CHAPTER 30: Drunk

53 7 0
                                    


MAGKAKASAMANG lumabas sina mc, charies, gela, sarah, at ella sa kanilang classroom, kapwa nakasimangot ang mga ito.

"Kainis!" nagpapadyak pa si mc habang naglalakad sila sa hallway huli kasi slang pinalabas ng teacher nila.

"Si dora talaga!!!" yamot na saad naman ni charies kasabay ng pagkumpas ng kamay niya sa ere. "Sarap manampal. Argh" halatang gigil na gigil ito kaya nagsilayuan sila kay charies baka kasi malintikan sila.

Biglang tumunog ang cellphone ni charies kaya nabaling sa kanya ang atensyon ng lahat, hinugot niya ito sa kanyang bulsa at tinignan ang caller.

Nanlaki ang mata niya kasabay ng pagsulyap niya kay mc kaya dahil  sa curiosity ay napatingin din sila sa phone nito at ganun nalang ang panglalaki ng mata nila kasabay ng pagkuyom ng kanilang kamao.

"Ano yan?!!! Porn?" pabulyaw na saad ni ella habang pinakatitigan niya ang phone at ganun nalang ang galit na naramdaman niya na di niya alam kung saang lupalop ng nagmula ng makita niya ang picture ni nate na kasama ang isang babae habang magkayakap ang mga ito.

"Puta!  Ano yan? Kinginang yan paasa ang gagong yun ah" panggagatong ni sarah habang halos mag apoy nadin ito sa galit kaya nalikumos niya ang kanyang palda dahil sa inis.

Saktong napadaan naman si cristyl dahil huli na rin itong nakalabas dahil sa kasalanan ni earl.

'Gagong earl na yun!!!' aniya sa kanyang isip, napansin niya sila mc kaya nakangiti itong lumapit sa mga ito.

Nakita niya ang halos mapunit na ang palda ni sarah habang gigil na pinagpipindot ni ella ang cellphone ni charies.

"Gaga. Mahal ang cellphone ko kapag nasira yan! Humanda ka"

Napansin nila si cristyl kaya halos mapaatras si cristyl ng makitang hawak ni mc ang kanyang lapis at parang demonyo itong nakangisi.

"Pahiram ng pantasa cristyl may tatasahin lang ako!!!!" gigil na sambit nito kaya napalunok si Cristyl at ngumiti ng pilit dahil na creep out siya kay mc

Inabot nito ang pantasa kaya di sinasadyang napatingin ito sa cellphone ni charies na hawak ni ella at ganon nalang ang panlalaki ng mata niya at napatakip nadin ito sa mukha.

"Oh my god" bulalas niya habang nangilid ang luha niya, ayun sa picture ay isang magkasintahang sweet sa isat isa at halatang mahal nila ang isat isa dahil naka akbay ang lalaki samatalang bahagyang nakatagilid ang babae at nalapat ang labi nito sa pisngi ni-----earl....

"Abby..." tumulo ang luha nito kaya naman nag aalalang lumapit sila mc kahit nabigla din sila sa reaksyon ni cristyl.

"Hey, bakit" nag aalalang tanong ni mc

At doon na nito nilabas ang lahat kahit bagong kilala niya lamang sa mga ito, napag alaman din nilang tinakwil siya ng kanyang bestfriend at pinlastik siya nito, at ang masaklap ay inagawan siya nito ng nobyo 2 taon na ang nakakalipas.

"So ex bestfriend mo yan" tanong ni Ella  kaya nabatukan ito ni charies at akmang gag anti na ito ng napagtanto niyang si charies iyon kaya ang kanyang kamay na nakaangat sa ere ay dineretso niya sa kanyang buhok at sinuklay suklay kunyari iyon.

"Tara bar tayo" nagulat silang lahat ng nagyaya si gela at halos lumuwa ang mata nila sa gulat sa biglahang pagyaya nito pero maya maya lang ay ngumisi ang mga ito at sabay sabay na tumango.

















HALOS mabato na ni mark ang kanyang phone dahil sa kanyang nakita, trending sa buong academy ang mga picture nila with a random girls.

"Bullsh*t!!" sigaw ni earl kasabay ng paghagis nito sa hawak niyang cellphone kaya ayun warak.

Forgotten Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon