Chapter 9
Her
Adah
Pagpasok ko palang ay kita ko na ang babaeng kumakanta sa stage. Nang makita ko sina Aian na nasa third row ay sinenyasan nila akong umupo sa nireserve nilang upuan sa gitna nila para sa akin.
"Where did you go?" Zeya.
"May kinausap lang. Kumusta?" Tukoy ko sa mga singers.
"They're good, but I'm sure you'd be fantastic!" Thea.
"'Wag kayo masyadong mag expect, masakit mapaasa." Sabi ko.
Nanood nalang muna kami habang naghihintay na matawag ako. They're really good! Lalo na yung ibang nasa higher levels. It's making me anxious but I believe I can do it. I believe in my talent that God has given me.
Habang abala sa panonood ang lahat, dinig na dinig ko naman ang pagbubulungan ng dalawang lalaki sa aming likuran.
"Nakakabored naman 'to, dude. Why does it have to be a tagalog song? Masyadong baduy!" Mabilis akong nairita nang marinig ang reklamo nung isa kaya hindi ko napigilan ang sarili kong mapalingon.
"Shhh. Manood ka nalang." Saway sa kanya ng kasama na nakatuon sa entablado ang pansin.
"Excuse me?"
Inirapan ng nakakairitang lalaki ang kaibigan ngunit nang marinig ako'y lumipat ang tingin niya sa akin. Galing sa pagkakabadtrip ay umaliwalas ang kanyang mukha.
"Heeey..." He responded in a flirty tone. "Are you talking to me?" Turo niya sa sarili, malaki ang ngiti.
"Yes, you." I faked a polite smile kahit nababanas ako sa narinig ko sa kanya. "Did you just say baduy ang tagalog songs?"
Naguguluhan siyang ngumiti, tila hindi inasahan ang tanong ko. "Well... yeah I did. May problema ba 'don?"
"Paano mo naman nasabi?"
"Obviously because they're not even famous internationally. Ang mga tao lang sa bansa natin ang nagtitiyagang makinig ng tagalog dahil wala silang choice at nasa Pilipinas sila."
What? He doesn't even make sense! Anong klaseng dahilan 'yon? Una, kailangan ba munang sumikat ang isang kanta bago ito maappreciate ng tao? Para sa'kin, the answer is a big NO! Clearly, because people need to recognize and value it first, for it to become popular. Ngunit maaaring sa mga taong katulad niya ay 'oo' ang sagot. They only care about what's well-known that they tend to underestimate the beauty of less popular things.
Pangalawa, sinabi niya na walang choice ang mga tao kundi makinig ng mga awiting Pilipino which totally makes no sense dahil lahat tayo may choice! Lahat tayo pwedeng pumili kung ano ang gusto nating pakinggan. At kung naririnig niyang nagpapatugtog ng tagalog ang mga taong nasa paligid niya, sigurado dahil 'yon ay gusto nila at hindi dahil wala silang choice! Ugh!
BINABASA MO ANG
That Villain Is My Prince
Teen FictionDo you like guessing games? If yes, then come in and uncover the pages of a love story composed of little mysteries. Meet; -Adah. A girl with certain beliefs and has a clear purpose in life. She's perfect on the outside and everything must stay tha...