Chapter 8
Fan
Adah
Bahagya kong itinulak ang kanyang dibdib. "Lumayo ka nga." I awkwardly said, hindi makatingin ng diretso.
Lumayo siya pero hinawakan niya naman ngayon ang aking kamay na nasa dibdib niya parin. Hinila niya ito para tignan ko siya.
"Don't get my hopes up. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin." He warned me. Habang ako naman ay pilit na binabawi ang aking kamay na hawak niya.
"Ano ba! Let go of my hand!"
"Oy oy oy! Ano yan ha?" Biglang pumasok ang kanyang dalawang kaibigan kaya sa wakas ay bumitaw din siya! Umupo si Travis sa tapat niya at si Ford naman sa harap ko.
I just found out the three of them are well-known in this school kaya nalaman ko ang mga pangalan nila. Palibhasa anggugwapo. Prince, Travis, and Ford. Sila yung tipo ng magkakaibigan na may magkakaibang imaheng dinadala. They have their own unique styles, different from each other, pero sobrang lakas parin ng dating tuwing sila ang magkakasama.
Lumayo si Prince at ibinalik na sa ayos ang kanyang upuan bago binalingan ang dalawa.
"Kayo a. Kung hindi kami dumating baka naligaw na ang landas mo Adah." Nagulat ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Sinuntok siya ng pagkalakas lakas ni Prince sa kanyang dibdib kaya napaungol ito ng malakas. Nagising at napatingin tuloy sa amin si Patricia na nasa harapan. How did he know my name? "'Yong puso ko! Masakit 'yon ah, gago!" Sigaw niya habang nakahawak doon.
"Sige daldal pa." Ford mocked while laughing at him.
"You okay?" Tanong ko.
It's just the sound of Prince's fist hitting his chest... is evidently painful.
"Medyo medyo." Nakangiwi niyang sagot. "But don't worry, I'll be fine." He assured before turning to Prince. "I was just kidding, fuck you!"
"Get lost." Sabi niya sabay sipa sa ilalim ng aming mesa na nakadikit naman sa kinauupuan ng mga kaibigan niya. Napaatras sila ng konti.
"Aray, ba't kasama 'ko!" Ford.
"Ang sadista mo talaga gago, pasalamat ka lab kita!" Travis.
Napailing ako sa kanila saka nalang ibinaling ang aking atensyon labas ng bintana. So that's it? I wasted my precious time for this? Ang napagtanto ko lang sa pagkausap sa kanya ay wala siyang kwentang kausap.
However, I don't want this to end here. Sayang ang talent niya! Napakalaki ng potensyal niya! It's too bad kung hindi niya ito itutuloy.
"Adah!" Thea snapped a finger in front of my face kaya bumalik ako sa realidad. "You okay? Kanina ka pa lutang diyan a. May problema ba?"
BINABASA MO ANG
That Villain Is My Prince
Teen FictionDo you like guessing games? If yes, then come in and uncover the pages of a love story composed of little mysteries. Meet; -Adah. A girl with certain beliefs and has a clear purpose in life. She's perfect on the outside and everything must stay tha...