Dalawampu't dalawa

100 4 0
                                    

Few weeks later after nung pangyayari sa loob ng conference room, naging madalas ang pagkikita at pagkakaroon ng gatherings ng pamilya ni Drake at ni Marco. Without me of course, alam nila na galit pa ako kaya di nila pinilit pa.

One week.... One week akong hindi nagpakita sa kanila, sa school, kahit kay Joy. They keep on messaging me. Kahit Mama ni Drake ay tinatawagan ako pero di ko sinasagot.

After what happened, nagkulong ako sa condo ko. Hindi ako lumalabas. Kahit alam kong may tao sa labas, I didn't bother to check kung sino yun. I just want to isolate myself from them. I want to clear my mind first.

And today I decided to go out, I went to the mall. Wala lang gusto ko lang. Nakakainis pala magmall ng mag-isa ng walang dahilan. Kung anu-ano na lang ang nakikita ko. Ang dami kong nakikitang di kaaya-aya sa mata. Tulad nitong nasa harap ko. Sinusubuan pa ng babae yung lalaki. Fries lang yan teh, walang kamay. Tss. Isa pa tong nasa gilid ko. Kung magyakapan akala mo sila lang tao dito sa restau. Sarap sigawan ng "Get a room."

Pagkatapos kong kumain sa isang restau, lipat ulit ako sa isa pag natapos akong kumain. At ito nga kakatapos ko lang kumain sa OPPA chicken. Pati ako nahahawaan ni Joy sa pagkaaddict sa mga Koreans at K-drama chuchu na sinasabi niya. Lumabas ako at naglakad lakad muna para bumaba ang kinain ko. Totoo nga siguro na kapag stress ang isang tao, one of their stress reliever is food. Nang ramdam kong okay na ulit ang tiyan ko at ready na para sa panibagong pagkain, pumasok ako sa MaiSen isang Japanese restau.

"Good morning Maam, for single po ba?" Tanong sakin ng nag-aassist.

"Single but committed." casual na sabi ko, naguluhan siya sa sinabi ko. I'm just pertaining to my status. Tss

"Wala, nevermind. Single."

"Ah ..Tara po I'll guide you Maam."

Parang fiesta ng prawns at tenderloins sa harap ng mesa ko. Kumain agad ako, suddenly I missed the prawns at Mang Kanor's place.

"Alex..."

Napaagat ako ng ulo and I saw Ice. Tumaas lang ako ng kilay showing to go on what he says.

Umupo siya at tumingin sakin.He has a look that seems to be bothered.

"You have problem?" tanong ko sa kanya.

Nag-shrugged lang siya at pilit na ngumiti.
Kinuha niya yung chopstick na hindi ko pa nagagamit at kumain ng prawns. I'm not in the mood to be maldita today. Hinayaan ko lang siya at kumain din ako.Since madami din tong order ko sayang naman kong hindi ko to makakain lahat. Wala talaga kaming pansinan habang kumakain, pero minsan napapatingin siya sakin at ngumingiti. Para tong baliw. Tss.

Pagkatapos kong kumain magbibill-out na sana ako, pero pinigilan niya ako.

"Ako na magbabayad. Mas madami pa ang nakain ko kaysa nakain mo."

"Buti alam mo. Hiyang-hiya nga ako sayo eh." Natawa siyang bahagya sa sinabi ko at umalis muna para magbill-out.Pero sinabihan niya akong maghintay muna.

Pinalinis niya din yung kinainan namin at nag-order siya ng dessert. Kwentuhan daw muna kami.

"You're quite weird today." sabi ko sa kanya.

"Wala lang, I'm happy that you're okay now. I mean I can see that you totally moved on." wika niya pero hindi ko makita sa mga mata niya ang salitang 'happy' na sinasabi niya. Pilit din ang ngiti niya.

Napansin ko nga na di nga ako affected sa kanya. Wala ng kirot sa puso.(Laliiiiiiiiiim 😂😂)

"I miss this, I miss the old us." dagdag niya pa.

Rebel Daughter at its Best (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon