Tatlompu't lima

81 4 0
                                    

Ilang araw ng hindi kami nagpapansinan ni Rodriguez. Oo balik Rodriguez ang tawag ko sa kanya dahil ang pangit niya! Hindi din ako sumasabay sa kanya pag-uwian, nauuna akong umuwi at pagdating niya sa bahay nasa kwarto na ako di na lumalabas.

"Nag-aral ka ba? Ang sakit na ng ulo ko. Pwede bang wala na lang Finals."

"Hindi. Stock knowledge."

"Wow talino mo ah! Maya-maya makita nanaman tayo nag-gagayahan.  Mapalabas ka nanaman."

"Wag kang mag-alala idadamay na kita sa paglabas para masaya."

Sumimangot siya sa sinabi ko at lumayo ng kaunti sakin.

"By the way, saan niyo balak ni Drake mag sembreak?"

"Wag mo nga mabanggit-banggit sakin ang pangit na yun."

"Di pa rin kayo nagpapansinan? Ay taray mo girl, haba ng hair. Pabebe pa more."

Hinampas ko siya ng aklat niya.

"Aray ha! Buti nga yung Mama ni Drake ang pumunta ng may sakit siya hindi yung Tricia. Paano pa kaya kung yung Tricia ang pumunta? Baka nagbigti kana diyan. Hahaha"

"Hindi siya worth it."

"Weeeeh? Pero nung may lagnat siya concern na concern ka naman. Hahaha.Ba't namumula ka?"

"Ganun talaga pag maputi, mestisa tawag diyan."

"Grabe ka maka-emphasize. Oo na ikaw na mestisa, ako na morena. Mag-aral na nga lang ako."

Matapos ang madugong finals, kulang na lang ay paliparin ko ang aklat ko sa mga mukha ng Prof. namin sa sobrang hirap ng exam nila.

"Sa wakas! Sem-break na!"

Sigaw ni Joy ng makalabas kami sa room.

"Let's unwind, sumakit brain cells ko sa finals natin. Ikaw parang di ka naman nahirapan dyan ah. Ang bilis mong makatapos."

"Stock knowledge nga."

Pero kung alam niya lang, gusto ko ng punitin ang test paper kanina.

We went to mall to unwind. I think I need this also, ang sakit din ng ulo ko dahil sa exam namin. Bakit ba ang hilig-hilig nilang magpaexam ng mahihirap, as if naman makakatulong yun pag nag-apply ng trabaho. Tss

"Hindi ko alam bes kung namamalik-mata lang ako ah. Di ba yun yung babaeng panira ng kasal mo?"

Tinuro niya ang babaeng pumipili ng sandals.

Siya nga!

Tatalikod na sana ako ng hinatak ulit ako ni Joy.

"Ano ba! Wala akong paki sa babaeng yan."

"Look!"

Pagtingin ko ulit sa babaeng yun, napakunot ang noo ko.

Nandoon si Drake na may mga hawak na shopping bags.

Anong nangyari sa sinabi niyang 'we are done' at 'it's just you and me'. Boys will be boys, they're all liar.

Tumalikod ako at naglakad papalayo sa kanila.

"Hindi mo man lang pupuntahan?"

"Mag-uunwind tayo diba? Let's unwind." Pag-iiba ko ng topic.

Nahalata niya sigurong ayaw kong pag-usapan kaya di na namin pinag-usapan.

"Hello Ma......ok po.. "

"Bessy, tumawag si Mama. Uwi na daw ako may pupuntahan kasi kami.
Sorry ah, gusto man kitang samahan pero kailangan ko talagang umuwi."

Rebel Daughter at its Best (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon