Chapter 59
Atin ang gabi
Adah
"I said naoffend ako." Ulit ko dahil nagpatuloy lamang sila sa paninitig kay Augustus na nasa aking likuran.
With that, I got their attention again.
"Excuse lang a? At bakit ka naman maooffend? We don't even know you." Sabi ng isa't nagtawanan sila.
"E kasi naman kung makapagsalita kayo parang ang gaganda ninyo." I crossed my arms then watched them from head to toe. "Can't you give a compliment to your idol without downgrading anyone? And FYI, Angela is a rising star and these days parati siyang may guestings sa iba't ibang TV shows. 'Yon ba ang hindi sikat? She's new to the industry yet look at her now slaying the charts."
"Are you a fan of hers? Ayaw namin ng fanwar ha? Nananahimik kami rito."
Tanga pala 'to e. Nananahimik pero kung makapangbash halos ipagsigawan na sa buong bar? I'm not a fan of Angela. Hindi rin ako nagbabait baitan para ipagtanggol ang mga naaapi. Hindi ko lang talaga matake ang kaestupidahang naririnig ko galing sa kanila.
"Oo nga. At isa pa hindi kami interesadong makilala siya. Kaya sorry nalang kung wala kaming pakealam sa career niyang wala pa sa kalahati ng kasikatan ni Kim." Pagmamaldita pa ng isa na kung makapagsalita e kala mo ang perfect ng sinabi niya.
"That's the point! Hindi niyo siya masyadong kilala." Palibhasa mukhang mga hindi nanonood ng local television shows ang mga 'to e! "Aren't you ashamed of yourselves? You girls, my beloved fellow Filipinos are so great at promoting other nationalities while judging one of our own."
"That is so not true! 'Wag kang mag generalize. We idolize Filipino artists who are worth to stan. Like The Alphas." She mentioned the name of a famous boy group. "So it's not about the nationality here."
"Oh really?" I faked surprise. "When did you start liking them then?"
"Ever since 'You and Me' era." Pagmamalaki niya.
As far as I remember, sa era na 'yon sumikat ang grupo. That means before that, they don't give a damn or worse, they used to degrade the group as well.
"Doon niyo palang sila unang nakilala?" I asked in a tone that'll affect their fangirl egos.
I know it. Ang pakiramdam kapag may nakilala kang isang tao na mas kilala o mas unang nakilala ang idol mo. It bruises the pride of being a fangirl. Hindi ko sinasabing lahat ganon. Pero ang mga babaeng 'to, pakiramdam ko ganong klase ng fans.
"Of course not. Matagal na namin silang kilala 'no. Kaya nasubaybayan namin kung paano sila sumikat!"
"So you're saying, you've known them long ago pero nagustuhan niyo lang nung sumikat na? Saka lang kayo nakiki hashtag 'proudpinoy' kapag may narating na?" Walang nakasagot. Bull's eye. Tumayo ako upang makausap sila ng mas harap harapan. "Tama ako diba? Nung panahong medyo baduy pa yung grupo, imbes na bigyan niyo ng encouraging words for them to be better, bash lang kayo ng bash? Telling them to stop dahil lang hindi niyo sila gusto. Kung nakinig sila noon sa mga taong tulad niyo anong mangyayari? Edi wala kayong kinababaliwan ngayon? Kase kapag nangbabash kayo, hindi niyo man lang iniisip na if you'll give them a chance, pwede silang mag improve. Basta hindi niyo nagustuhan dapat para sa inyo itigil na agad! Be openminded naman! They're trying to reach their dreams so if you don't like them then shut up! Tulad ng ginagawa niyo ngayon kay Angela. Stop downgrading people kase hindi niyo alam na ang taong minamaliit niyo noon, hinahangaan niyo na ngayon!"
BINABASA MO ANG
That Villain Is My Prince
Teen FictionDo you like guessing games? If yes, then come in and uncover the pages of a love story composed of little mysteries. Meet; -Adah. A girl with certain beliefs and has a clear purpose in life. She's perfect on the outside and everything must stay tha...