CHAPTER 11

116 12 5
                                    

Nakaupo na kaming lahat dito sa dining area dahil luto na daw ang pagkain. Nakasimangot Akong nakatingin sa pagkain pano ba naman kasi nandito ang brent eh! Anong ginagawa nila dito? Mga etchosero!

Biglang nagring ang phone no kuya kaya napatingin kami sa kanya -____-

"Excuse me, sasagutin ko lang ang phone call ko wait" paalam niya at tumakbo palabas

"Dumadami ang makakapal ngayon" pagpaparinig ni ella

"Yeah" maikling pag sang ayon ni bespren "Bespren nabalitaan mo naba? Nagmahal na daw ang bigas" pagtutuloy niya pa

"And bespar ang sarap ng ulam niyo ah? Bakit baka? Mahal na ang baka ngayon" dagdag niya pa sabay tingin sa brent na ngayon ay pakuha na sana ng ulam pero natigilan sila sa pagpaparinig ni bespar

"Wow ang sarap" Dinig ko pang sabi ni russel "Wala ba kayong inumin dito? Coke?" tanong niya

"Manang Padala nga dito ng malamig na tubig alam niyo na nagmahal ang coke sa tindahan tig 20 pesos na" sabi ko kaya Dali dali sila manang sa pag aabot ng tubig

"Alam niyo guys nagmahal na daw ang Manok, Baboy  pati nadin ang baka nako!" kunyaring kwento ni bespar

Tae!!! Nallt ako sa pinaggagawa namin Wahahaha.

Nakita ko namang natigilan na sila sa pagkuha ng ulam pwera kay ice at excel na kain ng kain

Mga walangya makapal -______-

"Hmm Mc may patis kayo?" tanong ni Russel kaya tumango ako kasi meron naman talaga eh

"Manang patis daw po" sigaw ko kaya dumating nasi manang dala ang patis.

Akmang kukuha na ng adobong manok si James ng ilahin yun ni bespren at kumuha na itinabi niya pa sa kanya

"Magkano daw ang presyo ng manok Ella?" tanong niya pa

"320 per kilo" Dinig kong sabi kaya ayun muntik ng masamid si James dahil sa Badtrip siya kumuha nlang siya ng tubig

"What??" takang tanong niya. Tch!

Feel na feel naman nila Excel at Ice ang pagkain parang walang naririnig makakapal -____-

Natapos na kami sa pagkain ng nagtanong si Russel "Uyy Mc Anong tatak ng patis na'to?"

"Yan ba? Datu Puti" sabi ko pa kaya tumango tango siya

"Ah akala ko datu itim Kulay itim kasi eh" sabi niya pa

"Oh tapos na kayo?" tanong ng kararating lang nasi si kuya

"Oo eh" sagot ni james "Grabe Sarap ng luto mo nabusog ako"

"Oo nga nakakabusog" Pagsang ayon ni nate sabay tayo.

Tumayo nadin ang dalawang kumag, mga feel at home.

Tumayo na din kami at dumeretso sa sala.

"Nuod tayo? Movie marathon" -ella

"Hahaha horror" suggestion naman ni gela at umupo sa sofa

Yung mga kumag ba? Ayun dumeretso sa guest room

"Hmm bespren hinahanap ako ni Josh" sabi niya kaya napakunot ang noo ko at binigyan siya ng nagtatanong na tingin.

"Sinong Josh?" I ask her

"Si Josh yung bestfriend ko" sabi niya pa at umupo sa tabi ko.

Bali ganto posisyon namin

|Ella Bespar Ako Bespren|

"Hmm yung bang lagi mong kinekwento?" tanong ko ulit

"Yah, I text him already na nandito ako, pupuntahan daw ako haha" sagot niya pa habang natatawa "I miss him" dagdag niya pa

Forgotten Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon