Tatlompu't apat

78 4 0
                                    

Naalimpungatan ako ng may mag-alarm sa may gilid ko. I turned it off, ang aga-aga naman mang-istorbo ng alarm clock na ito.

Drake is still hugging me, he is peacefully sleeping. Naalala ko ang kagagahan na ginawa ko kagabi. Why the heck I slept beside him? Nagmukha akong kinikilig kagabi, which is really not. Hindi talaga ako kinikilig. Promise!

Hinawakan ko ang noo niya.
Kung malamig siya kagabi, mas mainit naman siya ngayon. Unti-unti kong inalis ang kamay niyang nakayakap sa akin. Inayos ko ang comforter niya.

I immediately went to the kitchen to get some basin.Hindi ako magaling sa mga bagay na to pero ito yung nakikita kong ginagawa sa movies. Why am I so cliche? Tss.

After kong kumuha ng basin, bumalik ako sa kwarto niya. Pinunasan ko ang braso niya at nilagyan ng basang bimpo ang noo niya. I don't know if I'm doing it right. Nakapraning naman to. Argh!!

I researched how to take care of a sick person.

Kinuha ko ang thermometer para icheck ang body temperature niya. It is 39°C, mataas ito.

Nagluto ako ng lugaw, para mapakain ko na siya at mapainom ng gamot.

I called Joy to ask kung tama ba tong ginagawa ko. Medyo hesitant pa din ako kahit tiningnan ko naman sa internet.

"Finally you answered."

"Ang aga-aga naman ng tawag mo. Ano ba yun?"

Halata sa boses nito na inaantok pa.

"Paano mag-alaga ng may sakit? Bukod sa lugaw ano pa ang pwede nilang kainin? Kailangan na bang dalhin sa hospital kapag 39°C na ang body temperature?"

"Ano ba to, umagang-umaga bombarded agad ako ng tanong. Isa-isa lang bes ha. Una, sino ba ang nilalagnat? Ikaw ba? Ok ka lang ba? Gusto mo puntahan kita dyan?"

"It's not me! Sagutin mo na lang tanong ko."

"Ang dami mo naman kasing tanong. Paki-ulit nga ng tanong mo."

"I just asked the wrong person. Sa iba na nga lang ako magtatanong. "

I-eend call ko na sana pero nagsalita ulit siya.

"Joke lang, to naman pikon agad.
Si Oppa Drake ba nilalagnat? Oh em!! Sa mama niya na lang ikaw humingi ng tulong. Di ko din alam eh. Yakapsul at Kisspirin lang katapat niyan. Magiging ayos din yan. I-yakapsul mo na siya bes at i-kisspirin. Gagaling yan panigurado."

Parang gusto kong sabihin na, niyakap ko na siya kagabi, nagkiss na din siya kagabi sa noo ko. Advance na nga yun eh, bakit nilagnat pa rin siya? Napailing ako dahil naalala ko nanaman yun.

Di na ako nagsalita, mahirap na baka madulas pa ako. Pinatay ko na kaagad ang tawag. Wala talagang kwentang kausap ang babaeng yun!.

Saktong naluto na ang lugaw. Pagpasok ko sa kwarto niya, gising na ito at tatayo sana.

"W--wait! Just sit down." Awat ko sa kanya, buti sinunod niya naman agad, dahil din siguro nanghihina siya.

Nilapag ko kaagad sa side table niya ang food tray na dala ko at inalalayan ko siya sa pag upo ng maayos.

"You need to take your breakfast so that you can take your meds."

"I don't have appetite today." matamlay niyang sabi.

"Kaya nga kailangan mong kumain para gumaling kana. Batukan kita diyan eh."

"Ang taray naman ng nurse ko." Nakuha niya pang magbiro. Tss.

Kinuha ko ang kutsara at papakainin siya ng lugaw. Isusubo ko pa lang sa kanya ng bigla siyang napangiti.

"Sana pala araw-araw akong magkasakit. Parang ibang-ibang Alexandra ang kaharap ko ngayon."

Rebel Daughter at its Best (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon