Special Chapter

56 1 0
                                    

"Alexa! Lumapit ka dito!" sigaw ko.
Bigla kasi siyang bumaba sa kotse pagkadating namin. Kakauwi lang namin galing sa school nila.

"Love, hayaan mo na muna ang bata. Dahan-dahan sa pagbaba."

Inalalayan ako ni Drake na makababa sa kotse.

"Hindi! Yang anak mo dapat pinapalo. Pang-limang tawag na ng Principal sa atin ngayong buwan. Isa na lang at ikikick-out na siya. Naiintindihan mo ba yun Drake ha?! Kampihan mo pa yang anak mo, pareho ko kayong papaluin."

"Hahaha. Nadamay pa ako. Relax lang asawa, baka manganak ka ng di oras."

Inirapan ko siya. Buntis ako ngayon sa pangalawa naming anak.

"Baby Drake Jr. ko, chill ka lang diyan sa tiyan ni Mommy ah." hinalikan niya ang tiyan ko.

Pagpasok namin sa bahay ay nakabusangot si Alexa sa sala. She's our eldest and she's now 9 years old. Yeah right, 9 years old pa lang bentang-benta na sa guidance office.

Nagpamewang ako sa harap niya.

"Hmp.." aba't pinamewangan din ako at inirapan pa.

"Aba......."

"Love, ako na. Maupo ka muna."

Lumapit siya sa anak namin na nagmamaldita pa din.

"Baby.." pagsisimula niya.

"Huwag mo ngang bini-Baby yan. Kaya naiispoiled sayo eh."

Nafufrustrate nanaman si Drake kasi pati ako pinapatulan ko ang anak namin. Napakamot siya at nagsinyas saakin na siya na muna ang bahala. Fine.

"Baby, tell me may umaaway ba sayo sa school? Don't worry di ka papagalitan ni Daddy."

"Wala po."

"Gusto mo ba lumipat ka ng ibang school?"

"Ayaw po."

"See? Kapag palagi kaming pinapatawag ni Mommy mo sa school baka paalisin kana nila sa school mo. Kaya anak behave ka lang sa school ha. Yung mga bad at mean classmate mo hayaan mo lang sila. Isumbong mo sa teacher mo kapag nang-aaway sila sayo o kahit sa classmate mo."

"Eh kasi naman daddy ang bad bad nila. Inaaway nila ang classmate ko. Laging umiiyak. Porket girls kami lagi nila kaming inaaway. Akala siguro nila di ko sila kaya."

"Okay lang anak ipagtanggol ang classmate mo, pero ang paluin sila at bugbugin bad na yon ah."

"Hinahamon nila ako Daddy eh. Sabi pa nila tomboy daw ako. Ano ba yung tomboy daddy?"

"Aba't loko yung mga classmate mong yun ah. Ituro mo sakin kung sino ang mga yun at ako mismo ang babatok sa kanila." sabi ko.

Napasapo na lang sa noo si Drake ng bigla akong sumabat sa usapan nila.

"Di ba nga Mommy sabi mo sa akin,pag may nang-away sakin huwag ako magpapatalo."

Tiningnan ako ni Drake ng masama.

"Sinabi ko ba yun anak? Sigurado ka?"
Parang di ko maalalang sinabi ko yun ah. Mukhang ako naman ang sesermunan ng asawa ko mamaya.

"Opo! Tinuruan mo pa nga ako kung anong gagawin ko kapag hinamon pa nila ako ng away."

"Alexandra!" May halong pagbabanta ang boses ng asawa ko. Paktay na.

"Anak sinabi ko lang huwag kang magpapatalo. Pero di ko sinabing makialam ka sa away ng iba. Kahit hindi ka naman kasali sa away nakikisali ka." Lumapit na din ako sa anak ko.

"Ah basta bad sila. Tsaka galit ako sayo Mommy!"

"Bakit anong ginawa ng Mommy?"

"Eh kasi Daddy kanina pinagalitan niya ako sa harap ng classmate ko. Ako naman ang nagsasabi ng totoo. Liar sila."

Nagbuntong-hininga ako. Mukhang nakikita ko na ang future ko paglaki nito. Mukhang Alexandra the second. Napasapo na lang din ako ng mukha ko.

"Anak, pinagalitan ka ni Mommy kasi sobra na yung ginawa mo kanina. And natakot lang si Mommy na baka gantihan ka nila kapag wala kami kaya ginawa yun.Okay?"

"Ah basta galit ako kay Mommy!"

Nanggigigil na ako sa batang to.

"Sige ka pag nagalit ka kay Mommy, di ko ibibigay sa inyo si Baby Drake." sabi ko.

Hinawakan ko ang tiyan ko.

"Mommy!!!" nagdadabog na siya. Excited na excited na kasi siyang makita ang baby brother niya.

"Oh bakit? Akin lang si baby. Inaaway mo ako eh. And ayaw ni Baby Drake na bad ang ate niya. Ayaw niya ng nakikipag-away na ate."

"Sorry na Mommy. Di na ako magtatampo. Di na din ako mang-aaway ng classmate ko. Magbibehave na ako sa school. Basta Mommy ilalabas mo na si Baby ah."

"Magsorry ka din sa daddy mo."

"Sorry Daddy." Niyakap niya kaming dalawa.

Binuhat siya ni Drake at pinakiss saakin. Hinalikan ko naman siya.

"Anak binabawi ko na ang sinasabi ko na huwag kang magpapatalo sa mga classmate mo pag inaaway ka nila. Bad kasi yun. Magbehave kana lang sa school ha?"

"Yes mommy. Mommy bukas ba lalabas na si Baby?"

"Not yet my Princess.Next month pa."

"Eh di pwede ko pang iligtas ang mga classmate ko sa bullies?"

Naningkit na lang ang mata ko.

"Hahaha. Tama na yan, umakyat kana muna anak sa kwarto mo. Mamaya dadating na ang tutor mo."

Ibinaba niya si Alexa. Si Alexa naman ay nagkiss muna sa belly ko bago umakyat.

"Parang nasobrahan ata sa pagka-good samaritan ang anak natin. Baka magulat na lang ako may dala na siyang baseball bat pag Grade 6 niya. Hahaha."

"Sinasabi mo bang nagmana siya sakin?"

"Hahaha. Wala akong sinasabi. Ikaw naman Mrs. Rodriguez huwag mong tinuturuan ng kalokohan ang anak natin."

Pinisil niya ang ilong ko.

"Mas maganda ng maaga pa lang alam niya ng ipagtanggol ang sarili niya."

Inakay niya ako paupo.

"Nga pala Love, di ba may sasabihin ka sa akin?"

Nakalimutan ko ngayon ko pala balak sabihin kay Drake ang surprise ko sa kanya.

May kinuha ako na box sa loob ng bag ko.

"Ano to Love? Di ko naman birthday, di din naman natin anniversary. Anong meron?"

"Wala lang, bawal ba bigyan ng regalo ang asawa ko? Sige na buksan mo na."

Pagkapunit niya ng gift wrapper ay may sobre

"Huwag mong sabihing bills ng ubig at kuryente to?"

Natawa ako sa sinabi niya.

"Baliw! Buksan mo na dali."

"Ano to?"

Inirapan ko siya. Ultrasound ko yun matagal ko yun na sinekreto sa kanya kinasabwat ko din yung OB ko.

"Basahin mo kaya."

Binasa niyang mabuti..

"Love! Seryoso ba to?!" Tuwang-tuwa siya.

Tumango ako.

"Surprise!!!"

"I love you! I love you!"
hinalikan niya ang buong mukha ko.

"Hahaha. Happy much?"

"Sobraaaa! We're having twins. I'm the happiest dad on earth!"

Yes we're having twin boys. Our Alexa will be the happiest ate also.

And this is my happy ever after.









A/N:

Hi everyone, I'm a small wattpader. Thank you for your support for Alexandra and Drake love story.
Please check my profile for my other stories. Meeting Halfway (On going)
and Handling a Spoiled Brat Jerk!

Thank you!❣️

Rebel Daughter at its Best (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon