Chapter 32

41 1 0
                                    

Chapter 32


Leading Man


Prince


"Please ma. Kailangan ko lang talaga." Pakiusap ko habang nakahiga sa higaan nila.


She's busy with her computer sa kanilang desk while my brother's son, Yago is sleeping beside me on their bed. He's five years old at napakatigas ng ulo.


"Magigising mo 'yan, Prince. Kakatulog niya lang." Saway ni mama nang mapansin ang pagdikit ko sa maliit na taong 'to.


I pinched his chubby cheeks kaya medyo nalingat siya. Cute! "Shhh..." Marahan kong tinapik ng paulit ulit ang pisngi niya para makatulog ulit.


"Prince what are you doing? Bakit mo sinasampal sampal 'yan?" Mama.


I turned to my mother defensively. "Hindi a. Pinapatulog ko lang."


"Naku! Lubayan mo na nga si Yago. Hindi mo naman alam kung paano magpatulog ng bata." Mama.


Ngumuso ako at isang beses pang pinisil ang pisngi niya bago ako tumayo at lumapit kay mama.


"Akin na ma." Sa side niya 'ko pumunta at natatawang nilahad ang aking kamay upang kunin ang hinihingi ko.


"Ang alin?" Kunot noo niyang tanong.


"Yung pera. Diba bibigyan mo 'ko." Dalawang beses kong mabilis na tinaas baba ang aking kilay at nakakalokong hinintay ang sasabihin niya.


"Tigilan mo 'ko Prince." Mama.


"Please na ma kailangan ko na 'yon bukas." Sabi ko at umaktong problemado.


"What are you gonna do with it anyway? Ipagbibili mo na naman ng album ng mga idol mo?" Mama.


Ngumisi ako ng malaki sa tanong niyang 'yon. Kapag kasi nagtanong na siya kung saan ko gagamitin, ibig sabihin malapit ko na siyang makumbinsi.


"Iba na ngayon, ma. Nanliligaw ako tapos wala akong pera? Paano nalang ako sasagutin ni Adah non kung isang simpleng date lang hindi ko pa maibigay diba." Paawa ko.


I don't really think she's into that. Material things, luxurious dates and all, especially with the secret thing we have. I just want to do something special for her as a suitor.


The problem is... I don't have the money! Hindi naman kasi ako tulad ng iba na mapera at bawat hingi sa magulang ay napagbibigyan kaagad. I have limitations. Hindi tino-tolerate ni papa ang pagdedemand namin ng sobra sobra pa sa aming allowance. I understand and respect that. Kaya minsan... o sabihin na nating madalas ay kay mama nalang ako nanghihingi. Poorito lang ako.


Nakakaipon naman ako gamit ang allowance na ibinibigay nila pero kapag gustong gusto ko na talagang bilhin ang isang bagay at hindi na makapaghintay, pinapadagdag ko nalang. It's not that easy though. Tulad ngayon. I'm about to make a very special deal.

That Villain Is My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon