"Alex, absent ka nanaman kahapon. Alam mo ba hot topic ka sa campus, not because of what you did to school properties. "
Napatingin ako kay Joy na parang nagsisignal na ipagpatuloy niya ang kwento niya.
"Sinasabi kasi nila na there's something between you and Drake. Syempre hindi ako naniwala. Alam ko naman na ayaw mo kay Drake. Di mo nga siya type di ba?"
"Of course. Pagkapangit-pangit nun. tss.What is their proof?"
"Sa bar daw kasi nakita ka nila lasing na lasing tas may nakaaway pa si oppa Drake. Parang Knight in shining armor ganurn. Ano pa nga yung sinasabi nila na sinabi niya daw? wait iisipin ko.....
ah.. Sabi niya fiancee ka daw niya. Mas lalo akong di naniwala kasi boyfriend nga wala ka diba? Fiancee pa kaya. Hahaha. Katawa mga chismis nila."
Biglang nanlaki mata ko. I know that he saved me, pero bakit kailangan niya pang ipangalandakan na fiancee ko siya.
"Oy wala kaman lang bang sasabihin dyan? Di mo man lang sasabihin na they were wrong?"
I just shrugged my shoulders and continued reading.
"Oh my God. Don't tell me....... My gosh!! kaya pala.." Nagpapaka-hysterical nanaman siya.
"Ang OA mo nanaman."
Hinampas niya ako bigla.
"Araaaay!" She ignored my complaint.
"Ang dami mo talagang secret. Nakakainis ka! I get it now, his chat tapos yung pumunta siya dito sa botanical garden para mag-usap kayo. Tama!! Aminin mo nga Alex, is it true that you are his fiancee?"
"And so? Does it matter?"
Nanlaki mata niya at nagtatalon na parang bata.
"OhM! Kinikilig ako!" sabi niya at hinahampas pa ako. Umikot na ata ang eyeballs ko 360° sa sobrang galaw niya.
"Joke lang." Bigla siyang natigil at pabagsak na umupo sa tabi ko.
"Kainis ka! Panira ka ng excitement. Akala ko pa naman totoo. Magpapabuo na sana ako ng fanclub ng loveteam niyo. Tss"
"He's really my fiancee." Seryoso kong sabi.
"Ewan ko sayo. Ang gulo mo kausap, pinagtitripan mo ako. Tapos maya-maya sasabihin mo joke lang."
"I'm serious."
Natahimik siya bigla.
"Totoo? Paano nangyari? Di nga? Hahampasin talaga kita pag niloloko mo ako."
So kwinento ko lahat sa kanya, medyo gumaan-gaan ng unti ang nararamdaman ko.
"Ang sama naman ng dad mo. I mean, bakit naman ganun siya. Buti na lang di kami mayaman."
"Ano connect?"
"Ganito yung mga nababasa ko sa wattpad eh. Yung ipapakasal yung mga anak para sa merging ng company tas mas mapalawak pa yung businesses. Hay naku. buti na lang poor ako."
"Tss. Ano namang mapapala ni Marco sa pagpasok sa business nila Rodriguez. Walang kaalam-alam yun sa pagpapatakbo ng paaralan."
"Duhh. Isubsob kaya kita dyan sa abs ko, baka ikaw ang walang kaalam-alam diyan. Drake's family has a lot of businesses. Hindi lang to."
"Wala kang abs, tabs yan as in taba tawag dyan. Tss."
"Grabe ka sa fats ko! Pero maiba tayo.Ang swerte mo.!" Tinulak-tulak niya ako at kinikilig na parang ewan.
"Di ikaw na magpakasal."
"Ay go ako dyan. Kailan ba yan? Nang maihanda na ang gown ko. Hahahaha."
"You're not really helping." Sabi ko pointing to my problem.
"Ay sorry naman. Ito na nga oh magseseryoso na." Sabi niya at umayos ng upo.
"Alam mo bes, to be honest ha walang halong paglalandi to. There's no harm if you agree to your dad's plan. Mukha namang mabait si Drake.And ikaw na din nagsabi he doesn't agree also to this engagement. Kaya wag ka muna mamrobema diyan. If your business is at stake or your future plan is endanger then go for it. I think your dad has a plan kung bakit niya ginagawa yun.Sino ba namang ama ang ipapakasal ang anak nila kahit kanino ng walang rason diba. And I'm sure it's for your own good. Swerte mo na nga eh, ang gwapo ni Oppa Drake. Ito lang naman ang tanong, who is more stubborn? Is it you or your Dad?"
Hindi nagsink-in actually sakin ang mga sinabi ni Joy. Parang riddles na mahirap intindihin. I just want to know why all of a sudden this happened. Nasa millenial year na ako, ni sa hagilap di ko maisip na mangyayari sakin ang fix marriage.
After ng klase dumiretso agad ako sa boutique. It's been how many weeks since I was updated. Naging kampante ako na mayroon akong assistant na nagtatrabaho sakin. But recently parang walang ina-update sakin kung ano na ang status ng market.
Napakunot ang noo ko ng makita itong close at may nakalagay na LOT FOR SALE.
Biglang uminit ang ulo ko. Wala namang ibang pwedeng gumawa nito kundi si Marco lang.
I instantly start the engine and went to his office. Pagpasok ko pa lang ng building hindi na ako namamansin ng mga empleyadong bumabati sakin.
"Where is Marco?!" galit na sabi ko sa secretary ni Marco.
"Ah Maam Alexandra, nasa conference room po. He's in a private meeting po."
"Sabihin mong we need to talk."
tumango ito at agad tinawagan si Marco.
After a few minutes.."Pasok daw po kayo sa conference room."
Pagpasok ko sa conference room.Isang lalaking nakatalikod ang kausap ni Marco. By the looks of it, it seems si Drake ang kausap niya. They were laughing together.
How could this man laughed inspite of our situation."Oh here she is.Maupo ka Alexandra."
"Enough of the formality. Bakit mo binibenta ang lupa na kinatatayuan ng boutique ko!?"
"I told you, I have my power to control things on my own. Actually someone just called interested to buy the lot."
Napakuyom ako at yumuko. I know di ko pa tapos hulugan ang lupa,at sa isang iglap mawawala lang yun. Because of what? Because of his immaturity.
Pag-angat ko ng ulo, sumabay ang luha ko na puno ng hinanakit. Di ko na kinaya pa ang galit na nararamdaman ko. Para na akong sasabog.
"Why are you doing this to me?! Lumayo na nga ako diba? Para di na maramdaman yung sakit. For how many years, dala ko sa dibdib ko yung galit. Tama na. Please.. Ayoko na. Gusto ko ng makawala sa sakit." Napasuntok ako ng malakas sa table at umiiyak. I don't f*cking care if Drake will see me like this.
Papalapit sakin si Drake pero pinigilan ko siya.
"Don't come near me!"
Buti sinunod niya, tiningnan ko ulit si Marco. He remained calm and doesn't show any symphathy. Walang halong pagsisisi.
"I'm just asking one favor Alexandra. Marry Drake or loss everything?"
Tumayo ako ng maayos at pinunas ang mga luha ko. He doesn't deserve my tears.
"If that's what you want then BE it." Matigas kong sabi at agad na umalis sa nakakasukang opisina ni Marco.
A/N:
Thank you for patiently reading this one. Be active and vote. Wag magdamot sa vote. Hahaha. Please 😁😂 Comment if yoy have any suggestions or complaint regarding with the flow of the story. Kasi you know, nagfefeeling writer lang ako. 😂😂
Enjoy reading ❤
BINABASA MO ANG
Rebel Daughter at its Best (Completed)
ChickLitChapters Completed ❣️ In the world full of chaos, full of betrayals, full of hatred would love still reigns? Matapang, walang kinakatakutan, sanay mag-isa, yan si Alexandra Dela Torre. But what if everything went upside down? What if she fall inlov...