Animnapu't tatlo

58 0 0
                                    

"Lumayas kayo sa harap ko! Maghahanap ako ng kapalit!"

Pinaalis ng dad ko ang mga security na nasa labas ng room ko dahil sa nangyari kahapon.

"Uuwi na lang ako sa condo."

"I said no Alexandra!"

I rolled my eyes to him. Bossy as ever!

Lumabas siya para kausapin yung bagong magbabantay sa labas ng room ko. Psh... tinalo ko pa ang Presidente.

Humarap ako sa nurse na maglilinis ng sugat ko.

"Where is doctor quack quack?"

"Po?"

I rolled my eyes to her,alam niya naman na si Zeke ang tinutukoy ko.

"You mean si Dr. Zeke po? He's coming later pa po Ms. Alexandra."

Si Zeke ang nag-asikaso lagi sakin, pero recently he's busy kaya iba-iba na lang ang pumupunta sakin.

"k."

Matapos niyang linisan ang sugat ko ay umalis na ito sakto namang pumasok si dad.

"You have new guards here. Call me if anything happens again okay? I'm going back later after work."

"Can I just go home. Kunin mo na lang na private doctor si Zeke. Ayoko na dito."

"You know what that sounds good. Okay. Kakausapin ko siya mamaya then uuwi na tayo mamaya sa bahay natin."

"I mean not in our house. Argh! Dad! Ayoko nga dun!"

"No more arguments.. sige na I have an urgent meeting. Get well soon my baby."

He lean forward to kiss my forehead just like what he usually do when I was just a kid and bid goodbye.

I just rolled my eyes.

After several hours, finally I'm going home. My guards are busy fetching my things. Kaya ko naman din  na maglakad mag-isa kaya hindi ko na sila hinintay na sunduin nila ako at alalayan na makapunta sa kotse. I don't want some scene like that. Geez!

Habang naglalakad ako sa labas. Napagilid ako ng may dinadalang pasyente patungong E.R. What caught my attention was the man who was also running.

"Trix..don't sleep.."

Halos bumagsak ang katawan ko ng lagpasan niya ako. I don't know kung napansin niya ako. I know Tricia is not in a good state. Pero nasaktan ako ng makita ko kung paano nag-alala sa kanya si Drake. He didn't even bother to look kung sino ang mga dadaanan nila.
He didn't even notice that I was around.

Tiningnan ko lang sila na papalayo.

"I guess I should really forget them."

I smirked. Masakit pala talaga.

Habang naglalakad ako may bigla na lang yumakap sakin. Nakamask ito at nakapang doctor suit.

"This is for my mother."

Nanglaki ang mata ko ng maramdaman ko ang pagkakasaksak saakin.

Nagpumiglas ako kaya mas lalo niyang diniinan ang saksak.

"And this is for ruining my life.."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay sinaksak niya ulit ako kung saan may dati akong saksak.

Kung papansinin parang walang makakahalata na may ginagawa siya sakin.

"A..angel...." that was the last words I uttered before everything went blurry...

I felt the ground. I heared the noises around me. But I can't open my eyes. My body is getting numb. I feel so weak.

"Hurry! Code blue!!"

- - - - - - - - - - - - - - - - - - -

*JOY's POV*

I instantly went to  the hospital after hearing from Zeke that my bestfriend is not in a good situation.

Kinakabahan ako, sabi ko na nga ba may nagtatangka sa buhay niya.

"Tita!!!" Lumapit agad ako sa parents ni Alexandra na nasa labas ng E.R.

"Joy.... ang anak ko..." niyakap ko kaagad ang mommy ni Alex. Iyak siya ng iyak. Di ko na din napigilan at umiiyak na din ako.

"Joy I'll leave you my wife. I have to settle whoever did this to my precious Alexandra."

Tumango ako kay Tito Marco. Galit na galit siya.

"Kamusta daw ho si Alex?"

"Hindi mabuti.. Napuruhan ang isa sa mga organs niya. Marami na ang nawawalang dugo sa kanya. Hindi ako compatible sa kanya, si Marco naman hindi pwede magdonate kasi highblood siya. We tried to buy a bag of blood pero wala sila para sa blood type ng anak ko. I don't know what to do.."

"Tahan na po Tita..Ano po bang blood type ni Alex?"

"She is type AB. Very rare ang blood type niya.."

Napayuko ako Type A+ ako..

"Joy..." Napatingin kami sa dumating. It was Drake.

He is very worried.

"Anong ginagawa mo dito!" sabi ko sa kanya.  Sinaktan niya bestfriend ko!

"Tita how is she?"

Mas lalong umiyak si Tita..

"She's not in good condition.."

Biglang nag-ting yung idea ko.

"Hoy Drake.. Anong blood type mo? "

"AB.. Why? Kelangan niya ba ng dugo?"

Nabuhayan kami ng loob ni Tita.

"Yes hijo.. Please help my daughter. Hindi ko kayang mawala siya sakin."

"I'm willing to donate Tita.. Joy samahan mo ako.."

Napangiwi ako , kahit na magdodonate sya ng dugo sa bestfriend kulang pa yun sa ginagawa niyang pangloloko sa bestfriend ko..

"Tara na!" wala sa loob kong sabi..

"Joy, I'm sorry.."

Hinarap ko siya at pinamewangan

"Hoy manloloko, huwag mo ako kinakausap galit pa din ako sa pangloloko mo sa bestfriend ko."

Sabi ko at inunahan siyang maglakad.

"Miss itong kasama ko pakiscreen ng dugo. Magdodonate sya doon sa inooperahan ngayon sa E.R."

"I'm sorry again Joy."

Hindi ko siya pinansin at iniwan na. Bumalik ako kay Tita na ngayon ay kausap na ng doctor.

"Kailangan na kailangan na po talaga masalinan ng dugo kung hindi, di niya kakayanin ang operasyon."

"Doc! Meron na po in-screening na po siya ngayon!"

"Good to know. Let me assist that." Saka tumakbo ang doctor. Sabay na lumabas sa E.R. si Zeke.

"Doc. Zeke!  Kamusta ang bestfriend ko!?"

"Madami na ang nawawalang dugo sa kanya. And worst one of her organs is not in a good condition. Ginagawan na namin ng paraan. Don't worry we will try our best to save her from danger."

"Please Doc. save my daughter.!"

Hindi ko na din mapigilan at umiiyak na ako..

Lord, alam ko puro ako kalokohan. Lord please save my best friend. We can't afford to lose her.

Sumilip kami sa labas ng operating room.

"Doc! Doc! Ang bestfriend ko!"

Agad siyang pumasok sa operating room. Nagseseizure si Alexandra!

"Ang anak ko!"

Niyakap ko si Tita. Nag-iiyakan na kami. Panginoon, huwag niyo po kukunin ang bestfriend ko..

Rebel Daughter at its Best (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon