Chapter 47

61 2 0
                                    

Chapter 47


Punk


Adah


"Augustus..."


"You remembered." Galing sa pagiging seryoso ay napalitan ng pagkamangha at amusement ang emosyon sa mga mata niya. "Uh, let's talk about this later. Sumakay ka na kung ayaw mong maka witness ng crime scene sa gabing ito."


Tinignan ko ang motor niya nang may sobrang pag aalinlangan. I never tried riding one and I'm afraid to do so! Kahit nga sa bike ay natatakot ako e!


"Do I need to remind you again? Wala kang dapat ikatakot. You're safe with me." He looked at me the same way Prince does every time he's assuring me about something. Identical. "I need you to trust me, okay? I told you before I can be bad pero hindi ko hahayaang masaktan ka, lalo na sa mga kamay ko, kaya sumakay ka na. It won't be long bago tayo habulin ng mga 'yan." Tango niya sa mga humahabol sa akin.


Nilingon ko sila at naintindihan kung bakit nila pinaulanan ng mura si Augustus ngayon lang. Nagkalat ang mga lalaki sa gitna ng daan at panay ang hinaing sa sakit na natamo. I think I know what the bastard did. Malamang ay sinadya niyang muntik na sagasaan ang bawat isa sa kanila. Namataan ko ang tatlo na tumatayo na habang nakatingin ng masama sa amin.


I immediately climbed sideways on the back of his motorcycle sa takot na maabutan nila kami. I crossed my legs at siniguradong hindi liliparin ang laylayan ng dress na suot ko kung sakali.


"Kumapit ka." Ngisi niya saka hinila ang mga braso ko para ipulupot sa bewang niya. He started the engine aggressively kaya wala akong nagawa kundi higpitan ang yakap sa kanya sa takot na mahulog!


He turned the vehicle around, papunta sa direksyon ng mga lalaki pero binilisan niya 'yon upang hindi nila kami mahabol.


"What the hell are you doing?" Sigaw ko pagkatapos ng ilang minuto nang makitang isang kamay nalang ang gamit niya sa pagda drive at ang isa naman ay may hawak na ngayong baseball bat na hula ko ay galing sa kung saan mang parte ng motor niya!


"Basta kumapit ka lang... and this time tighter!" He shouted back para marinig ko siya. "Hindi ko na hahayaang mahulog ka pa ulit sa iba." Hindi na sigaw ang huling sinabi niya pero narinig ko parin.


I was supposed to get confused by what he just said kaso nawala sa utak ko 'yon at napatili nalang nang bigla niyang hinampas ng sobrang lakas ang side mirror ng kotseng nadaanan namin na pagmamay ari ng mga lalaki kanina.


"Booyah! Bwahahahaha!" He rejoiced the moment his bat landed on the target, which is obviously the side mirror. Hindi naman siya totally naalis mula sa sasakyan but it's already too wrecked that they can only replace it with another one.


"Nababaliw ka na ba? Makukulong ka niyan sa mga pinanggagagawa mo e!"


Earlier, he almost ran over those guys with his vehicle and now this! Masyado siyang reckless!


That Villain Is My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon