Tatlompu't isa

108 4 0
                                    

Inayos ko ang damit ko.

"Go bestie! Dito lang ako sa labas! Go!"

"Samahan mo ako sa loob! Let's make a scene." Hinatak ko siya.

"Wait! Ayoko!" Kahit ayaw niya di niya ako mapipigilan.

"Wait kasi Bes! Let's plan kung ano gagawin." Pumasok kami sa restau pero malayo sa pwesto nila.

"Good afternoon Maam, may we take your order?"

"Mamaya ate!" Natawa ako dahil ang taray ni Joy.

"Kainis mapapasabak pa ako sa gastos, patingin nga ng Menu.

Ay susme, pagkamahal-mahal naman nito."Kinuha niya wallet niya at binilang pera niya.

"Doon na nga tayo sa labas magplano. Para mas safe."

"Don't worry, it's my treat."

"Wag na, nakakahiya na sayo."

"It's O--"

"Waiter!!!!"

Di pa man ako tapos magsalita tinawag niya na agad yung kukuha ng order namin.

"Akala ko ba nahihiya ka?"

"Nagugutom na ako eh."

Natawa na lang ako sa kanya. Habang hinihintay order namin nagsusulat naman si Joy.

"So here's plan A, una dadaan tayo.Kunwari masaya tayong nagkikwentuhan. Tapos madadapa ka kunwari sa harap ni Drake. Edi syempre titingin sila, tapos marerealize ni Drake na nahuli mo siya. Boom sampalin mo agad bes!"

Napamake-face ako sa plano niya. Talagang pinag-isipan niya pa yun.

"Gusto mo ihampas ko tong Menu sayo?Wala ka bang matinong plano? Papahiyain mo pa ako sa harap nila, magmumukha akong tanga-tanga kumg madadapa ako. Tss."

"Grabe ka naman,maayos naman yung plan A ko ah. Plan B na nga lang. So ito gagawin mo bes, lumapit ka sa kanilang dalawa. Tapos hingiin mo order nila, kunwari waitress ka. Hahahaha"

"Nang-aasar kapa talaga! Ako na nga lang bahala." Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Ito bes seryoso na talaga to, promise." Sabi niya pero nagpipigil pa rin ng tawa.

"Siguraduhin mong matino yan, kung ayaw mong ikaw magbayad ng inorder natin."

Sumeryeso na siya at sa tingin ko seryoso na nga ang masasabi niya.

"Ay ang bad mo! Ito na nga, seryoso na to. Ganito gawin natin, daan tayo sa kanila. Kunwari di natin sila nakikita. Uupo tayo malapit sa table nila, at ikaw haharap kay Drake para masindak ang gwapo niyang mukha. Saka mo sila lalapitan.And then ikaw na bahala kung ano ang gagawin mo. Ayoko na mag-isip. Gutom na ako."

Pigilan niyo ako! Nakakaasar na Joy to parang wala namang natulong.

"Ang laking tulong mo din talaga."

"Gutom na kaya ako, kumain muna tayo bago yan si Oppa Drake. Bakit ba nagagalit ka? Don't tell me, may gusto kana sa kanya. Oh my!! Nagseselos ka!"
Tinakpan niya bibig niya ng kamay niya.

"Of course not! Gusto ko lang makabawi sa pang-aasar niya sakin. Binubully niya ako,"

"OA! Bully agad? Di ba pwedeng nagpapapansin lang sayo?"

"Whatever!"Saktong dumating ang pagkain, dahil gutom na din ako kumain nadin ako. Bahala kang Drake ka. Mamaya na kita susugurin pag busog na ako.

"Ang sarap dito bes! Dalhin ko nga dito sina mama, papasok lang kami. Makikilanghap ng amoy Haha!"

"Kumain ka nga lang."

Hindi namin namalayan ang oras, ng matapos kami kumain sinilip ko sina Drake sa pwesto nila. Bigla akong napatayo.

"Hoy! Where are they?"

"Baka nag C.R. lang?"

"Miss have you seen those who are sitting there?" Sabi ko sa waitress.

Parang nacoconfuse pa siya.

"Yung ano miss.. ahm.. yung gwapong lalaki na may kasamang babae. Sila lang na dalawa."

"Ah. Kakaalis lang po nila."

"Ano ba yan. Paano yan bes?"

"Kainis naman oh!" Nagbill-out ako. Pagkalabas namin, we tried to look for them pero wala. Maraming tao.

"Ikaw kasi!"
pagsisi ko sa kanya.

"Bakit? Kumain ka din naman ah."

"Let's just go home."

"Why give up so soon? Hanapin muna natin."

"Sa Mega A ka, sa Mega B ako ganun! Wag na sasakit lang paa ko!"

"Wait! Ayun sila!" Tiningnan ko kung saan ang tinuturo niya.

Pumasok sila sa isang clothing line, pumunta agad kami.

"Kapal bes! Namimili pa ng damit, usog nga tayo di ko nakikita ang mukha ng babae. Tingnan natin kung siya yung babaeng epal sa kasal mo."

Umusog kami ng kaunti. From our place, nakita namin ang mukha ng babae.

Iba itong babae, napakunot ang noo ko.

"Sino yan?! Akala ko ba good boy tong si Drake. Dami niyang babae! Bes tara na nga magpa...Hoy! Hoy!"

Di ko na pinatapos si Joy magsalita, naglakad ako papunta sa kinaroroonan nina yabang.

"Excuse me." Sabi ko at siniko ang babae.

"Ay sorry." sabi ko at binigyan siya ng pagkaplastic-plastic na ngiti.

"Ok lang."at ngumiti siya sakin. Sabunutan kita dyan eh.

Tumingin ako kay Drake.

"Uy! Babe, you're here. Anong masamang hangin ang nagtangay sayo dito?"

Hindi siya makapagsalita.

"Kasama mo? Kaya pala di mo ako mahahatid." turo ko sa babae.

"Ah..." di pa siya tapos magsalita, nagsalita ulit ako.

"Hi! I'm Alexandra, fiancee of this man. Who are you?"

"I'm Fiona, his cousin. Nice meeting you Alexandra. Finally nakita din kita in person." Kusang naalis ang mga kamay kong nakahawak sa braso niya.
Parang nanghina ako, at napahiya.

"Oh sorry..I th-----"

"Hahahaha. Seriously pinagselosan mo pinsan ko?" tumawa si Drake.

Tiningnan ko siya ng masama. What the efff Alexandra! Ang tanga ko.

"Of course not!"

"Sus deny kapa dyan. Ayiee selos siya." Inakbayan niya ako.

"You are so bagay togethet. Lovely couple, you're correct Drake, she has this brave attitude. Don't worry Alexandra, no need to be jealous. Pinsan lang ako. Kayo din yung nasa restau kanina di ba?"

At this moment,gusto ko ng kumaripas ng takbo. Hinihintay kong puntahan ako ni Joy para iligtas ako sa nakakahiyang pangyayaring to pero ang loka-loka biglang nawala.

"Hindi naman ako nagselos."

"Oh talaga? Hahaha. May pa-babe babe kapang nalalaman. Sweet mo babe. Haha." Kumuha ako ng isang hanger na walang damit at ipinalo yun sa kanya.

Kainis talaga!

"Aw so sweet! Sama kana lang samin, kakauwi ko lang kasi galing States,and I'm just here for vacation. Nagpapasama lang ako kay Drake to roam around." Inakay niya ako at naglakad. Medyo nailang ako.

No doubt din na magpinsan sila kasi medyo kahawig niya si Anesca. Nagpaka-OA ba ako? At ang kapal naman ng Drake na to para sabihing nagseselos ako. No way!

Rebel Daughter at its Best (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon