CHAPTER 22

92 9 4
                                    

Russel's Pov

Hanggang ngayon naisip ko padin ang sinabi ni Evony.

....
H

Flashback

Habang nasa may tambayan kami biglang sumeryoso si evony.

"Babe can i request you something?" nagpa cute pa ito kaya pinisil ko ang mga pisngi niya, ngumuso pa ito

"Sure, anything for you babe...what is it?"

Ngumiti pa ito at Pinagsiklop ang kanyang mga kamay sakin.

"babe can you please..... Stay away from Erich.... Please" unti unting nawala ang ngiti sa labi ko at nabitawan ko ang pisngi niya.

Sandaling katahimikan ang naganap.

"Please babe..... "

End of flashback....

"Ang lalim ng iniisip bro ah?"

Nabalik ako sa huwisyo dahil sa pagsingit ni Mark.

Frustrated kong ginulo ang buhok ko at padabog na tumayo.

"What's your problem?" tanong din ni kris at umupo sa may sofa habang hawak ang isang mineral water.

"Malaki" maikling tugon ko at inagaw ang bottled water na hawak niya.

"Woah! Anong problem ba yan bro? Girl problem? Kayo ni evony? Or what?" tanong din ng nakiki usyosong si Earl.

"Sicret muna" ani ko at tumayo, ininom ko ang bottled water na inagaw ko kay Kris.

"Baka dahil sa bestfriend niyang si erich yan!"

Halos maibuga ko ang ininom kung tubig sa sinabi ni Ice.

What the f*ck?

"Alis muna ako" saad ko at tumayo na.

I need to talk to her.....my bestfriend

Erich's Pov.

Biglang tumunog ang phone ko habang pinapractice ko ang kanta para kay Russel.

Ang kantang 'Spring day... '

Sumulyap ako sa phone ko, kaagad kung binuklat ang message na natanggap ko galing kay Russel.

*From: Russel*

Tara labas tayo?

Kaagad akong napangiti dahil sa nabasa ako. Walang sali salitang nag reply ako habang di nawawala ang ngiti sa labi ko.

*To:Russel*

Sure!

Message sent!

Dali dali akong tumayo sa pagkakahiga ko at nagsimula ng mag ayos.

Huwah! Hihihi!

*From: Russel*

Nandito nako sa baba kanina pa!


Inayos ko na ang sarili ko naglagay ng konting lip gloss at powder.

Bumaba nako sinalubong ako ni nana shie ang nanny ko siya lang ang bukod tanging taong may alam ng feelings ko para sa bestfriend ko.


"Nak! Nandito ang bestfriend mo" nakangiting mapang asar na saad ni nana kaya medyo natawa ako.

"Alam ko nana"

Forgotten Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon