NAPANGITI si ella ng mabasa niya ang post sa bulletin board.
Michaella is mine -Nate Jonas Ford
Naglalakad sila ngayon patungo sa parking lot.
"Kitty..." napangiti siya sa tawag nito sa kanya kaya humarap siya dito.
"Saan mo ba gustong pumunta?" tanong pa nito, nakatingin---nakatitig lang siya dito rather. Habang panay ang daldal ni Nate.
"Kahit saan" ngumiti pa ito.
Sumakay sila sa kotse, may pinindot doon si Nate at nagulat siya ng nawala ang bubong ng kotse, mangha siyang napatingin dito.
Sinalubong siya ng sariwang hangin, inilabas niya ang kanyang ulo dito habang nakangiti.
"wooooh! I love you dark!!" sigaw niya kaya napangiti ng malapad si Nate.
"I love you more kitty" anito kaya napasulyap siya dito habang nakangiti, kinindatan siya ni Nate kaya naman lalo siyang napangiti.
Sumandal ito sa balikat ni Nate at isiniksik niya ang kanyang ulo sa balikat nito.
"Ang saya ko dark...akala ko one sided love lang tayo pero ngayon akin kana, hoy akin ka lang!" anito na may pagbabanta sa boses niya kaya napatawa ng mahina si Nate at kinurot ang pisngi nito.
"Ako din, akala ko di ako magkakagusto sa isang kagaya ko, isang masayahin, makulit, OA----Ouch!" mabilis siyang hinampas ni Ella kaya napangiwi siya.
Lumabi si Ella "OA agad?!" salubong ang kilay niya, puro pangit na bagay kasi ang sinasabi nito tungkol sa kanya.
"OA, madaldal pero kahit ganun kapa tanggap ko lahat sayo, ikaw ang kauna unahang babaeng naging katapat ko ikaw ang kauna unahang babaeng naging makulit ako, ikaw ang kauna unahang babaeng minahal ko ng ganito"
Napalitan ng ngiti ang nakasimangot nitong mukha, humarap ito sa kay Nate at ginawaran niya ito ng magaan na halik sa pisngi.
"That's why i love you dark" anito at muling yumakap sa braso nito.
"Your the reason behind my sweet smile kitty, i love you too"
NAKASUNOD lamang si Mc kay Ice napagdesisyunan kasi nilang magpicnic ng nagpresinta siyang sasama sila ng kaibigan niya, kanina pumayag naman kaagad si Sarah at Ella.
"Sama na kami ah?" pangungulit ni Mc dito, huminto ito sa paglalakad kaya bumangga siya sa likuran nito.
"Camping, hiking" anito kaya napanguso si Mc, napakaikli kasing sumagot ni Ice.
"Luh to! Sama kami mukhang exciting!" ani Mc habang nagtatalon sa tuwa, kaagad siyang tumakbo papalayo kaagad niyang tinawagan si Charies.
"Bespren! Uwah!" nalayo kaagad ni Charies ang cellphone sa tenga niya dahil sa sigaw ng kausap niya sa kabilang linya, naglalakad na sila ni Josh patungo sa parking lot.
"Ano ba yun?!" iritada niyang tanong, naiingayan kasi siya sa kaibigan.
"Sasama daw tao sa camping at hiking natin sa bundok! Excited na ako" she giggled kaya naman nanlaki ang mata niya.
"For real?! Emgeee! Kailan daw?" inilipat niya sa kabilang tenga ang cellphone at nakangiting sumulyap kay Josh na halatang naguguluhan nadin.
"Luh, yun lang diko alam" napakagat siya sa lalim ng labi niya.
"Oh siya bukas kita tayo"
"Okay, puyat ako eh bye na!" napahikab pa siya bago pinatay ang kabilang linya.

BINABASA MO ANG
Forgotten Memories
Teen FictionBrent...kilala bilang maangas, kinatatakutan ng mga istudyante, hinahangaan ng mga ito dahil sa angking talino at husay sa pakikipaglaban, isa rin sa inaangahan sa mga ito ang kanilang kakisigan ang kaastigan.....pero paano kung makilala nila ang is...