Chapter 18
Moment
Adah
I tried to open my mouth to say something pero hindi ako makahanap ng mga tamang salita.
"I totally understand bunso, no need for explanations." Aian.
"Siya pala ang crush mo a." Thea.
"It's not what you think." Depensa ko.
"Pero crush mo nga siya?" Zeya.
"Hindi nga, ano ba 'yan!"
He's not my type! I like guys who are gentlemen, kind, considerate, respectful, at hindi nag iiwan ng manners! A total opposite of him in terms of personality!
"O e ba't ang defensive mo?" Natatawang ani Aian. "Halata ka na masyado bunso a, 'kala mo hindi namin napapansin?" Pang aasar niya pa.
"It's because..." Pumikit ako at inisip ang mga tamang salita para magpaliwanag. "Nakiusap sa akin si Irish na samahan si Prince sa pagpa practice." Bulong ko lang dahil baka marinig niya.
Chill lang si ate Ella at nakangiting nagtaas ng kilay lamang sina Zendaya at Althea samantalang laglag ang panga ni Aian sa sinabi ko.
"For real? Yung dalawang crush ko pinagsasabay mo? OMG ka, Adah, pasuntok nga ng isa, babaita ka!" Aian.
"I get it." Ani Zeya, hindi pinansin ang pagdadrama ni Aian. "Pero ano naman ang kinalaman non sa pagtitig kay Prince?" Mahina lang ang pagkakasabi niya sa huling parte.
"Kahapon kase ang first day namin at napansin ko na... may pagka--" Pakiramdam ko tumaas na naman ang BP ko nang maalalang muli ang kahayupan niya kahapon. May nalalaman laman pa siyang 'I am Prince Silvestre blah blah blah blah'! Sino ba siya sa tingin niya? Anak ng presidente ng Pilipinas? Pashnea!
"...gago siya?" Tumango ako sa pagtutuloy ni Ate Ella. It made her smile. "Well, tita niya ang may ari ng school and everyone knows how much she spoils Prince so..."
"Crush mo din ba siya Genella?" Aian.
"Wag kang malisyoso Aian. We grew up attending the same classes every school year kaya natural lang na alam ko 'yon." Bumaling siya sa akin. "How did your practice go?"
"It was... fine. He's a bastard pero sige fine na rin." Tutal nag enjoy naman ako sa pagiging pikon niya.
"Baka naman may kinalaman yung practice niyo kahapon kaya siya badtrip kanina?" Aian.
I glanced quickly at Prince na busy parin sa phone niya. Ganyan ba ang badtrip Aian? Ang saya niya kayang nakatutok sa phone niya. Baka may katext.
BINABASA MO ANG
That Villain Is My Prince
Teen FictionDo you like guessing games? If yes, then come in and uncover the pages of a love story composed of little mysteries. Meet; -Adah. A girl with certain beliefs and has a clear purpose in life. She's perfect on the outside and everything must stay tha...