Chapter 48

53 1 0
                                    

Chapter 48


Night


Adah


"Alam mo ba... may sabi sabi na meron na raw namatay dito dahil sa mga gang fight na 'yan?" Nagsimula siyang magkwento. "Nabanggit na hindi naman siya miyembro ng gang at nadamay lang daw siya sa gulo. Tapos ang masaklap pa, siya lang ang napuruhan sa insidente kaya hindi nga naman katanggap tanggap 'yon diba. Ngayon ayon sa mga kwento kwento, nagmumulto raw siya dahil hindi niya tanggap ang nangyari. Lalo na't wala man lang ni isang tumulong o nagdala sa kanya sa ospital."


"Bakit naman walang tumulong? Natatakot sila na baka sila ang pagbuntungan ng mga gangsters kapag nangealam sila?"


"Hindi. Ganito kasi 'yon... Payapa lang siya kumakain ng fishball nung araw na 'yon. Tapos bigla nalang may sumaksak sa kanya! Edi natumba siya ngayon. Marami ang nakakita, kaso wala ni isang tumulong sa kanya hanggang malagutan siya ng hininga." Augustus.


"Bakit nga?"


"Kase kahit nakahandusay, nagdurugo at hirap ng huminga, nguya parin siya ng nguya sa fishball na kinakain niya. Akala tuloy ng mga tao nampaprank lang siya at may hidden camera sa paligid." Augustus.


From anticipation, napalitan ng poker face ang mukha ko samantalang nanatili naman ang kanyang suspense na emosyon base sa kwento niyang walang kwenta. Nagtitigan kami ng lampas sa sampung segundo bago unti unting sumilay ang ngiti sa kanyang mapupulang mga labi.


Napaka animales talaga ng lapastangan na 'to.


"Prank ba'to? Magkano ang talent fee para tumawa 'ko?"


He laughed joyfully again, kaya hindi ko na rin napigilan ang pagkurba ng aking mga labi upang sabayan siya sa pagtawa sa walang kwenta niyang 'joke'.


"Tumatawa ka na nga e!" Augustus.


"Not because it's funny. Natawa 'ko kase napaka bastos ng joke mo! That's the most ridiculous joke I've ever heard my whole life!"


"Jokes are meant to be ridiculous! Atsaka basta mapatawa lang kita, sapat na sa'kin 'yon." Augustus.


Umiling ako nang nakangisi parin. "But you shouldn't gag about the safety of this place. Paano kung totoong delikado nga talaga rito? Edi nakarma tayo!"


"Stop worrying. Nakikita mo ba 'yon?" Turo niya sa dulo ng Quad. "The police station is nearby, kulang nalang ay sa gitna nila ilagay para siguraduhing ligtas talaga rito."


"That's the point! Probably why it is too near, kase baka maraming gulong nangyayari sa lugar kaya ganyan siya kalapit."


"You know what? Stop overthinking. Kasama mo 'ko kaya hindi mo na dapat inaalala pa ang mga ganyan. I will protect you, okay. Just relax and enjoy the peacefulness, my love."

That Villain Is My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon