NAPAGDESISYONAN nilang hihatid nila ang mga ito, dapat si Mark ang maghahatid sa kapatid ngunit nagpresinta si ice dahil ihahatid daw nito ay si gela kaya malugod na tumango si mark dahil may tiwala ito sa kanilang leader.
Habang nasa byahe ay panay ang sulyap ng nagmamanehong si russel kay erich na lasing na lasing na, inihinto nito ang sasakyan niya ng maramdaman niyang napasandal ito sa kanyang braso at kumapit pa ito na siyang madalas niyang ginagawa ng sila'y bata pa..
Napangiti ito ng mapait ng pumasok sa isip niyang di na sila bata at kung dati'y sa isat isa lang umiikot ang kanilang mundo'y ngayo'y hindi na.
Naigilid niya ang kanyang mata ng gumalaw si erich at mula sa gilid ng kanyang mata'y nakita niya ang pagmulat ng namumungay nito mga mata.
"Russel...." hirap na sambit nito kaya automatikong napatingin si russel sa kanya "Bakit ganun diba dati tayo lang ang magkasama, pero ngayon may evony kana tas ako may Jasu" paninimula nito maya maya ay narinig nito ang paghikbi niya kaya marahan nitong pinunasan ang pisngi ni erich.
Nakaramdam siya bg mabigat na pakiramdam ng di niya malamang dahilan ay gusto niyang sa tabi niya lang muna ang bestfriend nito at ibalik ang dati kahit ngayon lang.
"Alam mo bang.... Mahal kita?"
Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso at para itong sasabak sa matinding pagtakbo, napa iwas siya ng tingin..
"Oo naman, mahal moko kasi bestfriend tayo'"
And that nakaramdam ng matinding lungkot at the same time ay inis si erich marahas itong humarap kay russel na siyang kinagulat nito, puno ng sakit ang mata nito at ngayon lang nito nilabas ang sakit na kanyang kinimnim simula ng maging si evony at russel.
"Bakit lagi mo nalang pinapamukha na hanggang magkaibigan lang tayo?!"
Nabigla ito sa sigaw ni erich naguguluhan ito ngunit mas dumoble ang bilis ng tibok ng puso nito dahil sagulat
"Erich magkaibigan tayo----
"Oo alam ko! Kaya nga nasasaktan ako ngayon kasi magkaibigan lang tayo"
And that natigilan na siya, ngayo'y naunawahan na niya ang tinutukoy ng kaibigan, napaiwas ito ng tingin lalo na't sunod sunod na luha ang tumulo sa mata nito sa sitwasyon nila ay siya ang nakaramdam ng sakit dahil magkaibigan sila. Akmang magsasalita na ito ng muling magsalita si erich.
"Mahal kita,at diko matanggap dahil ako lang ang nakakaramdam nito simula palang at napakasakit kasi nainlove ako sa bestfriend ko na hanggang bestfriend lang ang tingin sakin, na hindi ako kayang mahalin" anito at binuksan ang pinto ng kotse at mabilis na tumakbo. Napahagulhol na ito sa sobrang pag iyak niya na dati niya pa piniligilan pero araw araw niyang nilalabas lalo na't pag siya lang mag isa at tuwing gabi tanging si Jasuki lang ang nakakakita ng sakit na nararamdaman niya.
'Pagtakbo nalang lagi ang ginagawa ko kagaya ng maging kayo takbo lang ang inaasahan ko.'
Di paman siya nakakalayo ng naramdaman niya ang mga brasong pumulupot sa kanyang bewang at pagyakap sa kanya mula sa likuran.
"Ayokong saktan ka" nanghihinang bulong niya kaya marahas na tinatanggal ni erich ang pagkakayakap nito sa bewang niya.
"Pero mula ng magkagusto ako sayo... Lagi at araw araw mokong sinasaktan" iyak nito pilit padin nitong tinatanggal ang pagkakayakap ni Russel sa bewang niya, natigilan siya at parang libo libong punyal ang sumaksak sa puso niya.
"Lalo na nung time na iniwasan moko kasi mas pinili mo ang favor niya" sa wakas ay nakawala na siya sa yakap niya dahil biglang lumuwag ang yakap ni russel sa kanya, humarap ito sa kanya at kinulong nito ang mukha nito sa kanyang palad, gulat ang mababasa sa mukha nito "I heard it all"
Napaiwas ito ng tingin dahil totoo ang sinabi niya "i know it all your my bestfriend~....." pag kanta nito habang hawak padin nito ang pisngi niya.
"Mahal din naman kita----" nasabi ni russel na agad ding pinutol ni erich.
"Don't love me just because I'm your bestfriend, love me as your girl but ayokong ipilit ang sarili ko sayo kasi alam kong siya at siya talaga ang mahal mo...." anito nagulat ito ng unti unti nitong inilapit ang mukha nito sa kanya at dinampihan ng halik ang labi niya, nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam at pagdaloy ng libo libong bultahe mula sa magkadampi nilang labi hanggang sa buong katawan niya, kasabay ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso at tila saglit na paghinto ng mundo, bumitaw sa pagkakahawak nito sa pisngi ng binata at tumalikod na, nag umpisa na itong maglakad at humarang ng taxi habang sinusundan niya ito ng tingin nakatulala lang ito at unti unti nagsink in sa kanya ang lahat hahabulin niya sana ito ngunit mabilis ng naka alis ang taxi at palayo na ito ng palayo.
"Masyado na akong naguguluhan sa nararamdaman ko" bulong nito habang nakatanaw padin ito sa halos tuldok nalang na taxi.
' pero ito ang tama na bestfriend lang kita at girlfriend ko siya at ang pinaka tamang gawin ay.... Iwasan at layuan ka pero kaya kitang protektahan kahit malayo ay di mo alam... '
Naglakad na ito at sumakay sa kotse at pinaharurot iyon magulo ang isip na nagmaneho ito habang gumugulo ang mga salitang binitawan at natunghayan niya.
Inihinto niya ang sasakyan at frustrated nitong ginulo ang buhok niya at nagsisigaw.
"ARGH!! Napakalaki kong gago!?! Sinaktan ko ang babaeng pinangakuan ko na poprotektahan ko at di ko hahayaan masaktan pero ako mismo ang nanakit sa kanya!!!" sigaw ko sa kotse kasabay ng pagdaloy ng mga luhang kanina niya pa pinipigilan.
Nasasaktan siya dahil di niya naprotektahan ang kanyang pinakamatalik na kaibigan mula sa sakit na dala niya.
"Napaka manhid ko! Paasa! Gago!" sigaw pa nito kasabay ng paghagulhol niya.
Mahal ko na siya, pero mali talaga ito. Kasi ayokong isakripisyo ang pagkakaibigan namin para sa relasyon, siguro nga tama lang na ibigay at ipaubaya ko na siya kay jasuki dahil alam kong di niya ito sasaktan di kagaya ng araw araw at paulit ulit kong ginagawa ng diko namamalayan.
Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi at muling bumalik ang matapang at natural kong aura kailangan kong suotin ang maskara ko ngayon.
***
What cha say? Omi! Kinilig ka din ba?! Hahaha Keep in touch marami pang mangyayaring kapanapanabik. Salamat ka forgotten! Saranghaeyaaah💕
Next Update Will Be: Monday
Napaaga ang ud sinipag ang dyosa- hahaha! Kidding cute ni author!
~Jinela💕
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories
Teen FictionBrent...kilala bilang maangas, kinatatakutan ng mga istudyante, hinahangaan ng mga ito dahil sa angking talino at husay sa pakikipaglaban, isa rin sa inaangahan sa mga ito ang kanilang kakisigan ang kaastigan.....pero paano kung makilala nila ang is...