Chapter 46
Back
Adah
"Mahal kitang labis
Susubukan ko kahit
Wala 'kong palasyo na abot hanggang langit
At sa bawat araw na tayo'y magkasama
Dala ko ay ligaya~"
Mas lumakas ang kanyang boses, dumiin pa lalo ang bawat salita, at tumindi ang emosyon sa kanyang pag awit sa huling parte ng kanta. His eagerness to send me the message of the song is clear in his eyes na para bang pinipilit niya 'kong kumbinsihin sa kung ano... I know very well what his intentions are but...
"Mahal kitang labis
Susubukan ko kahit
Wala 'kong palasyo na abot hanggang langit
At sa bawat araw na tayo'y magkasama
Dala ko ay ligaya
O aking prinsesa~"
Itinigil niya ang pagtugtog sa gitara, puno ng pag-asa sa kanyang mga mata.
"Sobrang mahal kita," Prince.
Mas lalong kumalabog ang puso ko. Ito ang ikalawang pagkakataon na sinabi niya sa akin 'to pero unang beses ng personal at harap harapan. Sinabi niya 'yon na tila ba sa sobrang tindi ng kanyang nararamdaman ay nasasaktan na siya. I can almost see the pain in his voice when he stated those simple but promising words to me.
I'm doing my best to stop nurturing these feelings of mine. Pinipigilan ko ang pagsulyap sa kanya segu segundong magkatabi kami sa classroom. Pinipigilan kong mahulog pa lalo tuwing nararamdaman ko ang mga titig at pagpapapansin niya kapag nasa iisang lugar kami. I'm the one who's trying too hard to ignore him kaya pakiramdam ko napaka kapal ng mukha ko kung sasabihin ko pang nasasaktan din ako.
I never thought breaking somebody's heart could bring me so much pain.
Ngayon ay malinaw na sa akin ang nararamdaman ko.
Mahal ko siya.
"I'm sorry." Bumaba ako sa aking kinauupuan para lumuhod din at mayakap siya. "I'm really, really sorry." Nang marinig ang sariling paghikbi ay doon ko lamang napagtanto na umiiyak na naman ako.
I cried painfully on his shoulders. Dahilan kung bakit nakuha namin ang atensyon ng tatlo.
"What the hell?" Ford.
"Anyare?" Travis.
"Adah..." Zendaya.
Halata ang pagtataka at pag-aalala sa mga bulung bulungan nila ngunit hindi 'yon ang importante sa ngayon.
"Stupid." Bulong ni Prince na halatang may sama ng loob.
BINABASA MO ANG
That Villain Is My Prince
Teen FictionDo you like guessing games? If yes, then come in and uncover the pages of a love story composed of little mysteries. Meet; -Adah. A girl with certain beliefs and has a clear purpose in life. She's perfect on the outside and everything must stay tha...