Labingsiyam

83 6 0
                                    

"Hindi kana ba talaga nahihiya ha! In span of 1 week you ruined school property worth 200k. Nasisiraan ka na ba ng bait!"

Pabalik-balik si Marco ng lakad habang galit na nakatingin saakin. Yes, hindi lang ang mga monitor ng computer ang sinira ko.

"Baka kayo ng mga Rodriguez na yun ang nababaliw na. To set your own child in a fix marriage, hindi ba kabaliwan yun?"

I calmly said while turning on the swivel chair.

Hinilot niya ang sintido niya.

"I am not doing this just for fun. I am doing this for your future. Damn it Alexandra! Ano bang mapapala mo dyan sa pagrerebelde mo!"

"Eh ikaw ano bang mapapala mo sa amin ng Rodriguez na yun?"

He sigh heavily at naupo sa swivel chair niya.

"You'll find it out soon. All I'm asking is for you to get married with Drake."

"Sa tingin mo ganun lang kadali yun? Marriage is not important. Look at you and Mom anong nangyari? Wala diba?!"

Tumayo siya at humarap sa labas ng building namin.

"Whether you like it or not. You two are going to get married. If not, I will get the boutique you have. That's not all. I know that you have plans of merging to a big company, you know very well what I can do to block that."

Napatayo ako sa sinabi niya. He's really too much.

"You're the worst person I've ever met." pagkasabi ko nun umalis na ako sa office niya.
Mas lalo niyang pinapatunayan na wala siyang kwentang ama.

Yun ang dalawang bagay na alam kong maipagmamalaki ko at masasabi kong akin. I am happy seeing my designs displayed and bought by other people. Tapos sasayangin niya lang lahat dahil lang sa letseng kasal na yan! My life is already a mess , mas lalo niya pa ginugulo.

Dumiretso ako sa bar kung saan lagi akong tumatambay pag stress ako.

Pagdating ko sa bar, I saw familiar faces. Of course nandun ang banda nina Peter na tumutugtog.

"One margarita." I order.

"Make it two." napatingin ako sa lalaking katabi ko.

Napataas ang kilay ko.

"Sinusundan mo nanaman ako!?"

"Shut up." napatahimik din ako dahil iba ang aura niya. Tila badtrip din ito.

Uminom lang ako ng uminom, wala kaming pansinan ni Drake.

Unti-unti kong nararamdaman ang pagkahilo.

Sumasabay na din ang ulo ko sa beat ng music. Ininum ko ang last shot ng margarita at pumunta sa gitna ng dance floor.

* * Drake's POV * *

"Anak, please kausapin mo na ako."

Nilapwasan ko lang si Mama pagkalabas ko ng kwarto ko. After the suddened news they said, hindi na naging normal ang pakikitungo ko sa kanila.

"Anak.."

Pakiusap ulit ni Mama.

"Ma, I told you unless you won't tell me the reason behind this crazy fix marriage I won't talk to you."

"DRAKE!" Nag-echo ang boses ni Papa sa loob ng bahay.

"Is that how we raised you! Di ka namin pinalaki para sagut-sagutin kami."

"Kasi pinalaki niyo ako para ipakasal sa iba."

Sabi ko ng may mapait na ngisi. Bigla kong naramdaman ang malakas na suntok ni Papa. Inawat agad ni Mama si Papa.

Rebel Daughter at its Best (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon