MAGKAHAWAK kamay habang naglalakad sina Charies ay Josh, palubog na ang araw ng sila'y magkita malapit sa may park ng central Village malapit sa bahay nila Mc, tahimik lang sila at tila'y nagpapakiramdaman sa isa't isa. Biglang pumasok sa isip ni Charies kung paano umamin sa kanya si Josh.
Flashback..
Sabado ng umaga nagulat siya ng pagbaba niya sa hagdanan ay nakita niyang prenteng nakaupo si Josh sa sala, ang inaasahan niyang bisita ang kanyang bespren na si Mc kaya ganun nalang ang gulat niya ng pagbaba niya ay si Josh ang naghihintay sa kanya.
Nag angat ng tingin si Josh kaya nagtama ang paningin nila, di niya alam pero tila'y wala siyang maramdaman di tulad ng dati na sa tuwing nagtatama ang kanilang mata'y naroon ang kakaibang pakiramdam na di niya matukoy, napailing na lamang siya.
"Good Morning dude" nakangiting bati nito kay Charies kasabay ng kanyang pagtayo.
"oh dude aga mo ata?" gumanti siya ng ngiti kay Josh, sabay silang umupo sa may pahabang sofa.
"Hmm, napadaan lang. Back to korea kami today balik namin is other week so di na naman tayo magkikita" may himig ng lungkot na anito, nakaramdam din ng lungjit si Charies ngunit nakakapagtakha at di na ito katulad ng dati, napapikit ng mariin si charies bago ngumuso kaya natawa ang nakasimangot na si Josh.
"Ang cute mo talaga!" anito at pinisil ang dalawang pisngi ni charies kaya napasimangot ito, mabuti't wala ang kanyang mommy at daddy kung hindi ay---wala rin.
"Isa!" may pagbabantang aniya at pinanlakihan niya ito ng mata, nagulat siya ng magseryoso ang kanyang kaibigan na bihira niya lamang gawin.
"May sasabihin sana ako sayo bago ako umalis" ngumiti pa ito ng bahagya kaya naman napangiti rin siya.
"Ano yun dude?" takhang tanong niya dito, nakakatakha ang katahimikan nito maging ang way ng pagtingin niya para kay charies na siyang nakaramdam sa kanya ng ilang
'Nakakailang'
Napaiwas ng tingin si Charies dahilan upang matinag si Josh at napatikhim.
"Charies Mae Reyes" banggit ni josh sa pangalan niya maya maya'y natawa ito ng bahagya, nakatingin lang siya kay Josh na batid niyang seryoso kahit ito'y tumatawa kaya sumeryoso narin ito.
"Mamimiss kita dude" nakangiting anito kaya gumanti siya ng ngiti bago humawak sa kamay nito.
"Mamimiss din kita dude, mag iingat ka palagi dun ah?hmm at wag na wag kang magpapagutom nako makukurot ka sakin! Magdala ka ng payong mo dude!tsaka iwasan mo yung pagpapacute ah? Kasi di ka cute! pangit mo kaya" tumawa pa ito kaya naman napasimangot si Josh kalauna'y nadala din ito sa pagtawa ni Charies.
Maya maya ay sumeryoso na naman ito kaya naman napaayos ng upo si Charies kasabay ng bahagya niyang pagnguso.
'Ano bang nahithit ni dude?tsk'
"Alam mo ba dude? Ang tagal kong tinago ang nararamdaman kong ito, bakit ganun? Kahit anong sabi ko sa sarili ko na dapat kalimutan ko na ang nararamdaman kong ito wala eh...hindi ata nakikinig ang puso ko"
Nakaramdam kaagad si Charies, nakaramdam siya ng matinding ilang at bahagyang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Di niya alam pero parang alam na niya ang kahahantungan ng mga salita ni Josh.
"Dude mahal kita"
With that natigilan siya, di niya maintindihan kung masaya ba siya o ano basta ang alam niya ay nalilito siya.
Napapikit siya at di niya inaasahang biglang lumitaw ang nakangiting itsura ni Excel kaya kaagad siyang napamulat ng mata kasabay ng kanyang paghahabol ng hininga.
![](https://img.wattpad.com/cover/112295880-288-k261123.jpg)
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories
Ficção AdolescenteBrent...kilala bilang maangas, kinatatakutan ng mga istudyante, hinahangaan ng mga ito dahil sa angking talino at husay sa pakikipaglaban, isa rin sa inaangahan sa mga ito ang kanilang kakisigan ang kaastigan.....pero paano kung makilala nila ang is...