang mahalaga ang medical assistance. Tumutulong sila sa mga bata at kabataan na makapag-aral. Yung bawat myembro ng pamilya ay binibigyan nila ng pinansyal na tulong para sa pang araw-araw nila. Binigyan din sila ng mga magagamit sa pinagkukuhanan nila ng hanap buhay. Buwan-buwan ay nagpapadala ng medical team si Mr. Rodriguez dito upang macheck din ang kalusugan ng lahat. Ganun sila ka-generous na pamilya."

"So bakit ang Brgy. Malinday ang napili nilang tulungan?"

"Nakita kasi nila itong nafeature sa isang Documentary program. Naantig daw puso nila, simula noon nagpadala ng tulong sila Mr. Rodriguez dito. At tuloy tuloy ito hanggang sa ngayon."

Napatango-tango ako. Maya-maya nagpaalam si Richu dahil tutulong daw sya sa pagbuhat ng mga supplies ng gamot at paparating din daw ang ilang Medical team.
Ako naman tumayo na at nag umpisang maglakad papunta sa malapit sa dagat. Sa paglakad ko napansin kong may sumusunod sakin na bata.

Tumalikod ako at nakita siya. Ngumiti siya sakin at iniaabot ang palad sakin na parang may hinihingi. Wala akong dala kahit ano.

I bend down on my knees.

"Teka lang ah. Hintayin mo ako dito. Wag kang aalis." Sabi ko at tumango lang siya.

Pagbalik ko sa hall lumapit ako sa box ng Jollibee.

"Hep! Hindi sayo yan ha."

"Alam ko." Sabi ko ng nakatalikod at saktong nabuksan ko na ang kahon. Kumuha ako ng isang box.

Tinapik niya ang kamay ko.

"Sabing hindi yan sayo." Kinuha niya yung box at ibinalik sa lagayan nito.

"Alam ko nga at hindi akin yan!! Para yan dun sa bata!" Turo ko sa batang nakatingin samin sa malayuan.

Kinuha ko ulit yung isang box ng Jollibee at nilagpasan siya. Wala naman siyang reklamo pa at parang napahiya siya sa ginawa niya.Ang epal niya kasi.

Lumapit ako sa bata. Ngumiti siya at tila na-excite sa dala kong pagkain.

"ingi.. ingi...." sabi niya at tumatalon talon pa.

Iniabot ko sa kanya ang pagkain, kinuha niya ito.

"amat.." sabi niya ng may napakalawak na ngiti. Tumakbo agad siya papalapit sa mga maliliit din na bata. All of a sudden napangiti ako sa nakita ko, pinagsaluhan nilang 4 ang iisang kahon na pagkain. And happiness is all you can see to them.

"dito kahit isang supot ng biscuit ibigay mo sa kanila, masaya na sila dito. And to think na isa lang yun nagagawa pa nilang ishare sa iba ang meron sila. Bihira lang ako makakita ng genuine care sa ibang tao. At isa ito sa mga lugar na meron nun. Lahat nagtutulungan."

Sabi ni Drake na nasa tabi ko na pala. Tiningnan ko siya habang sinasabi yun, sa bawat bigkas niya ay di ko maiwasan tumingin sa pagbaba-taas ng adams apple niya. I gulped. What am I thinking? Gosh! Umiling iling ako at tumingin sa mga bata na masayang kumakain.

"Tara na. Inaanyayahan tayo ng mga tao. Sabay sabay tayo mag aalmusal."

Nauna siyang naglakad papunta sa hall. May mga ilang residente na papunta din dun at may kanya kanyang dalang lagayan ng pagkain. Yung iba ay may mga dalang pagkain at prutas.

Rebel Daughter at its Best (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon