CHAPTER 34

40 6 0
                                    


SI Nate ang naghatid kay Michaella, nakasimangot ito habang nagdadrive pero sa loob loob nito'y napapangiti ito lalo na't nakasimangot na binubuo ni Ella ang rubics cube na sadyang nasa sasakyan na niya

"Hay! Anu ba yan?! Bat di mabuo?" nagpapadyak pa ito kaya lalong napabusangot si nate pero na wari niyang cute ang ginagawa ni ella napailing ito

"Ano balak mo bang sirain ang kotse ko?!" salubong na kilay na tanong ni nate at inihinto nito ang kotse

Natigilan ito ng marinig niya ang mahinang pag hikbi ni ella, sensitive kasi ito lalo na kapag lasing malakas ito playgirl pero napakahina nito lalo na't ayaw niyang sinisigawan siya, alam kasi nila Charies at Mc maging sila Sarah, gela at cristyl at maging ang bago nilang kaibigan na si erich ay alam na din ang problema nito sa kanyang naging first love niloko at pinagmukha itong tanga sa harap ng madaming tao .

"Hoy di kita inaano ah!" pagtatanggol ni nate sa sarili.

"Yun nga eh! Di moko inaano pero bakit ang lakas na ng epekto mo sakin?!" sigaw niya din kaya natigilan si nate di dahil nagets niya medyo na slow siya doon mga 1 minute, ng makuha na niya ang ibig nitong sabihin ay napangisi siya.

"Gwapo kasi ako" mayabang na saad niya kaya sa inis ni ella ay hinampas hampas niya ito.

"I hate you! Sa totoo lang ayoko talaga sayo ng una, kasi nga type lang kita type paglaruan tas anyare?! Mukhang nainlove na ata ako sayo! I'll never been like this, simula ng niloko niya ko I'll never been this happy until you came you ruin everything!pati ang balak kong paglaruan ang lalaki kasi ang lalaki mapaglaro gusto ko ako naman kami naman sawa na ako"

Natigilan si nate dahil sa narinig nito ngunit nakaramdam din ito ng inis ng di niya malamang dahilan, bumilis din ang tibok ng kanyang puso na ngayon niya lamang naramdaman.

"Hindi lahat ng lalaki ganun" mahinang sagot niya this time si Ella naman ang natigilan, napaiwas siya ng tingin at bumaling sa bintana.

"Hindi naman lahat ng lalaki ay ganun, at lalong di lahat ng lalaki ang nang iiwan" dagdag niya pa at binuhay ang sasakyan niya muli niya itong pinaharurot.

"Pero bakit niya ginawa sakin yun? Pangit ba ako----"

"Hindi ka pangit, sinungaling ako pag diko sinabing maganda ka" pag putok niya kaya kaagad napatingin ito sa kanya na naluluha tuluyan na itong naiyak.

"Pero bakit iniwan at niloko niya ko?" nanghihinang tanong niya, habanh pinipigilang niyang pumiyok ang boses nito.

"Kasi g*go siya" pagsagot sa kanya ni nate kaya yumuko ito dahil naramdaman niya ang pamumula ng pisngi niya

"Pero sa sinabi ko kanina" nag angat ito ng tingin at lumikot ang kanyang mata, napagtantuwan ni nate na cute ang ginagawa nito kaya pasikreto itong ngumiti kahit mabiro ito ay marami din itong problemang kaharap na tanging siya lang ang may alam maging brent ay wala alam tungkol dito.

"Kasi yung tungkol sa kanina... Ano--eh-ayyy----"

"May gusto ka sakin?" labas ngipin ang ngiti nito, maraming nagkakagusto sa kanya pero di niya ito pinagtatapunan ng pansin dahil brent at pag aaral ang atensyon niya nais niya ang nga magulang niya'y maging proud sa kanya.

Halos parang kamatis na sa pula si ella kaya napayuko itong muli, sumilay ang malalapad na ngiti sa labi nito na ngayon na lang niya nailabas mula ng mabroken siya, ang tunay na ngiti.

Katahimikan ang naganap at sabay silang napabuntong hininga, nakaramdam na labis na lungkot si nate kaya hinihinto muna nito ang sasakayan ng napadaan sila sa isang 24 hours na starbucks halos wala na ding tao.

"Ayokong magkape kasi kapag lasing lang ako nakakapaglabas ng sama ng loob" inunahan na nito si nate dahil siguro ang kape'y pangpatanggal ng hang over ang nasa isip ni ella.

Ngumiti si nate ng malapad at napagdesisyonan nalang niyang mag take out, sumakay silang muli sa kotse at muling pinagana ni nate ang sasakyan.

"Gusto mo ba talaga ako?" tanong ni nate kaya parang binuhusan ng malamig si ella,

'Kainis kailangan paulit ulit?!'

Uminit ang pisngi niya na nangangahulugang namula nanaman ito, lali siyang namula ng tumawa si nate kaya pinaghahampas niya ito.

"Argh!" aniya at bumwelo ulit ng hampas na siyang nailagan ni nate habang natatawa, patuloy sya sa paghampas ng mahawakan ni nate ang kamay niya, parang may libo libong bultahe ang tumagos at para silang nakuryente.

Umayos ng upo si ella kasabay ng pagtikim nito, hinila niya ang kamay niya sa pagkakahawak ni nate na nagmamaneho padin.

Katahimikan ang bumalot sa kanila ng nagsalita si nate hinihinto nito anf sasakyan sa gilid malapit sa gasoline shop

"Alam mo bang kahit masayahin ako ay marami pa din akong problema?" tanong ni nate kaya nilinga niya ito, seryoso ang mukha nito na minsan lang makita nais niya sanang biruin ito ngunit baka seryosohin niya kaya nanatili lang itong tahimik.

"Bata pa lang ako alam ko ng nasa kapatid ko nalang na babae ang atensyon ng mga magulang ko, alam kong paborito nila ang kapatid ko pero inintindi ko lahat ng iyon kasi panganay ako"

"Lagi nilang kinukumpara ang mga kakayahan ko sa kapatid ko kasi ang kapatid ko sobrang talino at sikat na siyang modelo sa murang edad pa lamang samantalang ako---eto nag aaral padin"

Nakaramdam siya ng labis na lungkot para kay nate, kaya hinagod nito ang likod niya ng narinig niya ang mahinang paghikbi nito.

"Gustong gusto kong magkakapatid nood pero ang sama ko kask minsan hiniling ko na sana di nalang sya nabuhay na mawala nalang siya kasi lagi akong nagmumukhang mahina, mangmang at talunan"

"Di kami close kasi iwas ako sa kanya, oo na naiinggit ako sa kanya kasi siya mahal ng magulang ko pero ako ni minsan at nung bata lang ako dun ko lang naramdaman ang care nila na unti unting nawala... Masakit macompare lagi sa kapatid mo"

Tuluyan na niya itong niyakap lalo na ng lumakas na ang pag iyak nito malayong Malayo sa nate kilala bilang masayahin at palangiti, gagawin ang lahat para mapasaya ang nakapaligid sa kanya.

"At ayoko na ring maiwan kagaya ng ginawa nila sakin" aniya pa t humiwalay sa yakap nila, nagulat si ella ng unti unti nitong nilapit ang mukha nito sa kanya, nanlaki ang mata niya ng dumampi ang halik nito sa kanya nakapikit pa ito kaya napapikit na rin siya.

Bago lang siya sa kiss na iyon kaya di siya marunong humalik samantalang natawa sa isipan niya si nate dahil di ito marunong humalik.

'Naturingang playgirl----and now she's my girl'

Pinagdikit niya ang noo nila at ming

"Ayoko ng maiwan ulit" at muli niya itong dinampihan ng halik, nakangiti silag pareho sa isa't isa.

'Mahal na yata kita, my playgirl your my queen'


***

Huh?! Eh?! My nate is taken naaa!!! Omygad pano na future natin?! Charrrrr!HAHAHA!

What cha say?! Ayus ba? Support niyo ko till the end, keep on touch!lovelotsss!

I want to say thank you dun sa isa kong reader na nag vote at nagcomment sa Story ko awieee kamsaaaa bb :* Si Seokjin_illegirl

~Jinela💕

Forgotten Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon