Chapter 19: Sarah (Side Story)

87 8 0
                                    


Malapit ako sa may terminal ng bus ng may humintong van Ss harap ko.

Kinabahan ako dahil bumaba ang pitong lalaking naka bonet at nakaitim na mask.

Tumingin sila sakin bago nagkatinginan tapos sabay sabay silang tumango.

Nagpumiglas ako ng buhatin nila ako kaya Lang masyado slang malakas kaya naman wala akong nagawa kung hindi tignan sila ng masama...

"Sino kayo???? Anong nagawa ko sa inyo? Ah???! Pakawalan niyo ko" tanong ko habang nagpupumiglas ng maisakay nila ako sa van

"Wala kang atraso pero ang boyfriend mo meron!!!" malakas na sigaw ng lalaki kaya naman natawa ako.

"HAHAHA ako may boyfriend? Hahaha! Baliw NBSB ako" tumatawang saad ko, lalo akong napahagalpak ng masama nila akong tinignan!

Pikon mga weak hahaha!!!

"Wag mo kaming lokohin!" madiing saad ng driver.

"You think niloloko ko kayo? Ungas!"

"shut up bitch!!!"

"Blah blah blah! Whatever!" I rolled my eyes kaya lalo itong napikon.

Napahawak ako sa pisngi ko ng sampalin ako ng katabi ko. Masama ko itong tinignan habang pinupunasan ang pisngi kong may dugo

"Natahimik ka? Sige may ingay ka pa susungalngalin ko ang bunganga mo" pagbabanta niya sakin.

"Edi wow!!!!cheverluuuuu" sigaw ko pa, muli niya kong sinampal kaya naman natahimik ako.

Masakit kaya! Tsk!

Huminto ang van Ss may abandonadong bodega kaya kaagad akong nakaramdam ng pangingilabot ng may bangkay akong nakita sa may gilid, nangangamoy nadin Ito kaya naman napatakip ako sa ilong.

"Balik niyo nako sa school wala talaga akong boyfriend Ano ba!!!"

"Manahimik ka!"

Nanahimik nalang ako at hinintay na dumating ang boyfriend ko kuno!

Lumipas ang mga oras habang ako Ito nakaupo sa may kama habang naghahalakhakan ang mga lalaking kumidnap sakin.

"Ayt mga to! Nasan ba kasi ako?" inis na bulong ko habang inaayos ang aking pag upo.

Sino ba kasing boyfriend ko daw?

"Boss nandito na si Kris!!!!!" malakas na saad ng nasa labas kaya naman napalingon ako sa may pintuhan.

Huh? Kris?

"Nandito na pala ang isa sa pinaka kinakatakutan sa brent academy hahahaha" humalakhak pa ang nagsalita nakarinig ako ng mahinang pagmumura.

"Sinong girlfriend ba ang sinasabi niyo? Wala akong girlfriend" Dinig kong saad ng lalaki.

Teka! Pamilyar ang boses ng lalaking yun ah... San ko nga ba narinig yun-----

"Ikaw????!!!" magkasabay na saad naming ng marahas ba bumukas ang pintuhan.

Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat

Siya? Si Kris? Isa yan sa mga brent ah! Aba to! Gangster ba ang lalaking to?

"Tsk. Pasakit ka talaga sa ulo ang babaeng to..." bulong nito kaya naman biglang nagpantig ang tenga ko dahil sa narinig ko.

"Kapal ng apog mo! Ikaw nga tong nagpakidnap sakin eh!" sigaw ko sa kanya habang sinamaan siya ng tingin.

"tsk"

"Tama na ang drama niyong mag jowa kayo! Maya na ang lambingan haha kung magkikita pa kayo" humalakhak pa ang lalaki nagsalita.

Gunggong! Ang pangit mong tumawa mukha kang chanak!

Forgotten Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon