Chapter 84

29 1 0
                                    

Chapter 84


Prince Augustus Silvestre


Prince A.


"Mauna na 'ko sa inyo." Paalam ko sa aking mga kasama.


Katatapos lang ng gig namin sa isang bar at balak ko ngayong pumunta sa mall kung nasaan si Adah. After we saw her at the music store, ngayon nalang ulit siya lumabas according to my source.


"Stalking someone's house again?" Asked Kurt. He's part of the school's drama club, at isa din siya sa mga tropa ko.


Nasa parking area kami ngayon, pare parehong katabi ang aming motorsiklo at naghahanda na paalis.


"Nope. She's at the mall. Lumalalim na ang gabi, hindi pa siya umuuwi." Sagot ko habang nagsusuot ng helmet.


"Who are you, her father?" Travis laughed at me. "Isama mo 'ko a!"


"Ako din, Gus! Ayoko pang umuwi e." Robin.

"Sama din ako!" Charles.

"Ano kayo lang? Sasama na rin ako." Jason.


"Alam niyo ang kicreepy niyo." Ford butts in. "Kayong lahat bubuntutan niyo yung iisang babae? What a bunch of weirdos." He cringed.


"Atleast binubuntutan lang. Ikaw kase pinapasukan mo." Jason told him.


Nagsalubong ang kilay ko sa narinig. "Can you not say something like that when we're talking about her?" I snap.


"Ay sorry. Naiimagine mo ba?" Tawa niya.


I took a deep breath and glared at him. "Alis na 'ko." Sumakay ako sa motor ko.


I drove quickly to get to the mall as soon as possible. Dinig ko ang pagsunod nila pero hindi ko na nilingon. Bahala sila. Pero pagdating sa parking ng mall ay nagulat ako nang sumama din pala sina Ford at Kurt.


"O? Ba't nandito din kayo?" Tanong ko.


"I never said I'm not going." Kurt responded.


Nilingon ko si Ford. "Bakit ba, may bibilhin ako." He shrugs.


Tinawagan ko ang taong inutusan ko at sinabi niyang nasa book store si Adah ngayon kasama ang kaibigan niya. Before going in to the mall, I made sure to wear a hat and bring a black face mask with me. Nagdala din sila ng mask pero hindi nila sinuot 'yon. Tapos ayon, para kaming mga tangang nagkalat sa loob at labas ng book store. Si Ford lang ang humiwalay dahil may bibilhin daw siya.


"Dude that's Zendaya! She goes to our school, crush ko 'yan!" Si Jason nang makita ang kasama ni Adah.


Kasalukuyan ako ngayong nakasandal sa isa sa mga bookshelves hawak ang isang librong ginagamit kong pantakip sa aking mukha. She's just reading a book pero nangingibabaw talaga ang kagandahan niya. I can't help but smile whenever she smiles.

That Villain Is My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon