Chapter 72

41 2 0
                                    

Chapter 72


Tamang panahon


Adah


"I hate you! Nakakainis ka! Bastos! Manyak! Panget! Lumayas ka dito! Punyeta! Arghhh!!" Halos patayin ko si Augustus sa mura habang paatras siya ng paatras dahil sa tuluy tuloy kong paghampas sa kanya ng unan. 


Nakakainis, punyemas!


"Maghulus dili ka hahahahaha!" Tawa pa ng gago, pinangsasangga ang mga braso niya.


"Maghulus dili?! Binastos mo 'ko tapos sa tingin mo makakapag hulus dili ako? Ha?!"


"Hindi ko nga sinasadyaaaaa! Malay ko bang nasa tapat kita?" Pagdadahilan niya pa!


Nakakainis talaga e! Nakita niya--! Arghhhhh!!


He was lying under my bed and when he's about to get out, nauna niyang ilabas ang ulo niya't sumakto sa kung saan ako mismo nakatayo! Panloob lang ang suot ko sa loob ng bathrobe at mula sa baba ay siguradong nakita--!! Haaaaist!


"E bakit ka kasi nandon?! Sinasadya mo talaga, letse ka!"


Tumama siya sa pintuan ng balcony kaya wala na siyang maaatrasan pa. Tumigil ako sa panghahampas sa kanya at sinamaan nalang siya ng tingin. Nakakapagod.


"Hindi nga. I was hiding just in case. Paano kung may pumasok? Gusto mo bang makita nila 'ko na nakatambay sa kwarto mo?" Augustus.


"Edi sana nilock mo yung pinto! Tanga ka ba?"


"Ehe..." Ngiti niya sa'kin ng malaki.


I threw the pillow at him. Sinalo niya lang 'yon saka ako tinawanan. He then threw it back to my bed.


"Tabi!" Tinulak ko siya upang umalis siya sa pagharang sa pinto. Hindi naman 'yon ganon kalakas kaso umandar na naman ang ka OA-yan niya. Pagkatulak ko, tulad kagabi, nagpagulong gulong siya sa sahig na kala mo tinangay na naman ng ipu-ipo. Tsk.

I opened the door to the balcony then turned to him. "Lumayas ka."


"Ha? Pwede bang mamaya nalang? Ang sakit ng tulak mo e, arayyyy." Arte niya.


What a bad acting.


"Layas. Kung hindi ka aalis ngayon, ito na ang huling pagtapak mo dito sa kwarto ko." Pagbabanta ko.

He cut his terrible acting and stood up quickly.


"Papalayasin mo talaga 'ko?" Nguso niya. Huh!


Nag iwas ako ng tingin. "Oo kaya alis na."


That Villain Is My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon