Chapter 78

32 1 0
                                    

Chapter 78


School Outing


Adah


"Prince tama na, ano ba!" Hindi pa ako gaanong nakakalapit ay dinig na dinig ko na ang sigawan nila.


What is happening?


"Bakit ang bilis? This is all his fault, I can never forgive him! Arghhhh!" Prince.


Nang tuluyang akong makalapit ay saka ko nasilayan ang nangyayari. Natakayo sila sa tabing dagat. Walang tigil na pinagsususuntok ni Prince ang malaking batong kaharap niya habang sina Ford, Trav, ate Ella at Thea ay nasa kanyang tabi, sinusubukan siyang pigilan sa pananakit sa sarili.


Natigil ako sa paglalakad at napako sa kinatatayuan nang mapanood siya. He's crying! Humahagulgol siya at napakasakit pakinggan ng iyak niya.


He barely cries... what happened?


"Adah help us," Lumapit sa'kin sina Zey at Aian na hinintay talaga ang pagdating ko.


"B-Bakit siya umiiyak?"


Hindi matanggap ng utak ko ang nangyayari. Masakit na sa'kin ang makita siyang malungkot. Kaya ang makitang nagkakaganito siya ngayon ay sobra sobra.


Nasulyapan ni Travis ang gawi namin at nang makita niya ako'y halos tumakbo siya palapit sa amin.


"Adah, thank God you're here! Tulungan mo kami. Nasasaktan niya na ang sarili niya." Maluha luhang pakiusap ni Travis sa akin, halatang awang awa na siya sa kaibigan.


"A-Anong nangyari?" Inalis ko ang aking tingin kay Prince upang balingan si Trav. "Bakit siya nagkakaganyan Travis?!"


"It's about his family, 'yon lang pwede kong sabihin. Sorry, but I can't give you any more information. Sa ngayon please kausapin mo siya, make him feel he's not alone, na nandito tayo para sa kanya. And even though this is too much to ask, can you please avoid asking him questions about it? Baka kasi m-mas mahirapan lang siya." Halos nagmamakaawa niyang pakiusap kahit hindi naman talaga kailangan.


Hindi ko na siya sinagot. Kahit sobrang bigat ng pakiramdam ko habang pinagmamasdan si Prince ay pinilit kong bilisan ang paglalakad palapit sa kanya. Our friends gave way when they saw me coming.


"Prince," Tawag ko ngunit patuloy niya paring pinagsusuntok ang bato gamit ang kanyang kanang kamay na puno na ngayon ng sarili niyang dugo! Lumapit pa 'ko lalo't hinila ang braso niya. "Prince tama na 'yan!"


Natigilan siya nang dumapo sa'kin ang luhaan niyang mga matang puno ng sakit, galit, at paghihinagpis. I can't take it.


Who did this to you, my Florante...


That Villain Is My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon