Chapter 69

39 2 0
                                    

Chapter 69


Video


Adah


"O pare ko (O pare ko~)" Biglang tugtog ni Prince na awtomatiko namang binack-up-an ni Travis mula sa likod na naglalakad na ngayon palapit sa dalawang kaibigan.


Nawala ang paningin namin ni Isko sa isa't isa at napunta sa kanila.


"Meron ka bang maipapayo?

Kung wala ay okay lang!

(Kung wala ay okay lang~)"


"Ang galing nila." Si Isko na napapahead bang pa sa pakikinig sa kanila.


Sa mga sumunod na linya ay sumabay na si Ford at nakipag harmonize kay Travis para sa back up vocal parts. Si Prince ay damang dama ang pagkanta habang naggigitara.


"Kailangan lang

(Kailangan lang~)

Ay ang iyong pakikiramay

Andito ka ay ayos na!

(Andito ka ay ayos na~~~)

Masakit mang isipin!

Kailangang tanggapi~n!"


Galit ba 'to?


"Kung kelan ka naging seryoso

Saka ka niya, GAGAGUHIIIIN!" 


Halos manigas ako sa kinauupuan ko nang bigla siyang tumingin sa'kin habang kinakanta ang mura na 'yon! 'Yong mukha niya ay puno ng sarkasmo habang nakatingin kami sa isa't isa, taliwas sa boses niyang buong buo at bigay na bigay.


"O! Diyos ko!" Inalis niya ang kanyang tingin sa'kin saka mas nilakasan pa ang pagkanta. He's singing the song and playing the guitar aggressively yet napakaganda paring pakinggan! His voice projection is to die for! And I'm so crazy for complimenting him this much samantalang puso ko naman ang pinapatay niya sa kanyang mga liriko!

"Ano ba naman ito

'Di ba! TANG INA!"


Napapikit ako sa lutong ng mura niya.


"Nagmukha akong tanga

Pinaasa niya lang akoooo!

Letseng pag-ibig 'to~

Diyos ko~!

Ano ba naman ito

Hoh hoh, woh hoh hoh~"


Ilang sandali niya pang nilaro ang chords sa gitara bago binitawan ang huling pangmalakasang beat. Mabilis akong nag iwas ng tingin pagkatapos.


Prince...


Napailing ako sa kawalan. Bakit ba ang hilig mong... tss.

That Villain Is My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon