Chapter 60
KLWKN
Adah
"Sandali lang!" Augustus.
Hinila niya 'ko pabalik upang matigil kami sa pagtakbo. Nasa bungad na kami ng walking street ngayon. I stared at him with a questioned face while we're both catching our breaths.
"Bakit? Aren't we done here yet? Doon ang sakayan ng jeep." Sambit ko, hinihingal parin.
"Dito tayo." Augustus.
Nagulat ako nang dumiretso siya sa isang tabi kung saan nakapark pala ang motorsiklo niya!
"When did this get here?" Turo ko roon.
"Uh... this afternoon, I think? Nagloloko kase kaya..." Nakakunot ang noo niya habang halos mahirapang mag explain. "Not really important to talk about. Let's go?"
Iniabot niya sa'kin ang isang astiging kulay pink-black na helmet na kapareha ng design ng kanya na purong itim naman.
Pinaghandaan?
"Okay." Sambit ko nalang at sinuot 'yon.
Sumakay siya't ang gitarang nakasabit sa kanyang likuran ay inilipat niya sa harapan niya. I held his arm for support as I sat sideways behind him dahil tulad noong una 'kong sumakay rito ay dress na naman ang suot ko!
"Kumapit ka." Augustus.
Hindi na 'ko nagmatigas pa. Kumapit ako sa magkabilang gilid ng jacket niya. Hindi ako yayakap. Utot niya! Mabilis niya 'kong nilingon saka nginisian bago nagsimulang paandarin ang motorsiklo. His face is visible dahil hindi naman nakasarado ang helmet niya. Humigpit ang kapit ko. Pero hindi talaga 'ko yayakap!
"Uuwi na ba tayo?" I didn't wanna sound disappointed kaso 'yon yata ang tonong lumabas sa bibig ko. Stupid!
"'Wag muna! Gusto mo na ba?" He turned his head sideways to pay more attention to me. "Last nalang 'to, please? Pagkatapos..." He paused.
"Okay lang!" Inunahan ko na bago niya pa maituloy ang kung ano mang sasabihin niya. "Eyes on the road, please." Itinulak ko ang kanyang helmet para dumiretso ang tingin niya sa daan.
I suddenly felt... sad. At alam ko naramdaman niya rin 'yon kaya hindi na siya sumagot o nagreact man lang. We had a long night. And the longer we explore, the shorter the time is left for us together.
Natahimik nalang kami habang tinatahak ang daan patungo sa kung saan. Hanggang sa muli kong nasilayan ang pamilyar na lugar kung saan niya 'ko dinala noon. Sa tingin ko isa 'to sa mga paborito niyang lugar dahil dito ay malinaw na nasisilayan ang buwan at mga bituin sa langit.
BINABASA MO ANG
That Villain Is My Prince
Teen FictionDo you like guessing games? If yes, then come in and uncover the pages of a love story composed of little mysteries. Meet; -Adah. A girl with certain beliefs and has a clear purpose in life. She's perfect on the outside and everything must stay tha...