"A ba ka da e ga ha........" naririndi na ako sa pinagkakanta ni Alexandra. She's like a kid.
"Can you please shut up!" Bigla siyang napaayos ng upo. At tiningnan ako na parang bata, ibinalik ko kaagad ang tingin ko sa kalsada. I heard her sniff..Tumingin ako ng bahagya sa kanya.
"Waahhh.. waahh." Bigla siyang umiyak. Napakunot ang noo ko. Itinigil ko muna ang kotse ko sa gilid.
"What is your problem?"
"Why are you mad!? Hindi naman kita inaano. Huhuhu." Para siyang batang nagdadabog. Gusto ko ng tumawa ng malakas sa nakikita ko ngayon. Ibang-iba sa Alexandra kapag hindi lasing.
"Hindi ako galit. Matulog kana lang please."
"Promise? Kiss mo ako?" sabi niya at ngumuso sakin ng pagkahaba-haba. Nakapikit pa siya.
"HAHAHAHAHA." Hindi ko na napigilan ang tumawa pa. Damn she's too cute.
"Bakit ka tumatawa?" Tumatawa pa din ako ng makita ko siyang nakatingin na sakin at parang batang nakanguso sakin.
"Oh God Alexandra, you're making me crazy. Hahaha." I started the engine pero hinawakan niya ako sa braso ko.
"Kiss ko." ngumunguso pa siya. Hahaha. What am I supposed to do if she is too damn cute.
I ignored her and was about to drive pero pinigil yun ni Alexandra. Nabigla ako sa ginawa niya, she kissed me. Nakapikit lang siya, her lips is so soft. Paalis na sana siya ng pinigilan ko siya at hinawakan siya sa magkabila niyang pisngi. Tinitigan ko ang mata niya, ganun din siya. Pero halata mong lasing na lasing ito dahil namumungay ang mata niya.
I instantly kiss her. She did not react, lasing nga. I can taste the liqour on her lips. I am enjoying the kiss when she stop. Bigla siya napahilig sa mukha ko at humilik. Nakatulog na siya. I positioned her at her seat at inayos ang seatbelt niya.
Tinitigan ko ulit siya. You got me insane by your kiss.
"Good thing you're drunk. Baka nasuntok mo na ako kung nasa tamang wisyo ka." Napatawa ako at muling napatitig sa mga labi niya. Ipiniling ko ang ulo ko sa naiisip ko. Mukhang nalasing na din ata ako.
Nalasing sa halik niya.
------------------------------------------
* * Alexandra's POV * *
Naalimpungatan ako sa lakas ng tahol ng aso. Kelan pa ba ako nagkaroon ng aso?
Patuloy sa pagtahol ang aso."Kainis! Istorbo sa tulog!" Bumangon ako, napasapo ako ng ulo ko sa sobrang sakit.
"Argh...shit." I cursed. Damn this hangover.
"Hey you!" bigla akong napakurap-kurap, medyo blurry pa kasi paningin ko. Bakit may boses bata?
May humahatak ng damit ko.
Unti-unti kong nakita ang mukha ng kapatid ni Drake. Ano namang ginagawa ng bubwit na to dito."What are you doing here!" sabi niya ng nakapamewang.
Aba may attitude ang batang to ah.
Siya pa may ganang magtanong niyan. Siya na nga tong intruder."I think I must be the one to ask you that. What are you doing here?" Kinunutan niya ako ng noo. Napatingin ako sa paligid ko. Laking gulat ko na wala ako sa kwarto ko.
Tiningnan ko ang damit ko. Naka pajamas na din ako."Where the hell am I?" Tumayo ako. Medyo nahilo ako.
"Stop cursing! You're so bad." Binato ako ng unan ng kapatid ni Drake. Maditang bata. tss. Naglakad ako palabas at laking gulat ko ng may aso.
BINABASA MO ANG
Rebel Daughter at its Best (Completed)
ChickLitChapters Completed ❣️ In the world full of chaos, full of betrayals, full of hatred would love still reigns? Matapang, walang kinakatakutan, sanay mag-isa, yan si Alexandra Dela Torre. But what if everything went upside down? What if she fall inlov...