Chapter 7

151 11 2
                                    

Chapter 7


Admire


Adah


"Kinakausap pa kita!" Napapikit ako at pumihit pabalik upang maharap siyang muli.


Pagdilat ay tuluyan akong pumasok at dahan dahang lumapit kung nasaan siya. He's only staring at a space in front while hugging his guitar.


"Sorry. I... kinda heard you while I was passing by." Paumanhin ko.


"Bulag ka ba? Didn't you see the huge signage outside that clearly says 'Dead End'?" Prince.


Mabilis na kumulo ang dugo ko sa narinirig. Napaka ano niya talaga! Lahat ng pantasyang naisip ko tungkol sa kanya kanina ay biglaang gumuho. Ang gwapo gwapo, napakatalentado, wala namang modo!


"Actually, I did." Sarkastiko akong ngumiti. "But then it also says 'Beware of monster'. Nacurious kasi ako sa itsura mo."


Matalim ang kanyang mga matang tiningala ako. "Hindi mo 'ko kilala." Mariin niyang sambit.


"Wait... baka akala mo jinajudge kita a? Tulad nga ng sinabi ko, it clearly says 'Beware of monster'. E sino ba ang nandito?" Kwestyon ko bago nag iwas ng tingin at ibulong sa sarili ang huling pangungusap. "Ikaw lang naman ang nakikita kong halimaw."


"You know what? Umalis ka nalang at pakiusap 'wag mo nang ipagkalat sa buong school how bad I was with the singing thing. Just forget it." Aniya na ikinagulat ko.


Gusto kong isiping nagbibiro lamang siya ngunit hindi. I can see it in his eyes, seryoso siya sa sinabi niya. 'Yon ang pinaniniwalaan niya.


"Bad? Who told you that?" Tumawa ako ng konting konti para kung sakaling ginu-good time lang ako nito ay di naman halatang paniwalang paniwala ako sa kanya.


"Doesn't matter." Bumuntong hininga siya at nagsimula nang magligpit ng kanyang mga gamit. 


He's such a drama queen!


"You can talk to me about anything. Pangako, hinding hindi kita huhusgahan." Subok ko ngunit nang aasar lamang siyang ngumisi.


His smirk really gets me every time! Pakiramdam ko iniinsulto niya 'ko tuwing ginagawa niya 'yon!


Tumayo siya dala ang backpack at gitara sa likod. I took a step back when he towered over me. He's tall, I get it.


Mataman siyang tumitig sa'kin. Napalunok ako. "I'm not the kind of person you think I am, Adah." Nalilito ko siyang tinignan pabalik. "No matter how much you try to dig deeper..." Umiling siya biglang pagtutuloy.


His smirk grew wider. Isang beses niya 'kong kinindatan kasabay ng mabilis na paghaplos ng kanyang hintuturo sa aking baba. Natulala lamang ako sa buong pangyayari and the next thing I knew, nakalabas na siya't naiwan na 'kong mag isa sa loob ng greenhouse.

That Villain Is My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon