NAKAHINGA ng maluwag si Angela ng marating nila ang garahe nila Mc, inalalayan siya ng mga ito kaya hindi siya masyadong nahirapan sa paglalakad.
"Badtrip talaga si kuya, hays! Lagi kang sinasaktan ng gunggong na yun eh!" nanggigil na saad ni Mc "Buti nandito si Kuya Yuki yung driver naming koreano!" medyo tuwang ani na niya.
"Pero hep, please? Stop speaking korean okay?" nakangiwing saad ni Cristyl, nahawaan narin kasi ito sa pagiging fangirl nila maging si Erich ay nadamayan na ng yellow na dugo ng kpop fangirl.
"Yeah, mabuti ng masakay na natin si Angela sa kotse para magamot na ang sugat niya" pagsang ayon ni Charies kay Mc bago isinakay ito sa back seat.
"Omo! Dumudugo! Omg what should we do?! I'm panic"
"Can you please shut up this time ella? It's not helping us!" Iritadong saad ni Charies kaya ayun may world war II na sa pagitan nila.
Sumakay na silang lahat maliban kay Mc tinawag niya muna si Kuya Yuki sa may maid room, may asawa na kasi ito doon si Ate Yolly yung bagong katulong ng kuya niya.
"Kuya Yuki, tara na po"
"Aales ka po Ms. Mary?" medyo slang pa ang pagkakasabi nito kaya naman natawa siya ng bahagya.
"Ne.." anito na sana ay di na sundan pa ng pagkokorean ni kuya Yuki, napakamot pa siya ng ulo.
"Suri Ms. Mary I'm still stadiying Englis words" na pa nito kaya nagpasalamat siya dahil hindi dudugo ang ilong niya "But i ken ispik korean if you want to Ms. Mary" dagdag pa nito kaya naman napasimangot siya.
NAKARATING sila ng Fansy Mall, malayo layo ito sa Central Village kaya mahaba haba ang naging byahe nila sakto na para malinisan ang sugat ni Gela hindi naman kase makurba kurba ang daan kaya maayos nila itong nagamot.
"Saang Village to kuya Yuki?" tanong ni Mc habang palinga linga, naghahanap kasi sila ng pwedeng parking-an, tinignan siya nito sa may gilid ng salamin bago ngumiti.
"Ms. Mary nasa may North village po ito, malapit na po ito sa wakas ng north village" sagot sa kanya ni kuya Yuki kaya napatango tango siya
"Nagpapakahirap kapa kuya, eh may parking lot na naman!" ani naman ni Sarah, napakamot ng ulo si Kuya Yuki kasabay ng pagkabig niya sa manubela at minaneobra ito.
"Mayaman ka kuya ano?" tanong ni Ella kaya napapreno si kuya Yuki.
"Aray, king inang yan! Mapapatay ka ni Kris pag nagasgasan ang mukha ko! May pagka OA pa naman kagaya ni Ella-----Aray kingina mo inaano ka ah?!" sigaw niya kay ella ng batukan siya nito, gigil na gigil ito..
"Suri Ms. Sarah, i'm in the steyt of the shak lang, when you say that i em rits!" kakamot ulong anito pa.
"You want to kill us don't you?" galit kunyaring sabad ni Angela, tinatakot niya lamang ito kasi nga kumirot na naman ang sugat niya.
"No, Ms. Gela------"
"Who the hell told you to call me Gela?!" inis kunyaring anito.
"Why all of the people don't want me to call you, Ms. Gela? First is Ms. Mary and the second is Sir Mark! He want to punch me but my wife Yolly say sorry, he's so mad at me that time, but i say sorry. So Ms. Angela i'm so sorry" pagpapaumanhin nito kaya naman natigilan si Angela maging sila Mc ay naging tahimik sa loob ng sasakyan, naisip si Angela sa inaakto ni Mark ngunit kaagad din siyang napatalon sa gulat ng may bumangga sa likod ng kotse nila.
"What the fuck?!" sigaw ni Sarah sa gulat, napahawak pa ito sa dibdib niya maging si Ella ay napakapit sa upuan ng kotse nila.
Si Mc naman ay nagkasalubong ang kilay habang si Erich ay napahawak sa ulo niya na bahagyang naumpog at napangiwi nakaramdam kasi ito ng bahagyang pagkirot, habang si Cristyl na tulog ay nagising sa lakas ng impact ng pagkakabangga nila sa likuran.
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories
Teen FictionBrent...kilala bilang maangas, kinatatakutan ng mga istudyante, hinahangaan ng mga ito dahil sa angking talino at husay sa pakikipaglaban, isa rin sa inaangahan sa mga ito ang kanilang kakisigan ang kaastigan.....pero paano kung makilala nila ang is...