Chapter 43
Effort
Prince
"Walang ibang makakaalam nito, Prince." Mariing banta ni papa. Nagliliyab ang kaniyang mga matang nakatuon sa akin habang ang isang kamay ay mahigpit ang hawak sa aking kwelyo.
Hindi ako nagpatinag. Nilabanan ko ang titig niya nang higit pa sa nakamamatay na tinging ipinupukol niya sa akin. Parehong naka kamao ang dalawa kong kamay at pilit na pinipigilan ang sariling saktan ang sarili kong ama. Kung noon ay takot na takot ako sa kanya, ngayon wala akong maramdaman kundi matinding galit at sakit dulot ng kasamaang ginawa niya.
Today, I discovered my wicked father's darkest secret.
Sinubukan ko siyang sugurin kanina sa harap ng mga taong pinoprotektahan niya pero bago ko pa magawa ay nauna na niya 'kong nakita! Mabilis niya 'kong nilapitan at kinaladkad palayo sa kanila.
Sa kanya...
Sapilitan akong ipinasok ng kanyang mga tauhan sa sasakyan at dinala nila ako rito. Sa isang liblib na lugar kung saan walang ibang tao. Para siguro matakot niya 'ko ng maayos.
"Gago ka, pa." Mahina at nanggagalaiti kong sabi sa kanya.
He smiled wickedly saka niya 'ko marahas na itinulak palayo. Alam ko na noon kung anong klaseng tao siya. Siguro nga sa kanya ko namana ang pagkakaroon ng ugaling halimaw. I never wanted to be like him, at tumindi pa ito ngayon dahil sa natuklasan ko. He's beyond evil. At hinding hindi ko kailanman hahangarin na maging katulad niya.
"Gusto mong magsumbong? Sige! Hindi kita pipigilan," Alam ko na kung ano ang patutunguhan ng sasabihin niya pero nanahimik ako. Kasi punyeta wala akong laban! "Pero sa oras na masira ako, masisira mo rin ang pamilya natin at hindi lang 'yon... masasaktan mo ang mama mo, at ang mga kapatid mo. Kakayanin ba 'yon ng konsensya mo, Prince?"
Naalala ko si mama. Ang kislap sa mga mata niya tuwing sinasalubong ang gagong 'to pag uwi ng bahay. Ang liwanag sa ngiti niya tuwing pinapatawa siya nito. Ang saya sa mukha niya tuwing magkasama sila. Tapos si ate Misha. Batid ko kung gaano niya tinitingala si papa. He's her role model and her hero. Then si kuya Mason. Minsan niyang binigo si papa noon dahil sa maaga niyang pag aasawa. Pero simula noong napanganak si Yago ay sinikap niyang kunin muli ang tiwala nito at nakikita kong masaya na siya ngayon dahil nagkasundo na sila.
Nanatili akong matalim na nakatitig sa kanya. Tama siya. Alam na alam niya talaga kung gaano 'ko katanga. Napakadaling manipulahin! Ang bobo bobo ko dahil wala man lang akong magawa para solusyonan ito nang hindi nasasaktan ang pamilya ko! Napaka wala kong kwenta!
"'Wag ako ang sisihin mo. Kung may masisira man dito, kasalanan mo lahat 'yon!" Sigaw ko.
"Kaya ko nga itinago 'diba? Para maging maayos tayo! Ngayon kung hindi mo ititikom 'yang bunganga mo, ikaw mismo ang wawasak sa pamilyang 'to." Papa.
Hindi roon natapos ang aming pag uusap. Umuwi ako at sinunod ang gusto niya. Nagpamanipula na naman ako! May maayos bang solusyon akong pwedeng gawin o sadyang napakabobo ko lang talaga?
BINABASA MO ANG
That Villain Is My Prince
Genç KurguDo you like guessing games? If yes, then come in and uncover the pages of a love story composed of little mysteries. Meet; -Adah. A girl with certain beliefs and has a clear purpose in life. She's perfect on the outside and everything must stay tha...