Chapter 26
Kiss
Adah
"Prince has a twin brother?" Gulat kong tanong, hindi makapaniwala.
"Yup. Shocking, isn't it? Kung may isang tao mang kasing gwapo ng isang Prince Silvestre... It's gonna be his twin brother. King Augustus Silvestre." Irish.
I... can't believe it!
"Kung ganon... nasaan na siya ngayon?"
"Si Augustus? He's in heaven now." What? Is this some kind of revelation or something? "He died several years ago sa sunog sa isang mall. Bata pa sila non. Marami ang namatay kaya nahirapan sila sa paghahanap sa katawan niya. However, they found it eventually. Halos hindi na makilala dahil buong katawan niya ang napuruhan. I don't know if it's right to call this fortunate, dahil si Augustus lang ang nawala, but I'm thankful that Prince made it out of that place safely."
Bigla akong kinabahan. Imagining a little Prince struggling to survive inside that mall makes my heart ache so badly.
"How did they ended up there anyway? Wala ba silang kasamang kahit sino lang?" Dumami ang mga katanungan sa aking utak.
"They were with their nanny. Kaso nung nagka emergency na, tumakbo palayo sa kanila si Augustus kaya si Prince lang ang nailabas niya ng mall. Actually she had no choice dahil kung hinabol niya si Augustus, then si Prince naman ang wala ngayon."
She really should stop mentioning that. Na may posibilidad na si Prince ang nawala? Sumisikip ang dibdib ko sa hindi malamang kadahilanan.
"Nakaka touch nga e. Because they were kids, right? Prince tried to save his brother. Nagwawala na siya non dahil gustong gusto niyang bumalik sa loob para sa kapatid niya. Sa totoo lang, muntik na siyang makawala sa mga humahawak at pumipigil sa kanya. Mabuti nalang at napigilan." Prince.
Parang mas naging concerned pa ako kay Prince kesa sa nalaman kong kakambal niyang si Augustus. But is it possible? Na buhay pa siya at tama ang hinala ko na siya ang parehong Augustus na nagpakilala sa akin nung gabing 'yon? And I can still remember asking him about being a ghost!
"About Augustus... may posibilidad kayang buhay pa siya? I mean, hindi nila halos nakilala ang katawan niya diba? Paano kung ibang tao pala 'yon at nakaligtas talaga siya?"
I know it sounds ridiculous pero ganon ang napapanood ko sa TV. It's fictional yes, pero kadalasan sa mga ito ay hinango parin sa realidad. Ang mga ideya sa fiction ay hindi lahat imposible at karamihan sa mga scenarios ay nangyayari parin sa totoong buhay. Incidents like these are still possible after all.
"You mean just like those in the movies?" She chuckled but still took it seriously. I nodded. "I never saw his corpse actually dahil pina cremate din nila kaagad 'yon, kaya hindi ko rin masasabi. Maybe you should ask Prince about that."
BINABASA MO ANG
That Villain Is My Prince
Novela JuvenilDo you like guessing games? If yes, then come in and uncover the pages of a love story composed of little mysteries. Meet; -Adah. A girl with certain beliefs and has a clear purpose in life. She's perfect on the outside and everything must stay tha...