"Wow!! Perfect shaped volcano! Grouphie tayo!"
It is indeed a very beautiful God's creation. Hinatak ako bigla nina Joy.
"Alexandra smile."
Sigaw ni Rodriguez sakin, how can I smile kung katabi ko tong ex niya! Lumapit si Drake at pumagitna samin. Inakbayan niya ako.
"Doc, papicture naman kami ng fiancee ko." Sabi niya kay Zeke na may halong pang-aasar. Umalis sina Joy at kami na lang na dalawa.
"Ahm Drake, you want me to take your pictures ?"
"Ah sure." Ngumiti sakin yung Tricia pero umiwas ako ng tingin.
Bakit ba ang bait niya! Binigay ni Drake yung cellphone niya sa ex niya.
"1,2,3 picture."
"Hoy Alexandra, para kang tood diyan! Smile naman!" Sigaw sakin ni Joy.
"AYOKO!"
"Bakit ka ba nakabusangot dyan? Pag doon sa doctor na yun kilig na kilig ka."
Napangiwi ako sa sinabi niya, bakit naman ako kikiligin kay Zeke. Tss.
"Anong gusto mong ngiti, ganito...."
Nginitian ko siya ng pagkaplastic-plastic. Natawa siya at pinisil ang pisngi ko.
"Cute mo talaga."
Ako cute? Ano ako aso? Tss.
"Got it! Perfect shot! Oh tara na, tama na yang lambingan niyo dyan. Baka magsibabaan ang mga langgam sa Mayon Volcano."
Saktong dumating din ang van nina Zeke.
"Wag mo na ibibigay ang gamit mo sa unggoy na yun."
"At bakit!?"
"Syempre ako dapat magdadala niyan, akin na nga yan. Baka ibigay mo nanaman."
I laughed. Minsan ang pagiging immature niya sa nga bagay bagay ay nakakatawa.
Magkatabi kaming dalawa sa van, he never let others sit beside me. Ang OA niya na. Sumakay pa kami ng bangka para marating ang resthouse nina Zeke.
Pagdating namin sa resthouse nila, I was very amazed. It was so peaceful and very relaxing place. Ilang beses ba ako mamamangha sa mga dagat?
The beach also is very beautiful, just like in Batangas. The water is crystal clear, I love also stepping at the sand. It's very soft."Zacharias!!"
Sinalubong kami ng may edad na lalaki at babae. Lumapit si Zeke at yumakap dito.
"Lolo! Lola! Namiss ko kayo!"
"Ang puti-puti mo na! Sirisay ining mga kaiba mo?" (Sino tong mga kasama mo?)
Tumingin sila samin.
"Ah, mga taga-Maynila din sila La, mga kaibigan ko. Magbabakasyon muna kami dito. Siya nga pala, ito si Lola Sol at Lolo Peds. Parents ni Papa." pagpapakilala niya.
"Ay ganoon ba?Ay pasok kayo at mukhang pagod na pagod kayo sa byahe. Pagpasenyahan niyo na ang bahay namin."
"Naku, ang ganda ganda nga ho eh."
Sabi ni Joy na nanguna sa pagpasok kasunod ng lola at lolo ni Zeke. Wala talagang hiya.
Looking at their house, hindi naman ito makaluma. Maganda ito and it was designed modernly.
"This is really built para bakasyunan naming pamilya. We usually celebrate our family gatherings here. Malayo pero masaya naman pag sama-sama kami. Dito na din nanirahan sina Lola because as you can see, all things in here is free from pollution." Sabi ni Zeke sakin.
Bigla na lang nawala si Drake. Bahala nga siya.
"Pwede niyo gamitin ang mga kwarto dito, marami namang kwarto dito. Huwag na kayong magtaka. Masipag gumawa si Lo, diba Lo."
Nagtawanan sila. I can see how close Zeke is to his grandparents.
"Joy, tabi na lang kami ni Tricia."
Sa isang kwarto dala-dalawa ang magkasama kaya kami ni Joy ang magkasama.
"Speaking of Tricia, nasaan ba ang babaeng yun.?"
Drake is not here also. So magkasama sila. Saan naman silang dalawa pupunta. Tss.
"Oh ayan na pala sila."
Pumasok silang sabay ni Drake, akay-akay ni Drake si Tricia habang nahihirapang maglakad si Tricia. May benda din ito sa paa.
"Anong nangyari sayo ija?"
Inalalayan agad ito ni Drake para paupuin.
"Pagbaba ko po ng bangka nakatapak ako ng basag na bote. Good thing Drake noticed me."
Lumapit agad si Zeke at inasikaso ang sugat niya.
Di ko maalis ang tingin ko kay Drake, he is very worried. Di niya nga maagawang tapunan man lang ako ng tingin.
"Don't look at your bruise. Look at me." Inangat ni Drake ang baba niya para mapatingin sa kanya. At sa tuwing lalagyan ng alcohol ang sugat nito ay hinahawakan ni Drake ang kamay nito.
Tumalikod na ako at pumasok sa kwartong ibinigay na tutuluyan namin ni Joy.
Wala naman akong sugat or what pero bakit parang may masakit sakin. I know this feeling and this must stop.
Di ko namalayan ang sarili ko na naluluha na ako saktong pumasok si Joy kaya tumalikod ako at pinunasan ang luha ko.What is happening to me? Why am I crying! Kahit anong punas ang gawin ko mas lalo lang akong umiiyak. Humihikbi pa nga ako.
Joy sat beside me ang hugged me.
"Girl kung mahal mo na, wag ng mag-deny. Ikaw lang mahihirapan."
"I am Alexandra for Christ sake. Why does it hurt!" Pinaghahampas ko ang dibdib ko.
"Ang sakit dito! I hate feeling this way!"
"ssssshhhh.. tama na bessy. Mahal ka nun promise."
Mahal?Bakit di ko yun maramdaman? The way she look at Tricia,it says everything.
He still love her.
Umiyak lang ako ng umiyak. Joy is comforting me. I thought I will never feel this way again. Para akong tinalikuran ulit.
"Gusto mo bang lumabas ka na ganyan itsura mo? Lalo silang magtataka, stop crying na. For the record, ex na lang yun. At ikaw ang present, ikaw pa nga ang future eh. Kaya chin up! You don't need to be jealous, because in the first place, you are his fiancee. Kaya kung ako sayo diyan, magpahinga kana muna, dadalhan na lang kitang pagkain. Ako na bahalang magreason out sa kanila. Mamayang gabi or hapon kana lang lumabas. Just relax, magbeauty rest ka muna. Sige ka pag lumabas kang ganyan, magmumukha kang conjuring."
Natawa ako sa sinabi niya.At least now, I have Joy to comfort me. I have someone who can understand me unlike before. It feels great to have a bestfriend like Joy.
Pinunasan ko ang luha ko at sinunod ang sinabi niya. Bakit nga ba ako maglulugmok? I am Alexandra nga diba?
BINABASA MO ANG
Rebel Daughter at its Best (Completed)
ChickLitChapters Completed ❣️ In the world full of chaos, full of betrayals, full of hatred would love still reigns? Matapang, walang kinakatakutan, sanay mag-isa, yan si Alexandra Dela Torre. But what if everything went upside down? What if she fall inlov...