Chapter 80

38 1 0
                                    

Chapter 80


School Outing


Adah


"Even with a short period of time, you all did a great job and that makes me very proud!" Miss M.


Or maybe we just got lucky, Miss M. Kurt and Clarise have been singing together for a long time kaya hindi kataka takang marami silang baong performance na magkasama. Jhustin and Ahvy seem like they're already very professional at their young age and their chemistry is just wow! At kina Aian at Isko naman, nagkataon lang na pareho nilang kabisado ang kanta pero nakakaamaze rin talaga ang ginawa nila kanina.


"Let's proceed to the next round." Miss M. "Sinabi ko naman kanina, hindi masasayang ang mga pinaghandaan niyo diba? So now let's see what you've got!"


Wala na raw maeeliminate dahil tuluy tuloy na ang labanan hanggang dulo. Now we're on the third round at gusto ni Miss M na iperform namin ang kantang nirehearse namin with our friends kahit hindi kami magkakapareho ng Team.


Kaya naman naghanda siya ng tags kung saan nakasulat doon kung saang Team kami nabibilang. Para habang nagpeperform kami sa stage ay hindi malito ang judges at ang ibibigay nilang points samin individually ay mapupunta sa sarili naming pangkat.


The first one to perform is Jhustin Silvestre's group of friends. Ang unfair lang kasi karamihan sa kanila Team D! Sina Jhustin, Ethan, and Rovin. Ang kasali sa Team A ay si Jezreel at sa Team B naman, samin ay si Aldrei. Pero binigyan kami ng assurance ni Miss M na magiging fair ang judges kaya di na rin kami nagreklamo.


"Our subject is 'Dream'." Si Aldrei ang nagsalita para sa kanila. "Simplehan lang natin... Kahit magulo na ang mundo, 'wag po tayong magsasawang mangarap. Sa pagtanda natin, may makakasalamuha tayong mga tao na sasabihan tayong 'Magising ka sa realidad! Hindi madaling mabuhay dito sa mundo tulad ng inaakala mo!'. Ayos lang naman 'yon, makinig ka kase tama naman sila. Pero kahit ganon, 'wag mo parin bibitawan ang mundong pinapangarap mo. Dahil 'yan ang magiging inspirasyon mo para baguhin ang realidad na sinasabi nila. 'Wag mo silang gayahin na tinanggap nalang na mananatiling magulo. Kahit mahirap, kahit gaano katagal, you can make a change. Magtiwala ka sa Kanya."


Sa Diyos... wow. May point siya. He just gained massive respect from me. Pagkatapos non ay pumwesto na sila at nagsimula na ang music.


"Yeah, we gonna go up!

Yeah, yeah, we gonna go up~"


They have a choreography. At una palang ay nakakaagaw atensyon na talaga!

Napuno ng hiyawan ang buong lugar dahil hindi lang members ng drama club, kundi karamihan sa mga schoolmates namin at iba pang bakasyonista ang nanonood. 


"Yeah, we gonna go up

Ibibigay ko ang aking puso

Sa pag-abot ng pangarap, 'di hihinto

Handa akong harapin ang lahat, yeah

Kahit pa imposible

That Villain Is My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon