Pitumpu

32 0 0
                                    

Huminga ako ng malalim bago kumatok sa office ng damuhong si Rodriguez.

Kumatok ako at narinig ko naman ang sinabi niya na pumasok kaya binuksan ko kaagad.

"What?"
mataray niyang sabi.

"I'm here to discuss my written visions for this resort."

"Hindi ko na kailangan yan. I have already presented. Ito yung prinesent ko, basahin mo. Then if may suggestion ka sabihin mo lang so that I can add it there."

Itatago ko na sana yung ginawa ko pero kinuha niya kaagad.

"Akin na yan."

To be honest, nasaktan yung ego ko. Di na din pala kailangan tong ginawa ko.

"No, sige na basahin mo na. I'll read this too."

Yun na nga ang ginawa ko.


I was amazed. Pwede ko na bang iconsider ang sarili ko na matalino. Hahaha. Halos pareho kasi ang mga nakasulat dito sa mga sinulat ko..

"I'm impressed. But pleased next time ikaw na ang magpresent. Huwag kang mag-alala matagal pa naman yun."

There was this familiar feeling inside me.No, na-overwhelmed lang ako dahil pinuri niya ako. Oo tama na-overwhelmed lang ako.Wala lang to.

"Ahm di ba yung goal is wala masyadong magastos? Ako na lang ang gagawa ng page natin. And I will invite some of my friends in entertainment field to promote Sweet Paradiso. If you wouldn't mind, since mahilig ka naman sa photography. Pwede bang ikaw na lang ang maging photographer sa gagawin kong cover ng resort. Ako na lang din ang maging model tsaka yung pinsan mong pangit..I'm sure di naman siguro yun maniningil ng talent fee niya."

Ngumiti siya at parang nagbablush.Totoo ba tong nakikita ko. Hahaha.

"Hey okay ka lang?"

"Ahm yeah . I'm just happy that you still know my hobby which is photography. And yes, I am very much willing to be the photographer. Pero kung ikaw model? hm... wala na bang iba?"

Sinimangutan ko siya. Ah ganun pala. Pinuri ko siya tapos ako nilait niya.

"Eh di maghanap ka ng iba."

"Hahaha. Joke lang, syempre ok lang. Mapagtyatiyagaan na din naman."

Binatukan ko siyang bigla.

"Bwiset ka talaga eh noh!"

"Hahahahaha.. Joke nga lang eh. So let's schedule everything.''

So yun na nga ang ginawa niya. Actually siya lang pala ang gumawa ng Calendar of activities. Hahaha.Kaya niya na yun total mas maalam siya. Buti na lang ang dami kong dinalang mga designed bikinis ko.

"So, it's settle then. Tomorrow luluwas tayo, bibili ng ibang gagamitin na props at gagamitin pa dito sa resort."

Tumango lang ako. Busy ako sa nilalaro ko.

"Ano ba yang ginagawa mo."

"Wait nagluluto ako, aAish nakakainis naman di ako makaalis-alis."

"Hahaha..Cooking Frenzy. Ano ka bata.! Hahaha."

"And so.. Tapos na di ba..Aalis na ako."

Tumango siya, kaya tumayo na ako. Bago paman ako makaalis ay tinawag niya ako.

"I'm sorry sa nasabi ko kanina. I promise di na mauulit yun. Pero please lang gumising kana ng maaga."

Bigla akong natawa sa sinabi niya.

"Hahaha.Depende kung magising ako sa alarm.Bleeeeh." Hahaha.lumabas agad ako pagkasabi ko nun..

Tumigil ako sa paglalakad.

Kalma lang Alexandra.Woaah..

Aish.. Ano ba yan, nakalimutan kong tanungin sa kanya kung kamusta siya nung after naming maghiwalay. Kating-kati ako malaman kung naging okay ba siya. Ito kasing pinsan niya, masyado akong binagabag sa huling sinabi niya.

Next time na nga lang. Madami pa namang time.

"Alexandra!"

Lumingon ako at nakita ko si Drake na tumatakbo papalapit sa akin.

Nagtaka naman ako.

"Ahm.. Number mo.."
Parang nahihiya niyang inaabot sakin ang cellphone niya.

"Ah ano kasi, para mabilis kitang macontact pag may dapat tayong pag-uusapan. Ang hirap naman kasi kung lagi kita pinapahanap."

"Ah okay... oh yan number ko." Inabot ko kaagad sa kanya ang cp niya.

"Thanks.By the way, alam kong di ka pa kumakain.Tara kain tayo."

"Ay oo nga no. I forgot to eat. Kasalanan mo kasi that's why you have to treat me." Ngumiti naman siya.

"Tara." Sumunod naman ako sa kanya. Tahimik lang kaming naglalakad. Binabati kami ng mga crew.

Buti na lang at madami ng establishment ng restau dito.

"I remember you like seafood so much kaya dito na lang tayo."

May ilan-ilan din mga bisitang kumakain. Ngayon ko naramdaman ang gutom. Nag-order agad siyang pagkain.

"Miss please add two ramen."

"Okay po Sir."

"Para habang hinihintay natin yung seafoods maluto may kinakain kana. Alas 4 na ng hapon oh."
sabi niya. Tumango lang ako.

Ang tahimik naming dalawa.

"Kamusta kana?" ..

natawa kaming pareho. Sabay kasi kaming nagsalita.

"Sige ikaw muna.."

"How are you Drake... after our.. you know..after our break up?"

Mali atang yun ang tanong ko. Ngumiti lang siya but not the smile I was expecting. It was a painful one. I guess?

"Okay naman ako. Ikaw?"

Ano ba yan. Yun lang yun? Wala man lang siyang explanation or pagshare ng mga pinaggagawa niya after 2 years.

"Ako? Hmm.. Can I be honest?"
tanong ko sa kaniya. Total okay na din naman kami.

Tumango lang siya.

"At first akala ko guguho na ang pangarap ko. Akala ko di kayang bumangon. Nung naghiwalay tayo nahirapan ako. Nahirapan akong buhayin ulit ang sarili ko, pero naisip ko binigyan ako ng pangalawang buhay bakit ba sinasayang ko. Kaya ang ginawa ko, nagfocus ako sa pangarap ko. Naging okay ako. Naging okay kami ng Pamilya ko."

"In short naging masaya  ka." Pagapapatuloy niya. Ngumiti ako sa sinabi niya.

"Oo, dumating din sa buhay ko si Angelo."

"Angelo Sabedra."

"You know him?" masaya kong tanong

"Childhood friend. Bestfriend ng daddy natin ang daddy niya diba?"

"Yes! Great! Ay wait di niya nasabi na kilala ka niya. Naku kakausapin ko nga yun mamaya." sabi ko .. Saktong dumating na din ang order namin. Kaya natigil sandali ang kwentuhan namin.

"Wow! Thank you Drake!! Let's eat."

Hahawak na sana ako ng pinigilan niya ako.

"Maghugas ka muna ng kamay."

"Miss, pabantay naman oh." sabi ko dun sa waitress.

Hinawakan ko si Drake.

"Sabay na tayo maghugas ng kamay."

Nakatingin lang sa kamay kong nakahawak sa braso niya.

Ngumiti siya at pinisil ang pisngi ko.

Ito nanaman ang dibdib ko. Hindi pwede .Wala lang to! I convinced myself.

Rebel Daughter at its Best (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon