TULOY padin sila sa pagpasok, balak kasi nilang tapusin ang sem na to at sa ibang bansa na ituloy ang senior high study nila.
Ilang buwan narin ang nakakaraan ng tumira sila sa iisang condo, walang nakakaalam kung nasaan sila, kahit ang mga magulabg nila'y walang alam sa nangyayari sa kanila.
Napansin ni Mc si Ella na umiiyak sa may sulok ganun din si Sarah na malungkot lamang nakatingin lang sa malayo kaya napabuntong hininga siya bago sila lapitan.
Kapwa busy sila Charies, Erich, Angela at Cristyl sa ginagawa nila. Nagluluto ng ulam si Gela samantalang si Erich ay naglilinis bg pinagkainan kagabi, si Charies at Cristyl ay naglalaba.
Nakatoka naman sa paglilinis ng sala si Mc kaya nadaanan niya si Ella na umiiyak habang nagpupunas ng display nila dun.
"Insan, ayos ka lang ba?"
Mabilis na nagpunas ng luha si Ella, at nakangiting humarap kay Mc "Oo naman insan, strong kaya ako!" May pait padin sa tono nito kaya naman umupo sa sa kaharap nito bago niya niyakap si Ella, hindi napigilan pa ni Ella ang maiyak lalo na ng sobrang higpit ng yakap ni Mc sa kanya.
"Bakit ganun insan? Ang dali niya naman akong ipagpalit at baliwalahin dahil sa mga babaeng yun kinalimutan na nila tayo!ang sakit insan kasi nasa punto na ako ng buhay ko na mahal na mahal ko na siya pero ni paniwalaan ako di niya magawa!"
Nangilid din ang luha sa mata ni Mc, napahagulhol na si Ella dahil dun, pakiramdam niya napakalaki niyang tanga dahil yun ang pinaparamdam sa kanya ni Nate.
Nagkatinginan silang nasa kusina dahil aa iyak ni Ella, malungkot silang napabuntong hininga bago tinapos muna ang gawain at sumunod din sa sala, si Sarah naman ay muling nanumbalik lahat ng matatamis nilang samaan ni Kris na di niya inaasahan na maglalaho nalang ng parang bula, naiyak siya ng tuluyan ng marinig niya ang hagulhol ni Ella, nilingon niya iyon dun niya nakitang napakamiserable ng itsura ng kaibigan habang inaalo ni Mc, pati ang pagdating nila charies ay nakita niya.
"Iiyak mo lang yan ella, nandito kami para sayo" mababakas sa tono ni Erich na maiiyak narin ito ngunit pilit niyang pinipigilan ang sarili na maiyak.
"Bakit ganun?! Ganun nalang ba tayo kadaling kalimutan? Sana makalimot nalang ako! Ayoko na silang makilala pa!Argh!" Umiiyak na sigaw niya kaya napakuyom ang kamao nilang lahat.
Galit sila.
MAAGANG nagising si Angela kinabukasan, siya ang gumising kela Charies pag umaga dahil siya pinakaunang nagigising.
Napaisip din siya, bakit nga ba siya umasa na mamahalin ulit siya ni Mark? Isa siyang napakalaking tanga, ayan ang tawag at binansag niya sa sarili niya.
"Hey!" At halos mapasigaw siya at ibuhos ang kapeng hawak niya kay Charies na ngayo'y tatawa tawa sa kanya.
"Tangna mo!nanggugulat kapa!" Inis na aniya dito bago napahinga ng malalim.
'Tss. Himala at tumawa ang babaitang ito?'
Dahil sa sigaw ni Gela ay napabalikwas kaagad ng bangon sila Mc dahil sa pag aakalang galit ito.
Nagmadali silang nagsiligo, mabuti't dalawa ang cr dito isa sa kwarto at isa sa katabi ng kusina.
Dahan dahan ang ginawang paghakbang ni Sarah papunta sa may kusina para di siya mahuli ni Gela, aminin niya man sa hinfbdi ay takot siya dito.
"Hoy!" at halos mapatalon siya sa gulat ng biglang humarap sa kanya si charies, nakakunot ang noo niya na parang nagtatakha kung bakit ganun ang inaakto niya "Jusko cha! Layuan mo nga ako sa tinging mong yan!tsa!"
Nag iwas ng tingin si Charies bago sumimsim sa hot chocolate niya, nagtuloy tuloy nalang sa paglalakad pa cr si Sarah.
Mabilis din silang natapos, maaga pa naman sila ng kaunti pero kaagad din silang pumasok, mag cocomute lang kasi sila sa pampasaherong bus.
Pagbaba nila sa condo ay panay ang asaran nila na nangunguna si Ella at Gela sa mga kulitan habang si Erich ay natatawa nalang sa kakulitan ng mga kaibigan.
Naagaw ng isang okyupadong cafe ang tingin nila, alam kaagad nilang isang cafe yun, may namuong idea sa isip nila bago nagkatinginan tumango sila may nakapaskil pang 'For sale' at yung cellphone number ng may-ari.
Mabilis na kinopya ni Erich yun sa kanyang cellphone, idinial nila ang may ari ng for sale na lupang iyon..
"Hello?" mabilis na nilapat ni Mc sa tenga niya ang cellphone ni Erich, napagpasyahan na nilang maglakad papuntang terminal ng bus.
"Hillo? Ano po eyon?" pag sagot ng kabilang linya, nilayo ni Mc ang cellphone ni Erich sa tenga niya at niloud speaker iyon.
"Kayo po ba yung may ari ng lupa dito sa may North Village?" tanong ni Ella habang sa daan padin ang tingin.
"Kame nga po" anang nasa kabilang linya.
"Magkano po ba ang lupang iyon?" hindi na nagpatumpik tumpik pa si Mc, nakarating sila sa terminal ng bus at mabilis silang pumara ng may dumaan dun.
"300 thousand pisos po"
Mabilis silang napangiti, at nagapir pa ang magkakatabi pwera kay Sarah na emo lang sa isahang upuan.
Nagpaalam na sila sa kabilang linya at sinabing ireserve na sa kanila ang lupang iyon, mabilis namang umoo ang may ari at napagkasunduan nilang next month na ang bayaran sa lupa.
"Kaso pano yung pambayad?" maya maya ay tanong ni Ella, alam nilang dinig ng lahat yun pero parang sila lang ang nag uusap sa bus dahil wala silang pakielam kahit marinig sila ng ibang tao.
"Oo nga, ayoko namang umasa kela mama pagdating sa bagay nato" sabi naman ni Gela, magkatabi sila ni Ella sa may upuan kaya sila ang nagkakarinigan talaga.
"Hindi naman problema yan eh" cool paring sagot ni Charies "We can do it in our own naman"
"Pano?" tanong naman ni Erich "Si mama nga tinatanong kung kailan daw ako uuwi, she even offered me a money pero tinanggihan ko, i want to be independent to live for my own, para pagsa korea na tayo we can do it together na!"
Napatango tango sila, kagaya din ni Erich ay pareho sila ng mga hangarin, at gustong marating.
"Simple lang naman eh, maghanap tayo ng] trabaho" sagot naman ni Mc.
"For real? Exciting!" excited na tili ni Cristyl bago yumakap sa katabi "Wow! As in wow!" masayang aniya pa bago ngumiti ng malapad "for sure proud ang mga magulabg natin satin!" nakangiting ani niya pa bago lumingon sa may labas ng bintana.
Ngumiti ng malungkot si Charies 'I hope so'
Napansin ni Mc ang pagbuntong hininga niya kaya nilinga siya nito "Okay lang yan bespren!" pagkokomport niya dito bago ngumiti, charies smiled wider, buti nalang at may kaibigan siyang kagaya nila.
NAGING busy ang nakaraang araw nila, paglabas nila ay kaagad silang naghanap ng trabaho at natanggap sila bilang waitress, day past ay nagtagumapay na sila.
Binasag nila ang alkansyang baboy na nilagysn nila ng kanilang ipon binilang nila iyon at naoangiti sila ng mabilang nila ang huling sentimo na kailangan nila.
"Two hundred ninety nine thousand nine hundred ninety nine pesos, three hundred thousand!" sabay sabay nilang saad bago napatalon sa tuwa.
"This is it! New life new beginning! I know guys we can do it!"
Nakangiting saad ni Charies bago sila naggroup hug!
***
Tagal kong mawalaa!HAHAHAHA sorry! Umalis lang saglit! Chapter 49 completed! Enjoy Reading! Lovelots!mwaps!
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories
Novela JuvenilBrent...kilala bilang maangas, kinatatakutan ng mga istudyante, hinahangaan ng mga ito dahil sa angking talino at husay sa pakikipaglaban, isa rin sa inaangahan sa mga ito ang kanilang kakisigan ang kaastigan.....pero paano kung makilala nila ang is...