Chapter 16
Family
Adah
"Diantha, Dylan... Magpahinga na muna kayo. Let's just talk some other time." Utos ni lolo sa dalawa.
"Masusunod lo." Sumaludo si Dylan sa kanya. Nakita ko na naman ang pilyo niyang ngisi. "It's great to see your pretty face again, little sis." Kindat niya sa akin bago tumalikod at naglakad palabas. While ate Dian left the room without a word.
Ate Diantha is the eldest child. She just graduated from college at tulad ni tita ay abot langit din ang taray niya. Parating nakataas ang kilay at medyo mainit din ang dugo sa'kin. Very different from kuya Dylan na parating nakangisi at mukhang laging may iniisip na kalokohan. Minsan nga naiisip ko na baka mannerism niya na ang ganong ekspresyon. Pero ang creepy naman kung ganon?
"Now, you two. Take a seat." Sinunod namin ang sinabi ni lolo at umupo. "Habang nasa business trip ang daddy mo Adah, dito muna sila titira. I know you both don't get along with them so well, but I think this is your chance to get to know them better?"
"We already know them lo. Kaya nga we don't get along with them diba." Sophie.
"Come on girls, they are part of our family. Just try to spend some time with them, hang out or anything para mas makilala niyo pa sila, wala namang mawawala. Give them a chance, please. Is that okay?" Lolo.
"Okay po, lo."
It's not like we have a choice, right?
Lumabas kami ng office saka na dumiretso sa kwarto. Naligo lamang ako at nagbihis bago nagpasyang pumunta sa music room. We didn't get to practice earlier dahil sa kaartehan at kabalastugan ng prinsipe kaya...
"Hey... baby sis." I turned to Dylan who just got out of his room, and now walking lazily towards me. "I missed you." He opened his arms for me to give him a hug.
Niyakap ko siya pero kaagad ding kumalas. "You too." Ngiti ko. Sabi ni daddy 'wag ako masyadong makisalamuha sa kanya so... "Uh... I gotta go na. I have to practice pa e." Turo ko sa aking likod, referring to the music room.
"Oh, okay. Catch you later then." He winked at me before I marched out of his sight.
Dylan is so weird! Kulang ba 'yon sa tulog? Di kaya may epekto parin sa kanya hanggang ngayon ang pagkakabugbog sa kanya noon? Hay basta! Tumuloy na lang ako sa paglalakad at hinayaan siya. Baka nga puyat lang kaya ganon.
My guitar's the very first thing I saw the moment I entered the room. Si Prince kaagad ang pumasok sa isip ko. I've never seen him bring his guitar inside our classroom. He's not open about his talent to other people. I'm glad Irish made him gain his confidence to explore music in public. Sayang siya kung hindi niya 'yon pagtutuonan ng pansin. With his great voice and great looks? He can easily attract attention.
Kaso naalala ko na namang nuknukan ang sama ng ugali niya! God granted him a very wonderful gift. Bakit hindi niya gamitin 'yon ng maayos? Instead of behaving unmerciful to the people around him!
BINABASA MO ANG
That Villain Is My Prince
Teen FictionDo you like guessing games? If yes, then come in and uncover the pages of a love story composed of little mysteries. Meet; -Adah. A girl with certain beliefs and has a clear purpose in life. She's perfect on the outside and everything must stay tha...