Chapter 19

91 4 0
                                    

Chapter 19


Joke


Adah


"Klein!"


Tumikhim si Prince at umayos ng upo.


"Let's go somewhere else."


Matapos mawala ang mga naglalandian sa likod... they are naglalandian, right? Whatever.


"You want to go somewhere else too?" Kumunot ang noo ko nang nilingon siya. Pinagsasabi neto? "Perhaps, sa liblib na lugar?" Natawa siya sa sinabi niya. Pero nang tumingin sa akin ay para siyang natauhan at biglang nagseryoso.


"Gago." Mura ko.


Ngunit sa totoo lang ay grabe ang pagpigil ko sa aking sariling matawa. Tinatago ko lamang 'yon sa kunwaring pagkainis. Ngunit nanlambot ako nang inawit niya ang mga pamilyar na lirikong una kong narinig sa kanya.


"O ang isang katulad mo..." I suddenly saw sincerity in his eyes. "Ay di na dapat pang, pakawalan." Bumuntong hininga siya pagkatapos.


What was that for?


"Para kay Irish?" Sa harap nalang ako tumingin dahil alam ko na ang nagagawa ng pagtitig sa mga mata niya.


"Para sa taong gusto ko." Malamig niyang sambit.


"Kay Irish." Ulit ko pero nagpatuloy siya sa pagsasalita.


"Ewan ko kung nagbubulag bulagan ba siya o ano." He started ranting. "Ipinagdidikdikan ko na nga sa kanya ng harap harapan, hindi niya parin makuha. Ano pa bang pwede kong gawin para lang maramdaman niya? Masyado siyang manhid! She's a very stupid, cruel, insensitive, cold hearted, beautiful girl!" Halos pasigaw niya na sa pagtatapos ng kanyang sentimyento.


Ngayon ko lang yata siya nakitang mamroblema sa love life niya. Beautiful girl, huh? Bakit parang ang pangit sa pakiramdam habang pinapakinggan ko siya ngayon? Wala akong ideya kung ano 'tong nararamdaman ko ngayon ayoko ang pangit na pakiramdam na 'to.


I glanced at him pero sabay din kaming napaiwas ng tingin nang magtagpo ang aming mga mata. He's still tall kahit nakaupo. Buong katawan kasama ang ulo niya ay nakatuon sa aming harapan habang nakapatong ang dalawa niyang kamay sa mesa. But his eye contact was looking down at me na para bang inaabangan niya ang magiging reaksyon ko pero kaagad din kaming umiwas nang mahuli ko siya.


"We should go," I said. Ayoko nang marinig pa ang mga rants niya about Irish.


Tumayo ako at nagsimula nang maglakad papunta sa hagdan upang makaakyat na. Mr. Briones' class should be over by now. I glanced at the bench but he's no longer there. Ang dali niya namang umalis, 'di man lang nagpaalam.


"Nandito 'ko." Prince.


"Ay ghoster ka!" Naitulak ko siya at namura nang bigla siyang nagsalita sa tabi ko.

That Villain Is My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon